Chapter Thirty-Nine

2.7K 140 1
                                    

SHANELLE

This is insane. Nagtitigan na lang kami ni Steven sa lamesa. Panay ang paghinga ko nang malalim, habang siya naman ay kalmado lang. Last time I checked, he begged me before to come back to him.

Pero ngayon? Para pang hindi siya nagugulat na nakikita ako? He played with his whiskey glass and drank the liquid inside it. Seriously? Drinking during dinner?

"Talaga bang gan'yan na kakapal ang mukha mo, Steven?"

Umangat ang gilid ng labi niya at pinasadahan ng hawak ang kanyang buhok. 

"I don't understand you."

"Huwag ka nang magmaang-maangan. Pinagloloko mo ba ako, ha? Akala mo ba hindi ko nahahalata na pati sa pakikipag-usap kay Aaron ay ginugulo mo kami? Ano bang gusto mo?" 

Napahigpit ang hawak ko sa handbag dahil sa inis ko. Nasa restaurant kami sa resort ni Cyrel, and guess what? Siya ang big time businessman na gustong mag-offer ng proposal sa akin! I swear, I really want to kill that gay and this fucking guy!

Nilagay niya ang whiskey sa hapag at tiningnan ako. "Offering a proposal."

"A proposal!" I echoed. "Hindi ako naniniwalang iyan lang ang dahilan mo! Sa dinami-dami ng iba diyan, ako pa talaga? Steven!"

"Okay!" Nagkibit-balikat siya sa huli. "Gusto ko lang kamustahin at makita ka ulit dito. Nothing else."

Agresibo akong bumuntong-hininga. "Paano mo nakilala si Aaron?"

"Your son?" Ngumisi siya at napailing. "I can't believe this..."

Hinampas ko ang kamay ko sa lamesa at kinuha ang tinidor para tutukan siya nito. Nag-igting ang aking panga. 

"Huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa anak ko. Kung hindi, ako ang makakaharap mo!"

He stared at me but with no fear in his eyes. "It's still your decision to tell the truth, Shanelle," sabi niya sabay buntong-hininga. "So what do you say about my proposal?"

Ngumisi ako. "I just want to comment na maganda naman ang proposal mo, but I'd say no. Thank you for the dinner." 

Binagsak ko ang tinidor. Akmang tatayo na ako nang bigla siyang nagsalita.

"You can trust me, Shanelle."

"No. I don't trust people that are parts of my past, Steven. Lalong-lalo na kung konektado ka kay-"

"Alvin?"

"T-That's not what I meant." 

Namula ako kaya umiwas ako ng tingin. Tumawa siya kaya hindi ako nakatiis at kinausap na siya nang seryoso.

"Look, Steven, tahimik na ang buhay ko ngayon. Huwag mo nang simulang guluhin pa."

"Didiretsahin na kita." Pinagkrus niya ang mga braso niya at humilig sa backrest ng upuan. "I don't trust your sister."

"Si Anabelle?" namamangha kong tanong. "Bakit ka yata napunta sa kanya?"

"She... ummm... paano ba," he murmured. "Gumawa si Anabelle Corpuz ng mga bagay na hindi ko talaga nagustuhan. And I must say that she was more horrible than you."

"Huwag mong idamay ang kapatid ko dito. Wala siyang kinalaman."

He smiled sarcastically that made me flinch. "Noong binyag ni Yna ay nanggulo siya, pitong taon na rin ang nakararaan. She was drunk that time while calling Aura a whore and Zach an asshole. Marami pa siyang mga eskandalong ginawa na hindi ko yata maipapaliwanag nang husto dahil hindi ko maatim na sabihin sa 'yo."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now