Chapter Twenty-Seven

2.4K 135 2
                                    

SHANELLE

"What? E, saan ka ba pupunta?" mataray na tanong ni Belle.

I just rolled my eyes and sighed. "May kakausapin lang ako."

Luminga-linga siya sa paligid ng gym at nginiwian ako. "Sister, wala namang tao sa loob ng gym, e. Don't tell me may nakikita kang hindi ko nakikita?" 

Napatakip siya sa bibig nang nanlalaki ang mata. Inambaan ko naman siya ng sampal. 

"Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Umuwi ka na nga!" I said.

"But what about our friends?"

Tinalikuran ko na siya at kinuha ang gymbag ko. "Just tell them that I have something to do. I'll call you when I get home." 

I gracefully walked out of the gym. Huminga ako nang malalim.

Hindi nagpakita si Alvin kaninang nagpa-practice kami sa cheerdance sa gym. May nakapagsabi na pumasok naman siya sa campus, pero hindi siya dumalo sa mga klase. Ewan ko ba kung saan ko siya unang hahanapin.

Ang puwet talaga ng lalaking iyon, saan na ba? Papahirapan pa yata ako. 

May nakikita pa akong mga students sa bleachers. Kunot-noo ko naman silang sinuri, nagbabaka-sakaling makita ko si Alvin na nakikipaglandian lang sa tabi-tabi.

"Ay, sorry..." 

Medyo napaatras naman ako nang makabangga ko ang isang pamilyar na katawan. Kinuha niya ang bag mula sa lupa na nahulog niya. 

"Hindi ko sinasad-"

Naestatwa siya sa kinatatayuan. Ang malambing niyang mukha kanina ay sumimangot. Sinimangutan ko rin siya.

"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" sarkastiko kong tanong.

Napahigpit ang paghawak ko sa strap ng gym bag ko. Okay, act normal in front of him, Beatrice. Nago-overreact ka na naman.  

As usual, malamig ang tingin sa akin ni Alvin. Sa isang hindi malamang dahilan ay bigla kong na-miss ang pagka-sweet at pang-iinis niya sa akin noon. Hindi 'yung suplado.

"I need to talk to you."

My teeth clenched after saying those words. Tinitigan niya lang ako. Tinitigan ko naman siya pabalik. May mga freshmen ang dumadaan sa gilid namin, pero hindi namin sila pinapansin --- na para bang kami lang ang nasa mundong ito. Mayamaya lang ay tumawa siya, pero rinig ko naman ang sarkastiko.

"Ahh..." Tumango-tango pa siya. He scoffed, like I was a funny thing. "Pagagalitan mo na naman ba ako dahil hindi ako nagpakita sa practice?" 

Napaawang ang bibig ko. Gusto na sanang magsalita, pero naunahan niya na ako. 

"Well, Miss President, I'm sorry, but I don't want to dance for the cheerleading contest, kasi hindi ako in. te. re. sa. do," dagdag niyang may patagilid-gilid pa ng ulo.

Nag-igting ang panga ko. Humigpit ulit ang hawak ko sa sling ng gymbag. I don't like his behaviour this time. 

"Look, Alvin..." Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy. "Ang ayoko sa lahat, 'yung bini-big deal ang isang pagkakamali lang. Bakit ba sa simpleng tukso lang ay nagalit ka na?"

Kumunot ang noo niya. Pinaglaruan niya ang dila sa loob ng kanyang bibig, parang nawawalan ng pasensya sa akin.

"Simpleng tukso? Nakita mo ba 'yung reaksyon ko noong kinukutya mo ako? Tingin mo, masaya ako? Hindi ako natuwa, pero ikaw, ang saya-saya mong humusga."

Naitikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya, natatamaan.

Oo nga. Hindi siya masaya noong sinasabihan ko siya ng bakla. I did not stop from my limitations.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon