Chapter Six

2.5K 103 0
                                    

SHANELLE

"CR lang ako," ngiting paalam ko kay Linda.

Tumango lang siya habang nagsusulat sa notebook at ako naman ay tumalikod. Sinasagutan niya na ngayon ang mga tanong na ibinigay ko sa kanya tungkol sa General Mathematics namin na subject.

Umalis na rin sina Dawn, Kylie, at Aura dahil mag-g-gym na lang daw sila para maaliw. Bakit ba naman daw kasi sila mananatili rito kung wala naman silang gagawin kung hindi ang tumunganga sa amin?

Nanatili si Linda sa bahay namin. I don't know if she's comfortable being with me, pero nagpaturo, kaya ano pa bang magagawa ko?

Kahit na hindi naman talaga kami nagpapansinan bawat samahan naming lima ay ayos lang. Nasanay na rin naman ako na hindi ako masyadong 'welcome' para sa kanya sa grupo nila. At least nandiyan pa rin sina Dawn, Kylie, at Aura para sa akin, okay na.

Naghuhugas na ako ng mga kamay matapos kong umihi sa banyo. Lumabas din ako pagkatapos, pero laking gulat ko na lamang nang matagpuang hawak na ni Linda ang cellphone ko na nagri-ring. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa screen. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad nang kinuha ang cellphone ko mula sa kanya. Namumutla ko siyang nginitian.

"S-Sagutin ko lang, ha?"

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay 'sweetheart' ang nakalagay. Napalunok ako matapos lumayo. Hindi ko na tiningnan si Linda habang papalabas ako ng kuwarto at sinarado nang dahan-dahan ang pinto.

"S-Sweetheart?" mahinang tawag ko.

Nagpalinga-linga ako sa pinto ng kuwarto ko. Baka lumabas si Linda.

"Hi, sweetheart. Are you free tomorrow? I want to spend my birthday with you," he asked, making my attention averted.

I chuckled. "Sweetheart, of course, I'll be with you on your birthday. Sa bahay niyo?" tanong ko.

"Umm, no. I have friends sa bahay, e. I... I can't invite you there," sabi niya sabay buntong-hininga.

Napawi ang ngiti ko. Milyun-milyong mga konklusyon ang namalagi sa aking utak. Bakit? Ikinahihiya niya ba ako? O baka ayaw lang niyang may makaalam sa relasyon namin para hindi ako mapahamak? O baka naman nandoon si Dawn?

"You know our situation, right?" his voice was low and deep when he asked that.

"Yes. I understand naman. Free ako bukas para sa 'yo." May naalala ako. "Ummm, nandoon din ba si... ano... Dawn?" tanong ko at napalunok.

Bumuntong-hininga ulit siya at tumikhim. "She never forgets my birthday, kaya nando'n talaga siya dahil siya rin ang nag-decorate sa bahay namin," sabi niya nang mahina.

Nagkagat-labi ako. I knew it. Ang suwerte naman ni Dawn. Kaya niyang magpakita roon. Ano kayang iniisip ng mga tao kapag magkasama silang dalawa ni Steven? Mas bagay nga naman silang dalawa, e. Na-i-insecure tuloy ulit ako.

"Alam ba ng mga kaibigan mong... tayo na?" tanong ko, nagdadalawang-isip dahil baka mailing siya.

"H-Hindi pa."

Napatango ako kahit hindi niya nakikita.

"Pero maghahanap ako ng tiyempo, okay? Just wait," saad niya.

Ngumiti ako. "It's okay. Hindi naman ako nagmamadali."

Pagkatapos ng tawag namin ay tumunganga ako saglit. Alam ko kung ano ang pakiramdam niya. Hindi ko nga masabi kina Dawn na may relasyon kami ni Steven, paano pa kaya siya sa mga kaibigan niya?

Pumasok na ulit ako sa kuwarto. Nadatnan ko si Linda, nakahalukipkip na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Agad akong namula.

"Sweetheart." Tumaas ang kilay niya. "So you have a boyfriend."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now