Chapter Twenty-Four

2.6K 138 0
                                    

ALVIN

"Drink some shots, babe," Diane said seductively to me.

Nilahadan niya ako ng isang shotglass ng vodka. Iniwas ko naman ang mukha ko at tiningnan lang ang text ni Kuya Alfred mula sa cellphone na hawak.

"Sorry, Diane, but I need to go," I said and let go of her arm.

Umalingawngaw ang music sa loob ng Riskie bar. Naghiyawan naman ang mga tao sa dance floor habang sumasayaw. Nasa disco sofa kaming dalawa at nakaupo, nagtatambay matapos ang mga klase namin kanina sa campus.

"But, Alvin, kararating lang natin dito. Let's have some fun muna," ani Diane ulit.

Akmang hahalikan niya na ako, pero pinigilan ko ang mga balikat niya. Sinamaan niya ako ng tingin. For some reason, I remembered Beatrice's glares at me. I shook my head at myself for remembering her.

"I'm sorry. Maybe next time," I said to her.

Agad na akong tumayo at iniwan siya, habang pagalit niya naman akong tinatawag. Biglang tumunog ang aking cellphone nang makalabas na ako sa bar. Naglakad ako papunta sa parking lot.

"Malapit na nga ako. Ang kulit mo, kuya!" singhal ko agad sa kabilang linya.

"Dad is now furious, Alvin. So if your ass is not here yet, malalaman mo na lang na nasa labas na ang mga gamit mo!" sermon niya.

"Fine!"

Agad kong ibinaba ang linya at pumasok na sa Ford Mustang. Bago ko pa ito mapaaandar ay may nahagip na ang paningin ko. It was Beatrice with her friends who were walking towards the entrance of the bar.

She was wearing a white tube top and a skirt which was above the knee. Naka-stilettos din siya at nakalugay ang maalon na buhok. I watched her waving her hair, and I can't stop myself from admiring her from afar.

Her beauty is a catch-eye. She's a badass and a brat, pero hindi talaga maipagkakailang mas maganda siya kesa sa pinsan ko.

Nag-iwas ako ng tingin.

I am attracted to her, because she's gorgeous, has talents, and smart. She's also bold and brave. Pero medyo nabahidan ang pagkamangha ko sa kanya dahil madali siyang kumutya ng tao.

The way she insulted me for being a gay, kahit hindi naman ako gano'n noon, ay nakakahabag talaga at nakakasakit ng damdamin. Kahit nagpanggap lang akong bakla noon, hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil sa mga tingin niya noong isang araw habang pinagtatawanan niya ang mga litrato ko.

Tinapakan ko na ang gas para dumiretso na sa mansyon namin. They were having a dinner, at gusto ko sanang ayaw makisali roon dahil ayaw kong makita si Dawn, pero nandoon si Tita Dolce kasama si Dawn para bumisita sa amin.

Matapos kong iparke ang sasakyan sa garahe ay pinaikot-ikot ko ang susi sa daliri nang lumabas para makapasok na sa mansyon. Pumunta ako sa dining hall, kung nasaan una kong nakita si Daddy na blangko ang ekspresyong tinitingnan ako.

We have the same features, actually. Mas kamukha ko siya kesa kay Kuya, pero hindi ako ang malapit sa kanya, at mas lalong ayoko sa kanya.

"You're late again, Alvin," mariing ani Dad sa kapital ng lamesa.

Pinasadahan ko na lang ng hawak ang buhok ko at ngumisi. "Good evening, Dad," bati ko, iniignora ang strikto ng kanyang tindig.

Come on! I believe I am not the only one in this world who hates their parents. At siyempre, hindi ko naman kamumuhian si Dad nang walang rason. Tarantado ako, oo, pero ang hindi ko ikakahiya ay ang aminin na lagi kong hinihiling na sana hindi ako anak ng amang tinatawag kong 'dad' ngayon.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now