PROLOUGE

1.5K 53 5
                                    

JOSH CULLEN!

NA SEJUN!

STELLVESTER!

KEUNA!

JASUTIN!

Halos mabingi na ako sa sobrang ingay dito sa Coliseum. Hindi na rin maawat ang pagkalabog nitong puso ko. Sobrang excited na akong makita ang mga asawa ko—este ang SB19! Ngayon kasi ang free concert nila dito sa Bicol. At sa Naga ito ginanap kaya naman nagkaroon ako ng chance na makita sila dahil taga-dito lang ako.

Hindi pa nagsisimula ang concert. Pero 20 minutes nalang at siguradong makikita ko na sila.

Waaahhh!!!

"WE GO UP! SB19!" Nakisigaw na rin ako kasama ang iba pang fans habang marahas na iwinawagayway ang lightstick at banner ko.

Kasalukayan ngayong pini-play ang GO UP habang hinihintay na magsimula ang concert.

6am palang ay nandito na kami at pumila na. Nasa VIP section kami ng pinsan kong si Reina. Binigay ko kasi sa kanya yung isang ticket ko. Actually, siya ang dahilan kung bakit adik na adik ako sa SB19 ngayon. Pareho kaming Grade 10 at magkaklase rin. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon kaya lang ay natigil ako ng dalawang taon sa pag-aaral kaya heto at magkaklase kami.

Hindi nga dapat kami ngayon makakapunta dahil marami kaming kailangang ipasa na requirements para makapag moving up. Pero dahil may "mababait" kaming kaibigan na handa kaming pagtakpan sa terror teacher namin, nakapunta kami! Ilang linggo nalang ay iiwan na namin ang pagiging Junior High at magiging Senior High na kami.

Napatingin ako sa cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Shet! 1:45 pm na! 15 minutes nalang ay magsisimula na.

"Ren, magc-CR muna ako." Bigla akong nakaramdam na naiihi ako kung kelan magsisimula na. Aish. Bad timing naman eh!

"Oh sige, bilisan mo lang." Sagot nito.

Dali-dali akong lumabas sa crowd. May naapakan pa nga akong isang fan buti nalang at mabait, hindi ako inaway.

Nang makalabas ako sa kumpulan ng mga tao ay agad kong hinanap ang CR. Sa totoo lang... Hindi ko alam kung may CR ba o wala dito. Aish! Nasaan na ba kasi yun. Wala naman akong mapagtanungan.

Dahil sa sobrang naiihi na ako hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Nakapunta na ako ng Parking Lot at kung saan-saan. Halos tumakbo na rin ako.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ang sign na nagututuro kung nasaan ang CR.

Sinundan ko kung saan nakaturo ang arrow. Nakapasok ako sa isang hallway na maraming pinto. Kulay puti ang paligid at aakalain mong nasa langit ka na. Charr. May naririnig rin akong mga boses ng tao na habang lumalapit ako ay mas lalong lumalakas. Pero wala na akong pake sa kanila dahil naiihi na talaga ako! Tinitingnan ko ang bawat kwarto kung may sign na cr pero takte, WALA!

Hanggang sa mapatingin ako sa pinaka dulong kwarto, parang lumiwanag ang paligid at nagkaroon ako ng pag-asa!Nandun ang CR!

Dali-dali akong tumakbo papunta doon. I'm sure gusot-gusot na ang banner na hawak ko. Mahigpit na din ang pagkakahawak ko sa lightstick ko eh. Dapat pala ay iniwan ko nalang ito kay Ren.

Nang malapit na ako sa CR ay biglang bumukas ang isang pinto at may lumabas doon na isang lalaki. Nanlaki ang mata ko dahil mababangga ko siya! Sinubukan kong huminto sa pagtakbo pero huli na ang lahat dahil bumangga na ako sa kanya.

Hindi kami natumba pero nahulog ang banner ko kaya agad ko iyong pinulot.

"Sorry. Sorry talaga! Naiihi na ako eh. Bye!" Sigaw ko sa kanya nang hindi man lang siya tinitingnan. Hindi ko rin naman siya narinig na sumagot kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo.

NEVER GONE [SB19 FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora