Chapter Thirty-Eight

2.6K 119 3
                                    

SHANELLE

"Doc, how is she?" rinig kong tanong ni Tita Lucy.

"She's okay. Natural lang sa kanya ang ma-stressed out."

Minulat ko ang dalawang mga mata ko. Ang una kong nasulyapan ay ang dalawang ilaw na nasa itaas ko habang nakahiga. Naalala ko ulit ang nangyari. Sumakit agad ang puso ko nang mapagtantong hindi iyon panaginip. Gusto kong maging panaginip na lang ang lahat ng nangyari. 'Yung gigising ako na katabi pa rin si Alvin, hahalikan ako sa noo, at yayakapin ako sa init ng mga bisig niya.

"Sh-Shanelle?" 

Napalingon agad ako kay Tita Lucy na naka-coat dress. 

"Are you okay?"

Nilapitan ako ng isang nurse para i-check ang vitals ko. Suminghap ako bago nagsalita.

"Kumusta ang kaso kay Arnel Ferrer, Tita?" nanghihina kong tanong.

"Bakit ba iyan ang una mong iniisip? Magpahinga ka nga," sabi niya.

Bumangon agad ako nang walang pag-aalinlangan at inilibot ang paningin sa paligid. 

"Nasa hospital ba ako?"

Kasabay ng aking pagtanong ay pumasok si Anabelle sa kuwarto na mugtong-mugto ang mga mata na may mga dalang prutas. Agad siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Shanelle!" sambit niya. "I'm glad that you're awake!"

Niyakap ko rin siya pabalik. Hiniwalay ko agad siya mula sa akin.

"B-Belle, kumusta ang kaso ni Arnel Ferrer? Sinong pumunta ng presinto sa inyo?" 

Akmang bababa na ako sa hospital bed nang pigilan nila ako.

"Ayos na ang lahat, Shanelle. Nanalo na ang kaso dahil sa daddy mo," sabi ni Tita Lucy sa akin. "Kaya magpahinga ka muna."

"A-Ano? Nandito na si Daddy?" tanong ko na nakapagpatigil sa akin.

"Oo, kaya please, kumalma ka," sabi ni Anabelle habang naiiyak akong tingnan.

Tiningnan ko siya nang mariin. "Totoo ba 'yung narinig ko mula sa 'yo? Nabuntis ni Zach si Aura?"

Tumingin siya sa itaas at tumawa para maiwasan ang pag-iyak niya ulit. Napaismid ako habang nakikita siyang nasasaktan. 

"Nakakatawa, 'no? Mag-ex pala sila noon. Sila pala. Haha," peke niyang tawa, nangingilid ang luha.

"Belle!" tawag ko.

"Huwag mo akong intindihin. Please, rest now," sabi niya at nagpilit pa ng ngiti.

Tiningnan ko si Tita Lucy na tumango lang sa akin. "Makinig ka sa kapatid mo."

Napatango ako, pero hindi ako humiga. Kahit nagtataka ay pinasadahan ko na lang ng hawak ang aking buhok. 

"Ilang araw po ba akong nakatulog, Tita?"

"Isang araw pa lang. Don't worry."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang