Chapter Thirty-Six

2.5K 123 4
                                    

SHANELLE

Hindi magkamayaw sa pagsinghapan ang lahat nang inanunsiyo ko ang mga katagang iyon. Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Alvin habang tinitingnan ako. Nginitian ko siya para ipaalam na ayos lang na gawin ko ito. Tahimik siyang bumuntong-hininga at tumango, saka siya lumapit kay Jeffrey na natutuwa sa mga pangyayari. Kinausap niya ito. Huling sulyap ang ibinigay nilang dalawa sa akin saka sila umalis.

Ang nanataling nasa tabi ko ay si Sabrina na nakataas na ang kilay habang tinitingnan ang mga taong gulat na gulat sa rebelasyon na ginagawa ko ngayon. Biglang tumakbo si Dawn papunta sa stage. Malamig ko naman siyang tiningnan. Umiiyak niyang hinawakan ang mga kamay ko, nanginginig din sa ginagawa niya.

"S-Shanelle, I'm sorry." Humagulgol siya. "I regret doing that. I regret hurting, lying, and using you before. Patawarin mo ako."

Binigay ko ang microphone kay Sabrina. Pumiglas naman ako mula sa hawak ni Dawn. 

"Kailan ka pa nagsising, hayop ka? Ngayon pang sinabi ko sa inyo kung sino talaga ako? Dahil natatakot kang malaman nilang lahat ang kalapastangang ginawa mo sa akin?"

Nanginginig siyang yumuko. Malamig ko siyang tinitigan.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago. Isa ka pa ring desperada na walang inisip kung hindi ang sarili mo," dagdag ko.

"Oo. Inaamin kong naging makasarili ako, kaya nga humihingi ako ng kapatawaran, Shanelle. Mali ang ginawa ko, and I deserve to suffer like this," she said and met my stares.

Lumapit sina Kylie, Aura, at Linda kay Dawn sa stage. Namamangha pa silang tinitingnan ako.

"All this time, nagpapanggap ka lang pala," madilim na pagkasasabi ni Kylie. "Kaya pala malaki ang galit mo sa amin sa campus!"

Ngumiti ako. "Yes. Ano pa bang dahilan kung bakit ko kayo ginagantihan? For fame and pride?" sarkastikong aniko. "Stupid. Hindi ako kagaya niyo!"

"How can you be so sure na inilibing ka nga namin? You don't even have evidence! Don't you know that's an accusation?" 

Kitang-kita ko kung paano mautal si Aura. Nagbulungan ang lahat.

"Aura! Kylie! Ano bang ginagawa niyo?" bulong sa kanila ni Linda. "Alam nating lahat na totoo ang sinasabi ni Beat--- I mean ni Shanelle."

Now, that's a good question. Nagtinginan kami ni Sabrina at nagngitian. Binalingan ko ulit sila, humahalukipkip na.

"Well, alam ko naman talagang hindi kayo aamin sa mga kasalanan niyo. I'm not that idiot, kaya naman may hinanda akong mga saksi." 

Sa gilid ng stage ay lumabas si Manang Flor at ang kanyang apong dalaga. Pinalapit ko sila. 

"This is Manang Flor with her granddaughter, Lovely." Nilingon ko ulit ang dalawa. "Lola, ano nga ba ang nakita niyo tatlong taon na ang nakalilipas?"

Nilapitan ni Sabrina silang dalawa at binigyan ng microphone. Nagdalawang-isip pa si Manang Flor na sabihin ang kanyang nalalaman, pero nginitian ko siya.

"Galing akong pangangahoy kasama ang apo ko nang biglang lumakas ang ulan. Naisipan naming umuwi na dahil delikado ang panahon," anang matanda.

Nakinig kaming lahat sa panayam ni Lola. Sinulyapan ko rin ang apat na kinakabahan na sa kanilang kinatatayuan.

"Nang madaanan namin ang ilang mga babae na sinasaktan ang isang babae," dagdag pa ni Lola at tiningnan sina Dawn.

"Sinungaling!" sigaw ni Kylie at tumingin sa mga kaklase namin sa harap. "Matanda na iyan, kaya baka namalikmata lang siya. Baka nga binayaran din siya ni Beatr-"

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now