Chapter Twenty-Two

2.6K 140 9
                                    

SHANELLE

Alvin was wearing a pastel-colored blue polo, bukas ang dalawang butones and a black jeans na pinaresan niya ng white rubber shoes. Agaw-pansin din ang kanyang black piercing sa tenga at black Rolex sa kanyang maugat na pulsuhan. Magulo rin ang buhok niya at may shades pa sa mga mata. In short, he's a damn Adonis, kaya maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya.

Don't get me wrong, because Steven and Mr. Ferrer are hotties, but Alvin? He's beyond that!

"This song will be dedicated to the most important person in the world," ngising sambit niya sa mikropono.

Napailing na lang ako habang nakahalukipkip dahil alam ko na ang salitang iyan. Sanay na sanay na ako sa kahanginan niya, pero itong mga fans niya yata ay bulag sa taglay niyang kagwapuhan. Hindi kasi nila nakikita ang nakikita ko kay Alvin.

"Waaahhh! Ang gwapo mo, Alvin!"

"I love you, babe!"

"Sa akin ka na lang, please!"

"Kyaaahhhh!"

Napatakip na lang ako sa dalawang tenga ko dahil sa kaingayan ng mga babae. Pati sina Jane ay nakikisabay pa sa aking tabi.

"The song will be dedicated for myself," bulong ni Alvin sa mic at kumindat pa.

Ayun, mas naghiyawan pa ang mga babae kahit sarili lang ang tinutukoy ni Alvin. Nagsimula ang instrumental ng pamilyar na kanta. Naghe-headbang naman si Alvin sa stage habang palakad-lakad, feel na feel ang moment.

"'~I'm feeling so cool

Top to the bottom, just cool

Every little thing that I do

Damn it, I'm feeling so cool, yeah~"

Hindi ko pa rin mapigilang hindi humanga sa malalim na boses ni Alvin.

I mean, Kid and Steven have these acoustic, husky voices with their guitars. Pero si Alvin? Boses niya pa lang, nakakatindig-balahibo na dahil sa kakaibang timbreng pinapalabas niya.

I rolled my eyes when he kissed some girl from the audience. Even though sa pisngi lang iyon ay nahimatay na 'yung babae.

Ang OA, ha?

"'~Woke up feeling like a new James Dean

I comb my hair like an old school Sheen

I'm feeling high like a late night summer of last year, yeah

Standing' there with the red dress on you

A killer queen like a young Jane Fonda

Is it me or am I just having' a good year?~"

Pati accent niya ay sexy din pakinggan. His version is very much better than The Jonas Brothers. Pinasadahan niya rin ng hawak ang buhok niya, and I find it hot.

Kung ibang lalaki lang 'to ay baka nakikipag-flirt na ako sa kanya, but this is Alvin, and I hate him! Including the reason that he's Dawn's cousin!

Noong kinanta niya na ang chorus ay nakisabay ang mga estudyante sa pagkanta. Winawagayway pa ang kanilang mga kamay. Nandito lang ako na nakataas ang dalawang kilay habang nakanguso.

I can't just stay here and wait for Alvin to be done. My patience is shorter than dwarfs.

Kinuha ko na lang ang sling bag ko. Dumaan ako sa may hagdanan para makalakad nang maayos, malayo sa mga estudyanteng sumisigaw para kay Alvin. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko dahil nage-enjoy naman sila. Diretso ang lakad ko patungong hallway.

The Mask Behind the Past (RVS#1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن