Chapter Twenty-Five

2.4K 136 6
                                    

SHANELLE

Isang maingay na Biyernes ang sumalubong sa akin dahil sa nangyari sa amin nina Steven at Dawn. Tradisyon na iyon sa Springfield University na kapag may kinalaman sa mga high falutin students kagaya ni Dawn, pag-uusapan talaga. Lalo na ako na nagpapainit at nagpapawala sa sarili niya.

For the past years that I know her being head over heels of Steven, he is her main weakness. Just like how she cares for her fame and reputation. Those are also the things that I will steal away from her, too.

Kasalukuyan na akong nagsusulat ng notes sa room, nang biglang umalingawngaw ang tawanan ng mga kaibigan ko sa kabilang row kasama ang ibang classmates ko. It was our assembly time.

"You just dumped her like that, Alvin?" tanong ni Queenie.

Napalingon ako kay Alvin na maliwanag ang mukhang tinitingnan si Queenie.

"Yup, just like that. Kia is pretty, pero mataas kasi ang standards ko when it comes to girls," he said.

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Alvin.

"Nerd naman kasi talaga ang babaeng iyon. Like duhh, sino bang papatol sa kanya na palaging kaharap ang libro?" rinig kong sabi ni Jane.

What?

Kumunot ang noo ko sa pagtitipon nila at palihim silang sinamaan ng tingin.

Parang nainsulto ako sa sinabi ni Jane. I know that I don't want to be that Shanelle again, pero ako pa rin siya. She's my real identity, and being insulted for being a mere nerd and studious is just unjustifiable.

"Definitely. Ayoko sa mga babaeng boring."

Naikuyom ko ang papel na hawak ko sa kamay dahil sa sinabi ni Alvin. Umugong ulit ang tawanan nila. Hinampas ko ang desk at hinarap silang napapatayo na. Nalito sila nang tingnan ako. Natahimik ang lahat sa room dahil sa hampas ko.

"Are you all gonna shut up?" I said deadpan. "Nakikita niyo naman sigurong may mga nag-aaral dito, 'di ba?"

"Ay sorry, Beatrice," sabi ni Eury, ang mukha ay nakokonsensya kagaya ng ibang katipon niya.

Hindi ko naman gustong magtunog-KJ, pero naiinis talaga ako kung paano nila insultuhin si Kia. Tapos dagdagan pa itong si Alvin!

Bumaling ako kay Alvin na kaharap na ulit ang cellphone niya nang seryoso ang ekspresyon at nagtitipa. Wala man lang pakialam sa akin at hindi ako tiningnan. Pairap ulit akong umupo sa seat ko.

Bullshit. Kung ayaw niya akong pansinin, e 'di huwag!

Friday night, Steven gave me a DM that he'd take me out the next day. I told him that I know a restaurant, and he said okay. Ang hindi niya alam, pupunta kami sa kung saan kami huling nag-date. Iyon ay noong birthday niya.

"Wow, ganda naman yata ng sister ko. Sa'n punta mo?"

Humilig si Belle sa pintuan habang kumakain ng mansanas nang makita niya akong nag-aayos sa loob ng kwarto ko. Nilagyan ko ng black eyeliner ang mga mata ko habang nakaharap sa whole body mirror.

"I have a date," sagot ko.

"With your ex?" Nanuya ang mga ngiti niya. "Sobra naman yata ang pagpapaganda mo."

I rolled my eyes at tiningnan ang repleksyon niya. "Of course, Belle!" I confidently said and smirked at her. "He has to realize that leaving me before was the greatest mistake he has ever done. Not to mention him being with Dawn that time while I am being condemned by the students."

Kumagat siya ng mansanas habang kinakausap ako. "So gusto mong ipamukha sa kanya na hindi ka na si Shanelle ngayon? But, Beatrice, hindi niya nga alam na ikaw si Shanelle," aniya.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now