Chapter Eight

2.5K 114 10
                                    

SHANELLE

"D-Dawn," nanginginig kong sambit sa kanya at dahan-dahang tumatayo mula sa sahig. "Let me explain..."

Tumawa siya nang sarkastiko, pero ramdam ko naman ang galit niya. She scoffed many times in front of my face which indicated that this might have been some kind of a joke. Napahigpit ako sa paghawak sa slingbag ko na may lamang mga libro.

"Explain daw, oh?" turo niya sa 'kin habang tumatawa. Humakbang siya papalapit nang nanlalaki ang mga mata. "Ang sabihin mo, insecure ka sa akin dahil ako ang naging top one at gumaganti ka, kaya nilandi mo na si Steven!"

Oo, nasaktan ako nang konti, na hindi na ako ang naging top one at siya na, pero hindi sumagi sa isip ko ang gumanti sa kanya. I am a devout to academics and it was unfair that the ones who have not studied hard were the ones that are awarded. But I also did not like lying to them, and I know that I was a coward... and this is what I dreaded to happen.

Napasinghap ako habang bumubuhos ang mga luha ko. Umiling ako sa harapan niya, gustong magpaliwanag, pero walang mga salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakakatakot at nakakakaba ang nangyayari sa ngayon.

"Hindi iyan totoo, Dawn," sabi ko at suminok.

"You're such a traitor, Shanelle! Malandi ka!" sigaw ni Kylie sabay bato ng bag niya sa akin mula sa likod ni Dawn.

Masakit ang pagkababato niya, pero ininda ko iyon kasi naiintindihan ko ang galit nila.

"Hindi, mali ang iniisip niyo--"

Sinampal ako ng dalawang beses ni Dawn sa magkabilang pisngi ko. Napasinghap ako sa kanyang ginawa at napayakap sa sarili.

"You're a fucking bitch!" sambit niya sabay turo niya sa noo ko.

Nakita ko ang mga nagbabadyang luha sa mga mata niya dahil na rin siguro sa galit.

"Siguro, hindi ka lang nerd! Mangkukulam ka rin at ginayuma mo si Steven para makaganti kay Dawn!" sigaw ni Aura sa 'kin.

"Hindi! Boyfriend ko siya at mahal ko-"

"You shut up!"

Nagulat ako nang biglang kinuha ni Dawn ang slingbag ko at pinukpok ito sa aking mukha.

"Tama na, Dawn! Tama na!" pagsusumamo ko.

Patuloy ako sa pag-ilag mula sa paghahampas niya sa akin. Umugong ang mga hampas niya sa buong classroom, at kahit gusto kong tumigil siya ay masyado silang galit lahat sa akin para tigilan ako.

"Hindi ka ba nahihiya, Shanelle?! Kinaibigan ka namin kahit hindi ka naman nababagay, tapos inahas mo lang pala ako!" pagpapatuloy niya. "Ahas ka!"

Hindi gumalaw ang iba para awatin si Dawn. Ang sigaw niya at iyak ko lang ang nagpapaingay sa classroom, habang ang ibang mga kaklase ko ay pinapanood kami nang blangko.

It dawned on me --- that no matter how I explain myself, they will never understand my reasons. Walang maniniwala sa akin dahil ako lang ang mag-isa. I don't know how to put the right words for them to comprehend what I want to say. I hate myself for being a coward and not calloused like them.

Why am I so weak? Why can't I fight back? Why is it so fucking hard to protect myself when what they are doing is so wrong? Why is cowardice so easy to acknowledge and bravery so hard to achieve in these crucial, lonely times?

Tumigil si Dawn sa pagkukwelyo sa akin nang pumunta ang mga mata niya sa pintuan ng classroom. Pati ang mga classmates kong nanonood ay naalerto, kaya nakuryoso ako at tumingin din sa pumasok. Bigla kong nakita si Mrs. Kagura.

Nanlaki ang mga mata ng adviser ko nang makita kaming dalawa ni Dawn sa gitna ng room. Nagtama ang mga paningin namin. Nabuhayan ako ng loob, dahil sa wakas ay may teacher na rin. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako dahil sa saya.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang