Chapter 1

22 0 0
                                    

Chapter 1

Asher's POV

"Bro, nakita mo ba si Cassandra? Kanina ko pa siya tinetext pero hindi naman nagrereply. Malalagot ako kay tito nito eh!" Sabay kamot niya sa ulo niya.

"Parang nakita ko siya kanina sa cafeteria may kausap. I don't know lang kung sino." Sagot naman ni Raven. Mabuti na lang dahil hindi ko rin naman alam yung isasagot ko kay Levi.

"Girl or boy?"

"I don't know. Can be a boy or a girl or maybe both." Bored na sagot niya.

"I'm not even joking, Raven." Nakakunot na yung noo ni Levi pero inirapan lang siya ni Raven. Tss. Ang ingay nilang dalawa.

"K fine. She's with a girl. Protective cousin as always, Levi. Thank God wala akong pinsan na katulad mo."

Paniguradong hindi magpapatalo si Levi pero hinayaan ko na lang dahil ayokong makisali sa kanila.

"You know me, Raven. Once na may kumausap dyan sa pinsan kong 'yan na lalaki, magtago-tago na sila. And you know what? FYI lang. I'm also thankful that I don't have a cousin like you. Sobrang arte." See? Anyway, useless and pointless fights aren't my thing so I remained quiet.

"Whatever. Puntahan na lang kaya natin siya?" Hindi naman sumagot si Levi pero nauna ng umalis. At dahil wala naman akong magawa, sumunod na lang rin ako sa kanila. Might as well see what's going to happen. For sure, mag-aaway mamaya yung magpinsan... or not?

Pababa na sana kami ng hagdan papuntang second floor nang bigla naming makasalubong si Castiel. San na naman galing tong lokong to?

"Castiel, where have you been? Pupunta kaming cafeteria. Pupuntahan namin si Cass. You want to come with us?" He just shrugged at nauna na ring bumaba. Wala rin magawa ang loko kaya sasama na lang.

Habang naglalakad, nanatiling tahimik lahat kasama na si Raven at Levi which is unusual dahil madalas magtalo yung dalawa. Well, para sa akin at kay Castiel, normal na naman na tahimik kami kaya hindi na bago. Pero yung dalawa? Aba, himala.

Nang makarating kami sa cafeteria, agad naming hinanap si Cassandra at agad din naman namin siyang nakita dahil malapit lang siya sa usual table namin. Gaya ng sabi ni Raven, may kausap nga ito. Nung una wala naman akong pake kung sino yung babae. Hindi ko naman ata siya kilala at hindi ko rin naman makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya sa amin.

Pero nang makita kami ni Cass, bigla siyang kumaway sa amin na naging dahilan para lumingon rin sa amin yung babaeng kausap niya.

Natigilan ako bigla.

Anong ginagawa niya dito sa Pilipinas at bakit nandito pa siya sa school kung saan ako nagaaral ngayon?!

"Bro, tatayo ka na lang ba dyan? Hindi tayo makakalapit sa kanila kung tatayo at titigil ka lang dyan." Binaliwala ko lang yung sinabi ni Levi at sumunod sa kanila sa paglapit dun sa dalawa.

Nakita ko pang nanlaki yung mga mata niya nung makita niya ako pero agad din siyang nakarecover at ngumiti sakin.

The smile that I hated the most.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanya dahil baka makahalata yung mga kaibigan ko. Shit!

"Hey! Levi, I'm sorry! Hindi na ako nakapagreply dahil nakita ko siya bigla. Anyway, guys I want you to meet Yvette, my bestfriend since elementary." Levi and Raven said hello to her while Castiel and I just remained silent. "And oh. Of course! Yvette, this is Levi, my cousin, Raven, Castiel and... Asher."

Oo nga pala. Magbestfriend nga pala sila. Bakit nakalimutan ko na 'yon? Alam nga pala ni Cass lahat tungkol sa aming dalawa.

"Hello po. It's really nice meeting you all po but I'm sorry, I need to go. My parents are already looking for me. I'm really sorry, Cass, and thank you for your time." She gave us an apologetic smile and I swear I saw her smiled sweetly at me before she completely turned her back at us!

Her parents? Tsk!

"Huy! Natahimik ka dyan? Type mo yung kaibigan ni Cass no?" Nagulat na lang ako nung biglang sumigaw sa harap ko si Raven. Hindi ko naman napigilan makaramdam ng inis. Hindi inis kay Raven, kundi inis sa babaeng 'yon.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo." Inis na sabi ko at tumalikod sa kanila. Nakita ko pang napanganga si Raven at Levi sa sagot ko bago ako tuluyang makatalikod sa kanila.

I went to my car and started the engine but heck! I can't concentrate! Baka maaksidente pa ako!

Why does she have to be back?

My life without her is peaceful and better! Now that she's back, she'll just ruin everything again!

I checked my phone to see if there is any message from my father and I saw one. Binuksan ko ito kaagad at nagsisi dahil don. Muntikan ko ng mabato yung cellphone ko sa sobrang inis dahil sa nabasa ko.

From: Dad

She's back and I am hoping it will be for good.

Of course, you're hoping that. Siya lang naman yung palaging iniisip mo.

Di ko na napigilan mapasabunot sa sarili ko dahil sa inis.

Damn you, Yvette!

Before you ruin my life again, I'll make sure I'll ruin yours first.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now