Chapter Twenty-One

3K 139 6
                                    

SHANELLE

Nagbihis ako ng isang red, plunging neckline, short dress noong gabing iyon. I also wore a golden necklace and circled earrings for accessories. Mas lalo ko namang dinepina ang pagkakaalon ng buhok ko sa pamamagitan ng curly iron. I wore a pair of black wedges that made me taller. And of course, my dark makeup that enhanced my beauty.

Ngumiti ako sa salamin bago ako bumaba sa staircase ng mansyon.

"Woah!" Napatigil si Belle sa paglalakad sa sala. May notebook siya sa kanyang kamay nang pinasadahan ako ng tingin. "Don't tell me you're going to a bar? Party?"

Inayos ko ang aking silver purse saka ko siya tiningnan. "Hindi naman ako mambubugbog doon, Belle. Nakita mo ba kung anong suot ko ngayon?" mataray kong tanong.

Tuluyan na akong nakababa sa staircase ng mansyon. Pumamewang ako sa kanyang harapan. Ngumuso naman siya sa gilid ng labi niya.

"Okay, right," pagsukong aniya. "Pero nagsusuot ka lang naman ng ganito kapag may okasyon. Anong meron?"

"Birthday ni George ngayon."

"What?! Ba't hindi mo sinabi?!"

Tinampal niya ako sa balikat. Ginantihan ko rin naman siya.

"Ano ba? Nakalimutan ko nga, at ngayon ko lang naalala!"

Si Anabelle ang nagpakilala kay George sa akin noong ako pa si Shanelle. They were friends, simula pa lang noong hindi pa ako napapadpad sa Auckland, New Zealand.

Napahawak siya sa magkabilang pisngi at nabitawan ang notebook sa sahig. "I can't just skip this because of my assignment! Kailangan ko ring mag-party!"

Bago pa ako makaapila ay nakapanhik na siya sa itaas. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Umupo ako sa sofa para maghintay sa kanya. Binuksan ko na lang ang aking Facebook account sa cellphone, kung saan kalat sa newsfeed ang ginawa ko kanina kay Dawn.

Matapos ang naging away naming dalawa ay nag-walk out siya at sinabing magbabayad daw ako.

Like what? Nanininingil pa nga ako, tapos pagbabayarin niya ako? Katawa, ah?

Tiningnan ko naman ang Messenger app. Ilang sandali lang ay may nag-pop out na chat.

Alvin Dominique Ferrer : Hi, sweetie!

Napairap na lang ako sa mensahe niya. Absent siya ngayon kaya hindi ko nakita ang mokong sa araw na ito. I wonder kung alam niya ang ginawa ko sa pinsan niya.

Beatrice Reign Corpuz : Back off, motherfucker.

Alvin Dominique Ferrer : Minumura mo na naman ako. Ang sabihin mo, namimiss mo ang existence ko.

Beatrice Reign Corpuz : Kapal mo. Tumigil ka, ha?

Paano ko kaya mapipigilan ang pang-iinis niya sa 'kin? Nakakairita minsan, e. Kahit anong bara ko, hindi lumalayo. Tss.

Alvin Dominique Ferrer : Grabe naman 'to. Pakopyahin mo 'ko ng assignment bukas, ah?

Beatrice Reign Corpuz : Subukan mo lang at ingungudngud kita sa mga babae mo!

Alvin : Why do you sound like you're jealous? ; )

Nanliit ang mga mata ko. Napairap na lang sa huli.

Ako? Magseselos? Sino naman ang pagseselosan ko?

Si Betty na nahuli ko noon na hinaharot niya? Si Ritz na nakita ko noon sa isang restaurant habang hinahampas siya sa braso at nanlalandi sa kanya? Si Jessa ba na isang cheerleader na sinusubuan niya pa sa cafeteria?

No way! Sino naman ako para magselos? Isa lang naman siyang bwisit na lalaki sa paningin ko!

"Oh? Nakabusangot ka yata?"

The Mask Behind the Past (RVS#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora