Chapter 7

4 0 0
                                    

Chapter 7

Asher's POV

From: Dad

I'm with our driver. Wait for your sister before you go home, okay? Take care of her and drive safely.

Talaga atang gagawin ako ni Dad na baby sitter ni Yvette. Tsk. Wala naman akong choice kung hindi sumunod. Alangan naman pauwiin ko yon mag-isa? Edi ako pa napagalitan?

Pagkatapos magisip-isip, bumaba na ako para hanapin si Yvette. Siguro nasa may parking lot na yon. Kanina pa naman uwian eh. Hindi ko na namalayan na ang tagal ko na pala sa rooftop.

Tama naman ako dahil nandoon nga sila. Pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon talagang magkadikit pa rin si Yvette at Castiel. Kasama naman nila sina Raven pero halata mong close na close silang dalawa/

Nanliit kaagad yung mata ko.

Is there something going on between the two of them?

Lumapit ako kaagad sa kanila at nung nakita nila ako ay sumama agad yung tingin nila sa akin.

"Yvette, sumabay ka na sa akin pauwi. Pinapasabi ni Daddy." Mukhang nagulat naman sila dahil sa sinabi ko. Sabagay, ngayon ko lang tinawag si Yvette sa pangalan niya. Hindi rin siguro nila inaasahan na kakausapin ko nang maayos si Yvette.

Naisip ko kasi na kailangan kong pakisamahan yung babaeng yon dahil kung hindi, yung mga kaibigan ko yung mawawala sa akin. Edi nagtagumpay na naman siya na sirain ang buhay ko? Hell, no. Hindi na ako papayag.

Magaling siyang umarte? Mas magaling ako.

"We're going now. Take care guys." Sinabi ko na lang sa kanila at tumalikod na. Ramdam kong sumusunod sa akin si Yvette dahil naririnig ko yung yapak niya.

Nang makalapit kami sa kotse ay humarap ako sa kanya at may sasabihin sana pero hindi ko naman inaasahan na kasama niya pa rin pala si Castiel.

Aba hanggang dito, talagang hindi pa rin sila naghihiwalay?

"Text me when you get home, okay?" Sabi lang niya tapos ngumiti. "Take care."

"Yvette can you please move faster?" Naiinis na sabi ko. Sinigurado ko pa na mahahalata nila yung pagkabagot sa tono ng boses ko para bilisan nila.

"Sorry po." Sorry? Na naman? Tsk. "Sige na, Castiel. I'll text you. See you tomorrow." Tapos pumasok na siya sa kotse. Bago pa kami tuluyan makaalis ng parking ay nagwave pa muna siya kay Castiel.

Gusto ko siya tanungin kung anong meron sa kanila ni Castiel pero pinigilan ko yung sarili ko. Sabihin pa niya, nangingialam ako sa buhay niya.

I turned on the radio so I could concentrate. Hindi pwedeng maaksidente kami.

Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung sa kanilang dalawa. Kilala ko si Castiel. Sa tatlong taon na pagkakaibigan namin, hindi yan kailanman nagkagusto sa isang babae. At kung magkakagusto man siya, wag naman sana si Yvette.

Wag niya sabihing nagustuhan niya agad si Yvette kahit dalawang araw pa lang silang magkakilala? Tsk. Kalokohan 'yon kung ganon. Hindi pa naman niya kilala talaga si Yvette.

Tinanggal ko muna lahat ng nasa isip ko at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Isang oras lang naman ang lumipas at nakarating na rin kami sa bahay.

Pagkababa namin ay dumiretso na agad kami sa kainan dahil sabi ng maid ay nandoon daw si Dad at Tita Sandra.

I greeted her and kissed Dad in his cheeks. Yvette did the same to Dad but she kissed her mom too.

"You kids hungry? I'll ask Yaya to cook some foods for you." Tatawagin niya na sana si Yaya pero agad kaming umiling ni Yvette.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now