Chapter Thirty

2.5K 139 3
                                    

ALVIN

"Palumpon ng mga rosas po," sabi ko sa matandang tindera sa flower shop.

"Anong kulay ba, hijo? Pula, puti o lila?" ngiting tanong ni manang.

Napangiti ako. "'Yung lila na lang po," aniko.

Ngumiti si manang, saka siya tumalikod para asikasuhin ang mga bulaklak.

Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Aamin na ako kay Beatrice na gusto ko siya.

Nitong mga nakaraang araw, akala ko laro-laro lang 'to, pero mas lumalalim lang ang nararamdaman ko para sa kanya nang hindi ko napapansin.

Shit, mahal ko na yata ang babaeng iyon kahit sadista siya. Tanggap ko ang pagkatao niya, kahit alam kong naghihiganti lang siya. Gusto ko ang pagsusungit niya, ang pag-angat ng mga gilid ng labi niya, ang mga kulay-krystal niyang mga mata, at mga matatamis niyang ngiti.

Ngumiti ako dahil naaalala ko na naman ang mukha niya kapag sinasamaan niya ako ng tingin. Mas natawa ako nang maalalang sinabi niya sa aking nagseselos siya kapag may umaaligid na babae sa akin.

"Ikaw, ha? Tigil-tigilan mo nga iyang pagpapapansin sa mga babae diyan," banggit niya sa akin nang may kinindatan akong babaeng schoolmate namin noong magkasama kami sa hallway.

"Aba, bakit naman?"

Umiwas lang siya ng tingin at bumulong-bulong sa gilid niya.

"Nagseselos ako," wika niya.

Bulong lang iyon, pero rinig na rinig ng tenga ko.

Ngumisi ako. Natigil ang pag-i-imagine ko nang tumunog ang wind chimes, hudyat na may pumasok sa flower shop. Paglingon ko ay nakasalubong ko ang nakaitim na t-shirt habang naka-khaki shorts na si Steven.

"Steven was my ex."

Naalala ko ang sinabi ni Beatrice na ex niya ang nanliligaw noon kay Dawn, and they had a secret affair. What's worse is in the end, he just left her.

Tumabi si Steven sa akin nang tuluyan na siyang makapasok sa shop. Tinunog niya ang bell sa counter kung saan ako humihilig at mataman siyang pinapanood. Tahimik lang ako ngayon, pero gusto ko nang sumabog sa inis tuwing naalala kong ex siya ni Beatrice.

"Isang bouquet of roses po, kulay pula," saad niya nang may ngiti.

"Opo!" sigaw ng matanda habang nagtatali para sa aking mga bulaklak.

Ngumiti ulit ang gago, saka niya ako tiningnan. Naramdaman siguro ang panonood ko. Tinaasan ko siya ng kilay habang dinidilaan ko ang pang-ibabang labi, pero nginitian niya lang ako kagaya ng ginawa niya kanina sa matanda.

Huwag mo akong ngitiang gago ka!

"Alvin, kumusta?" bati niya.

I smirked. "Ayos lang naman."

Sinulyapan ko ang mga pulang rosas sa lagayan ng mga bulaklak sa likod ng counter bago siya tiningnan sa mga mata.

"Para kanino 'yang bibigyan mo ng bulaklak?" tanong ko sa kanya nang malamig.

Subukan mong gago kang si Beatrice ang pagbibigyan mo at babasagin ko iyang bungo mo.

"Kay Beatrice," kalmadong sagot niya.

Kinuyom ko ang kamao ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hihingi lang ako ng pasensya dahil nasigawan ko siya last week. Nag-away kasi kami," sabi niya at nagkibit-balikat.

"Bakit mo siya sinigawan?"

Suminghap muna ako bago ko iyon tinanong sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong suntukin siya.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon