Chapter Nineteen

2.8K 136 4
                                    

SHANELLE

"Good morning, class."

Agad bumulabog ang baritonong boses ni Mr. Ferrer nang pumasok siya sa klase, kaya humupa ang tensyon sa room. Bumati kami at umayos ng upo.

"I still couldn't figure out until now why you did that to my cousin. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ka pa rin sa ginawa mo."

Nanindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ang hininga ni Alvin sa aking batok. Bahagya ko siyang nilingon.

"She deserved that," I said.

"Papa'no kapag gumanti siya sa 'yo? Dawn doesn't forget people who mess with her," aniya.

"Huwag kang mag alala sa akin, Alvin. Hindi rin naman ako mananahimik lang." Tiningnan ko siya sa mga mata. "Hindi sa lahat ng panahon ay nagpapakumbaba ang isang tao sa mga nang-aapi sa kanya. Dumadaan sa apoy ang mga may kasalanan."

Kumunot ang noo niya. "Parang deep meaning iyon, ah? Are you doing revenge or something?" he tried to joke around.

I smirked. "Yes. Gano'n na nga," pasimpleng sagot ko.

Unti-unting nawala ang ngisi niya. "Kung gano'n ay naghihiganti ka," tumatango-tango niyang sambit. "But revenge will never be good."

Ngumiti ako nang mapait sa kanya. "It's not, unless you understand me."

Hindi ko na siya pinagsalita pa at humarap na kay Mr. Ferrer na kanina pa pala nagsasalita sa harap. Kami lang yata ni Alvin ang hindi nakikinig.

"...kailangan na natin magkaroon sa classroom para sa future activities dito sa campus."

Iyon ang huling narinig ko kay Mr. Ferrer. Agad naghiyawan ang lahat at pumalakpak. Nagtaas ako ng kilay.

Okay? What the hell is happening?

"Jeffrey..." tawag ko sa aking katabi. "Anong sinasabi ni sir?"

"Magno-nominate tayo ng mga officers dito sa classroom. Malapit na kasing mag-July, e," wika niya.

"Let's start the nomination for the president position," sambit ni sir.

May mga nagtaas ng kamay. Ang iba ay sumisigaw pa.

"Sir! I nominate Jane Divas! Dahil matalino siya at sikat din!"

"I nominate Linda Rade Allego! Isa siya sa mga pinakasikat na students dito sa school, at ang ganda-ganda niya katulad ng mga kaibigan niya!"

"I proudly nominate Dan Palma! Dahil wala siyang magandang kinabukasan sa room natin!"

Agad nagtawanan ang mga tropa ni Dan sa likod, pati na rin ang mga classmates namin.

"Tangina mo, Jacob!"

Binatukan ni Dan si Jacob. Nagtawanan ulit ang lahat. Napairap na lang ako at humalukipkip. It's starting to get boring.

"Dan! Your mouth!" mariing saway ni sir.

Napakamot naman sa ulo si Dan bago umupo ulit. Napatingin si sir sa likod ko.

"Alvin?"

So, boboto si Alvin? Sino, sarili niya? Tss. Anong maidudulot ng posisyon niya sa classroom? Kalandian? Kayabangan?

"I nominate Beatrice Reign Corpuz for President."

Nanlalaki ang mga mata kong tiningala siya sa aking likuran.

What?!

And it turned out that many voted for me as their president because of this brute.

Goodness!

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now