Chapter Eighteen

2.9K 150 11
                                    

SHANELLE

"Oh, my god," namamanghang sambit ni Jane mula sa upuan niya.

Naging magkaklase kami sa pangatlong klase ko, pati na rin ang mga kaibigan niya.

"I can't believe na ginawa mo iyon kay Dawn!" sabi naman ni Lara na hinahawakan na ang mga pisngi dahil sa gulat.

Pinaggitnaan ulit nila ako at nakakaistorbo talaga. Binuksan ko na lang ang libro ko at sinubukang magbasa, pero wala akong maintindihan kasi ang ingay nila.

Nagpatuloy ang first day ko na maingay ang paligid dahil sa nangyari. Naririndi na nga ako na pati sina Anabelle at Phoebe ay tinatanong ako kung bakit ko iyon ginawa.

"You already know me. Wala itong pinagkaiba sa mga ginawa ko sa New Zealand, okay?" saad ko sa kanila habang lumalabas na kami ng gate sa campus.

"But, Beatrice, first day pa lang ay nakahanap ka na agad ng gulo. Sana hindi mo dinala ang ugali mong iyan dito," masugid na parangal sa akin ni Anabelle.

Umirap ako. "Like hello? Alangan namang inumin ko 'yung toyo!"

"Oo nga, pero kung gano'n kaganda naman ang magbibigay sa akin ay tatanggapin ko!"

Sinamaan ko ng tingin si Phoebe.

"...ibubuga ko pala," bawi niya at napayuko.

"Hindi niyo pa siya kilala," sabi ko, diretso ang tingin sa direksyon na pupuntahan namin.

Sa sumunod na araw ay nauna ako sa pagpasok sa university kay Belle kasi natutulog pa siya noong paalis pa lang ako sa mansyon. She was on call with Zach last whole night. Napuyat tuloy.

Nang mapadaan ako sa hallway sa palapag ng building ay walang gana akong naglakad papasok sa room ko na nasa third floor. Wala pang tao roon. Pumatungo ako sa sariling seat. Nag-cellphone na lang ako roon habang naghihintay sa oras.

Tungkol sa nangyari kahapon ay kumalat iyon sa newsfeed ng Facebook. Sumabog din ang friend requests ko at notifications. May mga nagte-text na rin sa akin na mga unknown numbers na hula ko ay galing sa mga lalaki kong kaklase.

"Good morning, my destiny!"

Napatalon ako nang marinig ang boses ni Alvin papunta sa aking direksyon. Pumamulsa siya habang papasok ng room.

"Please, asshole. I have a name," inis na sabi ko.

Umupo siya sa seat ni Linda at humarap sa akin. Umirap lang ako at nagpatuloy sa pags-scroll ng aking cellphone.

"You know what? Ikaw lang talaga ang babaeng nagsungit sa akin," aniya.

"At ikaw lang din ang pinakamayabang na lalaking nakilala ko," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"Grabe naman."

Humalakhak siya sa aking sinabi.

"Oo nga pala. Nabalitaan ko ang ginawa mo sa pinsan ko."

Napatigil ako sa ginagawa ko at inangat ang tingin sa kanya.

Pinsan?

"Pinsan mo... si Dawn?" seryoso at kunot-noo kong tanong.

"Oo," he said and cracked his head. "My father and her mother are siblings."

Nag-igting ang panga ko at napaiwas ng tingin.

Konektado at kadugo niya si Dawn, at pinsan niya pa. How did I not know of that?

"Go away," mariing sambit ko at tiningnan siya nang masama.

I shouldn't be near him.

"Aga-aga, nagsusungit ka."

Pinisil niya ang mga pisngi ko. Umatras naman ang aking ulo dahil sa ginawa niya.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon