Chapter 38

8 0 0
                                    

Chapter 38 - Her POV

Yvette's POV

12 years ago...

"Mommy?"

Kanina ko pa hinahanap si Mommy pero hindi ko siya mahanap. Pumunta muna ako sa taas ng para tignan siya sa kwarto nila pero wala rin siya don.

Hmm nasan kaya siya?

Dahil wala akong magawa, pumasok na lang ako sa loob ng kwarto nila. Hihintayin ko na lang siya dito.

Umupo ako sa kama at hihiga na sana ako nang may makita ako sa gilid ng side table ni Daddy. Kinuha ko yon at nakita ang isang picture ng isang batang lalaki. He looks older than me pero napansin kong medyo may hawig kami.

Bumaba ako habang dala-dala kayo at mabuti na lang nakita ko sina Mom and Dad sa may baba kaya pumunta ako don. Mukhang nagtatalo pa nga sila pero hindi ko na lang yon pinansin. Gusto kong malaman kung sino yung lalaking nasa picture.

"Mommy!" Tawag ko sa kanya. Natahimik naman silang dalawa nang makita nila ako.

Itinaas ko yung picture na hawak ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila para makita nila. "Who's this?"

Parang nagulat naman sila nung makita kong ano yung hawak ko. Akala ko hindi nila ako sasagutin hanggang sa bumuntong-hininga si Dad kaya napatingin ako sa kanya.

"He's... he's your brother. His name is Asher. You can call him Kuya Asher. He's living in the Philippines." Pagpapaliwanag ni Daddy sa akin. Nakaramdam naman ako ng saya dahil sa sinabi niya.

"Really?" Masiglang sabi ko. Tumango naman siya.

"Can I meet him?" Nakatingin lang ako kay Dad pero bigla na lang sumingit sa usapan namin si Mommy.

"No. You can't, Yvette. You know you have to continue taking your medicines."

"But..."

"No buts. It's final." Mariin na sabi ni Mommy kaya naman malungkot ako na umalis sa harap nila at umakyat sa kwarto ko habang hawak ko pa rin yung picture.

Humiga ako sa kama ko at tinignan uli yon.

Mas lalo kong napansin yung same features namin. Kapatid ko nga siya. Bakit hindi namin siya kasama dito? Bakit siya iniwan nila Mommy sa Pilipinas kung kapatid ko siya? Ang dami kong gustong itanong pero pakiramdam ko hindi naman sasagutin nila Mommy yon.

Pero kahit ganon, masaya ako dahil nalaman kong may kapatid pala ako.

Matagal ko na kasi talagang gusto magkaroon ng kapatid pero tuwing sasabihin ko yon ay iniiba lang nila Mom and Dad yung usapan.

Napatingin ako sa may table ko at napangiti ako bigla dahil sa naisip ko. I know this is bad pero gusto kong makilala yung Kuya ko.

Gabi na nung lumabas ako sa kwarto dahil pinapatawag na ako nila Mommy para magdinner na.

"Mommy, Dad, I want to go to the Philippines." Nakangusong sabi ko. Napatigil naman sina Mommy sa pagkain at napatingin sa akin.

"Sophia Yvette, hindi ba't napagusapan na natin to?" Pagalit na sabi ni Mommy.

"Then I won't drink my medicines kung hindi niyo ako papayagan." Sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaksyon nila pero eto lang yung naiisip kong panakot para payagan nila ako.

Galit na napatingin si Mom sa akin at akala ko sisigawan niya ako kaya napayuko ako pero mukhang pinigilan siya ni Dad.

"Yvette, you know you can't do that." Napaangat ako ng tingin kay Dad at hindi ko na napigilan umiyak. Hindi na nga nila sinabi sa akin na may kapatid pala ako tapos ngayong nalaman ko na, hindi pa nila ako papayagan na makita siya.

"But I want to meet my brother. Bakit ba kasi hindi pwede? I won't drink my medicines until you say yes." Tumakbo na ako paalis doon at umakyat sa kwarto ko kahit tinatawag pa ako ni Mom. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko susunod sa akin si Mom at papaluin ako. Mabuti na lang at hindi naman siya sumunod.

Napatingin uli ako don sa picture at umiyak lang ako ng umiyak.

Ang unfair. Bakit yung mga nakikita kong kapitbahay namin sa labas, magkakasama sila ng buong pamilya nila pero bakit kami hindi? Kahit sa mga napapanood ko sa movies, ganon din. Nakakainggit sila.

Maya-maya lang ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako nagsalita at tinakluban ko na lang ng kumot yung ulo ko para hindi nila makita na umiiyak ako.

"Yvette." Mukhang kumalma na si Mommy dahil mahinahon na siya kung magsalita ngayon.

Alam ko naman na mali yung sinabi ko sa kanila. I may be young pero alam ko yung kondisyon ko and I know nasaktan yung parents ko sa sinabi ko. I sounded like a spoiled brat pero hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw nilang makilala ko yung kapatid ko.

"Talk to us, Yvette." Hindi ko sila pinansin at nagkunwari na lang ako na tulog kahit alam kong alam naman nila na gising ako.

Narinig ko huminga nang malalim si Mommy bago uli nagsalita.

"Okay, fine. Sasamahan ka namin sa Pilipinas ng Daddy mo." Napabangon ako bigla dahil sa sinabi nila.

"Really?" Gulat na tanong ko.

"Yes. But you have to promise me not to talk to us that way again. You know you need to drink your medicines." Nakita ko yung pagaalala sa mata ni Mommy kaya hindi ko mapigilang ma-guilty pero hindi ko maitago yung saya na nararamdaman ko dahil finally, makikita ko na yung kapatid ko.

Napatalon ako sa tuwa at napayakap sa kanilang dalawa. Maya-maya lang ay iniwan na nila akong dalawa at sinabihan na matulog na ako pero hindi pa rin ako inaantok dahil sa sobrang saya.

Kinuha ko yung picture na nilagay ko sa may drawer ko at tinignan ko uli yung mukha ng kapatid ko. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki.

Kuya Asher, I can't wait to finally meet you. 

Dearest AngelМесто, где живут истории. Откройте их для себя