Chapter 24

4 0 0
                                    

Chapter 24

Cassandra's POV

"Baka ano, Cass?" Natigilan ako bigla nung may nagsalita sa may likod ko. Agad akong napalingon at nakita ko si Asher na nakatayo doon.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Aaminin ko medyo kinakabahan ako dahil kita kong seryoso si Asher ngayon.

"Ano, Cass? Ituloy mo yung sasabihin mo." Pagalit na sabi niya.

"Dude-" Magsasalita na sana si Levi pero agad siyang pinigilan ni Asher.

"Hindi ikaw yung kinakausap ko kung hindi yung pinsan mo."

"Asher, stop." Pigil sa kanya ni Castiel.

"Stop?" Natatawa kunyaring sabi niya. "Kanina nung may sinasabing masama si Cass tungkol sa girlfriend ko, walang pumipigil sa kanya. Ngayon na nagtatanong ako, pipigilan niyo ako? Oo, girlfriend ko na si Bianca. Sasabihin ko dapat sa inyo mamaya pero ganito pala yung sinasabi niyo habang wala ako."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Girlfriend? Si Bianca? Nahihibang na pala talaga siya.

"Ano? Hindi kayo makapagsalita ngayon? Bakit hindi niyo sabihin mismo sa mukha ko kung ano yung mga sinasabi niyo tungkol sa amin kapag nakatilikod kami?!" Galit na sabi niya sa amin.

"Kuya, alam mo naman yung way ng pagsasalita ni Cass. Hindi niya sinasadya-"

"Hindi sinasadya, Yvette? Ano ginagawa mo akong, tanga? Putangina akala ko mga kaibigan ko kayo tapos ganyan pala kayo?!"

That's it. Hindi na ako makapagtimpi.

Tumayo na ako at humarap sa kanya. "Wow, so kaibigan pa pala yung turing mo sa amin, ano? Akala ko kasi talagang tinalikuran mo na kami para sa babaeng 'yan."

"Inaano ka ba ni Bianca para sabihan mo siya ng ganyan?" Humawak na sa braso niya si Bianca na para bang pinipigilan siya pero alam kong hindi magpapapigil si Asher dahil galit na talaga siya.

"Ayaw namin sa kanya para sayo. Oh ayan. Okay na ba yan para sayo?" Naiiyak na ako pero pinipigilan ko yung sarili ko dahil ayokong magmukhang talunan sa harap nilang dalawa.

"Bakit? Ano bang ginawa niya sa inyo para ayawan niyo siya?" Naramdaman kong tumayo na yung iba para pigilan kami. Gumitna na sa pagitan namin si Yvette pero parang wala kaming pakialam ni Asher.

"Bakit? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung anong ginawa niya sayo? Simula nung nakilala mo yung babaeng yan, nag-iba ka na. Hindi na ikaw yung Asher na nakilala namin. Yung ilang taon na pagkakaibigan natin parang madali mo lang itinapon para sa babaeng sandali mo lang nakilala."

"So dahil lang hindi ako nakakasama sa inyo kaya kayo nagkakaganyan? Ang babaw naman ng dahilan niyo!"

"Mababaw na kung mababaw pero kaibigan mo kami. Gusto namin kung anong makakabuti para sayo at alam naming hindi si Bianca 'yon!"

"Wake up, Cass! Hindi kita nanay, girlfriend, kapatid, pinsan o asawa! Kaibigan lang kita. Ah hindi na pala simula ngayon. Hindi ko kailangan ng kaibigan na may bastos na bunganga at ugali katulad mo." Natigilan ako sa sinabi niya at di ko na napigilan maluha dahil don.

Agad namang sinapak ni Levi si Asher at narinig ko yung pag-irit ni Yvette pero parang wala na akong maramdaman. Natauhan lang ako nang bigla kong narinig na sumigaw si Levi.

"Gago ka pala eh!" Lumapit na ako sa kanila at hinila siya papalayo kay Asher. "Para lang sa babae, sisirain mo yung pagkakaibigan natin? Gago!"

"Hindi ako kundi yung pinsan mo ang sumira sa pagkakaibigan natin. Wag mong baliktarin ang pangyayari."

"Tandaan mo tong araw na to, Asher. Ito yung huling araw ng pagkakaibigan natin. Wag mo nang subukan pang kausapin kami. Tumalikod na si Levi sa kanila habang hila niya ako.

Raven's POV

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko nang biglang sinapak ni Levi si Asher. Nagkakagulo na kami pero wala akong magawa. Ni hindi ko man lang napigilan sina Levi nung umalis silang dalawa ni Cass dahil hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako sa nangyari.

Kita kong lumapit si Yvette kay Asher. Tutulungan niya na sana ito pero bigla na lang siyang tinulak ni Asher. Medyo malakas pa nga yung tulak kaya muntikan na itong mahulog pero mabuti na lang nasalo siya ni Castiel.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Iwan mo na lang muna ako."

"Pero kuya, may sugat ka-"

"Hindi mo ba ako narinig? Sinabing hindi nga kita kailangan! Bakit hindi mo sundan yung bestfriend mo?!" Galit na sigaw sa kanya ni Asher.

Pinigilan na ni Castiel sa Yvette at itinago ito sa likod niya.

"You're such a jerk, Asher. But let me tell this to you. You don't need anyone to make you stupid because you are already one." Sabi lang niya bago siya tumalikod at umalis kasama si Yvette.

Ngayon, ako at silang dalawa na lang ni Bianca yung natitira. Biglang nilapitan ni Bianca si Asher at inalalayan.

Ang sakit nila sa mata pati na rin sa puso.

"Why are you still here?" Asher asked with a cold voice. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nasaktan ako dahil sa tanong niya na para bang hindi ako yung nilalapitan niya dati kapag may problema siya. Pero mas nasasaktan ako dahil yung Asher na mahal ko ay hindi na yung Asher na kaharap ko ngayon.

"You changed. I wonder why."

"Why do you care?"

"Because I'm your friend." Namuo yung mga luha sa mata ko at hinayaan ko lang yon tumulo dahil pinangako ko sa sarili kong eto na yung huling beses na iiyak ako para sa lalaking to.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kay Yvette? I don't need you. I'm so sick of all of you. I don't want to be friends with any of you at all. I am not leaving Bianca for you guys. You're nothing compared to her." His words are like knives that keep stabbing my heart. Bakit siya naging ganito bigla?

"Well, I guess that's what I'm waiting to hear. So this is it huh? Goodbye, Asher. I just wish you won't regret any of this. Because I'm not sure if I can forgive you ever again."

I turned my back at him and it felt like turning my back to my world. He's not the same person I love so I guess it will be easy to forget him.

I wish.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now