Chapter Thirty-Four

2.5K 119 4
                                    

SHANELLE

"Kanina ka pa tinitingnan ng boyfriend mo, Elle," sabi ni Jeffrey.

Hindi ako tumingin sa may banda ni Alvin na kumakain sa isang lamesa at tumitig na lang sa kinakain kong carrot cake habang kasalukuyan kaming nasa restaurant ng resthouse para sana mag-dinner, but I'm on a diet so cake na lang ang kinain ko. Si Jeffrey naman ay steak at kanin na nasa harapan ko ngayon.

"Hayaan mo siya. Wala akong pakialam sa kanya," sabi ko sabay kagat.

"Nag-away kayo? Pero oo nga naman. Palagi naman kasi kayong nag-aaway sa campus. Hindi nga ako makapaniwalang naging kayo, e. The more you hate, the more you love nga naman," komento niya at ngumisi pa.

"Tss."

"Pero kailan mo sasabihing ikaw iyan?"

Napatingin ako sa kanya. "Depende."

Ngumisi siya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. 

"Ewan ko ba, pero sa mga nakalipas na taon, tumatapang ka na. Proud ako sa 'yo, Elle," aniya.

Nginitian ko siya at nagpatuloy lang sa kinakain.

"Can I join you?" 

Sabay kaming napalingon kay Alvin na may dala-dala na ring carrot cake sa kamay niya.

Naku naman. Ba't ka pa makikisali?

"Hindi," sabi ko at umirap.

Sinipa ako sa may bandang paa ni Jeffrey, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napailing naman siya sa akin.

"Ah, oo naman, Alvin. Sige, upo ka," sabi ni Jeffrey.

"Parang hindi yata gusto ni Elle, e. Mukhang tungkol yata ito sa away namin noong mga nakaraang taon." 

Nagpakawala siya ng halakhak, tapos umupo sa may bakanteng silya sa harapan namin. Pinanliitan ko siya ng mga mata, naiinis sa kanya. 

"I'm sorry if I must have been a jerk to you three years ago. I'm Alvin nga pala. Nakalimutan kong magpakilala sa 'yo."

Nakita kong nilahad niya ang kamay niya sa akin. Napatingin naman ako kay Jeffrey. Tinagilid ni Jeffrey ang ulo niya na tinuturo sa akin ang kamay ni Alvin para tanggapin ko.

"Elle," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Agad ko rin namang kinuha ang aking kamay nang kamayan siya. Kumagat ako ng isang slice ng carrot cake. Naramdaman ko ang titig ni Alvin, pero pagtingin ko sa kanya ay ngumiti lang siya nang matamis. Para akong hindi naging kumportable sa mga titig niya.

"So," panimula niya. "Hanggang kailan ka magpapanggap sa akin..." 

Kinuha niya ang tinidor sa plato niya at nagsimulang tusukin ang cake. Ngumuya muna siya bago nagpatuloy. 

"...Beatrice?" aniya.

Nabitawan agad ni Jeffrey ang kubyertos niya nang napakalakas. Ang ilang tao naman ay napalingon sa amin dahil sa nagawang ingay. Nawala saglit ang aking hininga, pero hindi ako nagpatalo sa nararamdaman ko. Nilingon ko si Alvin na mataman akong tinitingnan pero may ngiti namang nakalagay sa labi niya.

"Or shall I say... Shanelle Ramirez?" dagdag niya pa.

Mas nabasag pa yata ang tenga ko nang marinig ang pangalan na iyon kesa sa nabasag na baso ni Jeffrey.

"P-Papaanong..." 

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang tinidor. Kumurap ako ng dalawang beses.

"Why did you lie to me?" tanong ni Alvin. 

Nakita kong may dumaang sakit sa mga mata niya. Lumunok ako. 

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now