Chapter Thirty-Two

2.5K 128 3
                                    

SHANELLE

"Bakit gusto mo akong kausapin?" tanong ko kaagad sa kaharap kong si Steven.

We are currently in a coffee shop. Pagkatapos ng mahabang photoshoot kanina ay pinuntahan at tinanong niya ako kung pwede ba akong makausap. Wala akong gana, but I was too curious.

Yumuko muna siya at pinaglaruan ang kape sa lamesa bago ibinaling ang tingin sa akin.

"Shanelle Ramirez is your sister. Is that true?"

Ni-hindi ko man lang siya binigyan ng reaksyon. I just tapped my fingers on the table between us.

"Nasabi ni Dawn sa akin." Tinitigan niya ako. "Shanelle was my girlfriend, at nawala siya noon. Alam mo ba... kung nasaan siya?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko na talaga siyang sampalin. Ngumiti ako at ininom ang iced coffee.

"Hindi rin naman makapal ang mukha mo, 'no?"

May ngiti ang pagkasasabi ko. Nawala naman ang sigla sa mukha niya.

"At bakit ko naman sasabihin sa 'yo matapos mo siyang iwan?"

"Hindi ko iniwan si Shanelle. We just had a misunderstanding because she cheated on me. Nagalit lang ako matapos i-send ni Dawn sa akin ang isang picture."

Nag-igting ang panga ko. "Edited lang iyon, gago ka," kalmado kong sabi habang ngumingiti.

"What are you saying?"

"Plinano lang iyon ni Dawn para paghiwalayin kayong dalawa at naniwala ka naman. Gano'n ka na ba kawalang tiwala sa girlfriend mo?"

Nasira ang mukha ko dahil naaalala ko na naman ulit ang sarili ko noon na parating umiiyak para lang sa walang kwentang lalaki. Sinayang ko lang ang oras ko sa pagmamahal ng isang maling tao.

Nagulat ang mukha niya.

"Hindi ko alam na edited iyon."

"Then ask her! Naging masakit para kay Shanelle na habang nagpapakasaya ka sa ibang bansa ay nagdudusa naman siya sa mga ginawa ni Dawn sa kanya. Alam mo ba iyon, ha?"

"Beatrice..."

"Pero kahit na gano'n, umasa pa rin siyang babalik ka at poprotektahan siya. Anong ginawa mo? In-entertain mo pa si Dawn nang sumunod siya sa 'yo sa U.S, habang umiiyak sa sakit at umaasa si Shanelle sa 'yo dito!" inis na sambit ko.

Nakaawang ang bibig na tiningnan niya ako.

"I... I didn't know of that."

Hinilamos niya ang mukha niya. Hinawakan niya ang aking kamay. Napaismid ako.

"Please, Beatrice, sabihin mo na kung nasaan si Shanelle. I truly love her until now. Gusto kong makinig siya sa mga explanations ko."

Binawi ko ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Too late, Steven. You're too late dahil patay na si Shanelle!"

"What?"

Tumayo na ako at kinuha ang purse. "Sisihin mo ang minamahal mong si Dawn!"

I walked away with pain on my chest. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na mahal niya pa rin si Shanelle, ako! Puwes, wala na akong pagmamahal sa kanya. Nailibing na rin matapos akong ilibing nina Dawn. Galit at paghihiganti na lang ang nasa puso ko.

Matapos ang isang linggong photoshoot ay pumasok na rin ako sa campus. Balitang-balita ko ang ginagawa ng mga estudyante kay Dawn dahil pinapa-monitor ko sina Jane sa nangyayari.

"Gosh, Beatrice. Kung alam mo lang kung paano pahirapan ng lahat si Dawn!" kuwento ni Eury matapos ang klase.

"Hindi lang iyan. Hindi siya pinapansin nina Aura, Kylie, at Linda. Mukhang may mga galit din sa kanya," sabat din ni Sidney.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now