Chapter Sixteen

2.9K 162 11
                                    

SHANELLE

Ang pamilyar na hangin ang sumalubong sa akin nang dumating kami sa Maynila kanina sa airport. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, ang kalsada, at ang mga nagtataasang gusali mula sa bintana nang nayayamot.

Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar kung saan ako huling tumapak --- kung saan huling tumapak si Shanelle Ramirez.

Nakasakay kami ngayon sa isang van nina Tita Lucy at Anabelle dahil pareho silang sumama sa akin papalabas ng New Zealand. Si Dad lang ang nagpaiwan. May pagmamay-aring mansyon ang mga magulang ni Tita Lucy dito sa Maynila at doon kami titira pansamantala. Nasa may pinakadulong upuan ng van si Anabelle, at si Tita Lucy naman ay nasa front seat, habang ako ay nasa gilid ng bintana ng van.

"It's good to be back here!" manghang sambit ni Belle mula sa likod. "It's years since I went to Manila."

Tumaas ang kilay ko kay Belle. "You've been here? I thought hindi pa?" takang tanong ko.

"Pumunta si Zach dito noong isang taon. He just visited some friends here, and then we briefly went to New Zealand after that," kwento niya.

"Ah," nababagot kong ani at hinawi ang buhok ko, ngayon sa bintana ulit nakatingin.

"Oh, my gosh!"

Napatingin ulit ako kay Anabelle na nagtatakip na ng bibig habang nakatingin sa labas.

"What now?"

"Is that Dawn Marie Mercedes?"

Saglit akong natigilan.

How could she mention that name? And how did she know that woman?

May tinuro siya sa labas. Napalingon naman agad ako sa car window. Naibaba ko ang shades ko at kinunot ang noo. Nag-igting ang aking panga dahil sa namumuong emosyon. Sa gusali, may isang katabing billboard doon na si Dawn Marie Mercedes ang visual.

After all these years, hindi siya nagbago. Nag-mature lang nang konti ang mukha niya at mas gumanda ang kurba ng katawan. Sa poster ay nakapamewang siya at nakangiti nang malaki habang nakasuot ng fitted white dress and black stilettos.

Nasa hanggang bewang ang maalon niyang itim na buhok. Malalaki ang medyo mapupungay niyang mga mata, matangos ang ilong, at may peach lipstick pa sa labi na naglalarawan sa kanyang buong mukha.

She's still the same since then until now.

"How did you know her, Belle?" tanong ko habang tinitingnan pa rin ang billboard.

"Ah! I met her from one of my gigs sa Dubai. 'Di ba nagbakasyon ako roon kasama si Zach?" kwento niya. "She's really nice and approachable. She's gorgeous, too, at kuwento sa akin ng friend ko ay singer din siya dito sa Maynila."

Umangat ang gilid ng labi ko at nagtaas ng kilay.

"Oh, really?"

Nanliit ang mga mata ko hanggang sa nawala na sa paningin ko ang billboard. Binalik ko ulit ang shades sa mga mata ko.

"Why? Do you know her, Beatrice?" kalmadong tanong ni Tita Lucy sa akin.

As Shanelle, yes, but Beatrice?

"No," I answered.

"You might want to meet her, Beatrice. She's really cool," kwento sa 'kin ni Anabelle sa likod.

I would gladly want to meet that bitch and her fucking friends.

Bumaba na ako galing sa kwarto ko para harapin si Tita Lucy na tinutulungan si Iris maghanay ng mga furniture sa sala. Si Anabelle naman ay nagbabasa ng mga magazines sa isang sofa. The mansion was modern when we arrived as I described it. Para lang ito sa mansyon doon sa New Zealand, but this one was much better and bigger.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now