Chapter 26

4 0 0
                                    

Chapter 26

Asher's POV

I woke up feeling something really good will happen today.

Sobrang nakakapagod yung mga pangyayari nitong mga nakaraang linggo sa totoo lang. Emotionally and physically.

Nakakagago lang talaga na malaman na sinisiraan ng mga kaibigan mo yung girlfriend mo. Kung hindi pa kami nakinig ni Bianca sa pinaguusapan nila noon pang mismong birthday ko, hindi ko pa malalaman kung anong mga pinagsasasabi nila.

Sa totoo lang, matagal na rin namang sinabi sa akin ni Bianca na pakiramdam niya ayaw sa kanya ng mga kaibigan ko pero syempre hindi naman ako agad naniwala dahil alam kong hindi nila yon magagawa sa akin pero mali pala ako. Nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanila.

Walang karapatan si Cass na sabihan ng kung ano-ano si Bianca lalo't hindi naman nila ito kilala.

Bumaba ako ng hagdan at inaasahan na si Yvette yung unang makikita ko pero wala siya don. Tanging si Dad lang yung nandon at umiinom ng kape.

"Hey, I heard your Mom's coming back? Why don't we go to the airport to fetch her? I'm sure she missed you a lot." Nagulat naman ako sa narinig ko mula kay Dad.

"For real? We? Sasama ka sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, I'll be coming with you." Lumawak ang ngiti ko dahil doon pero bigla akong may naalala.

"Is Yvette coming with us?"

"Oh didn't she tell you? She's out of the country with her Mom. She's going to spend her vacation with her." Tumayo na siya pagkatapos niyang sabihin yon at ngumiti sa akin. "So I'll wait for you here. You better get ready. You know how impatient your Mom is."

Napatawa ako dahil totoo ang sinabi niya. Sobrang impatient ni Mom pero siya naman mismo yung palaging late sa amin.

Hindi ko alam kung paano idedescribe yung tuwang nararamdaman ko dahil ngayon ko lang uli narinig na magbiro ng ganon ni Dad sa akin.

Binilisan ko na ang pagkain ko at agad bumalik ng kwarto ko para magayos ng aking sarili. I can't believe that this is really happening right now. When I was just a kid, I really want to have a bonding time with my Father but he's so busy that he doesn't have time for me anymore. Ngayon, ito na yung pinakahinihintay ko.

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na kaagad ako dahil ayaw kong paghintayin nang matagal si Dad. Nakita ko siyang nasa baba na at tumayo na rin siya nang makita ako. Dumiretso na kami sa sasakyan niya at agad niyang sinabi sa driver niya kung saan kami pupunta.

Nasa likod kami pareho pero nananatiling may pagitan sa gitna naming dalawa. Nothing's new with this pero iba yung pakiramdam ko ngayon. Dati kapag katabi ko siya, pakiramdam ko ang layo niya pa rin sakin. Pero ngayon, parang naging abot-kamay ko siya bigla.

Ilang oras rin ang naging biyahe papuntang airport pero hindi naging boring dahil biglang nagsimulang magkwento si Dad. Panaginip lang ba 'to? Parang ayaw kong maniwala na totoo 'to. Hindi naman kasi nagke-kwento sakin si Dad. Madalas kapag nasa iisang sasakyan lang kami, nagbabasa lang siya ng mga email sa tablet niya o di kaya may kausap siya sa phone. Palagi na lang ganon kaya naman hindi ako sanay sa nangyayari ngayon pero aaminin ko, masaya ako. Sobrang masaya.

Nagsimula akong tumingin sa paligid ko para makita si Mom at agad ko naman siyang nahanap. Kakalabas niya pala pala. Nang nakita niya ako ay agad siyang tumakbo papalapit sakin at mahigpit akong niyakap.

God, I missed my Mom so much.

Siya na lang yung natira sa akin magmula nung iwan kami ni Dad. Kailanman hindi niya ako iniwan. Sobrang nasaktan siya dahil sa nangyari pero nanatili siyang nakatayo at pinaglaban niya pa rin yung karapatan ko kay Dad kaya naman kahit masakit para sa kanya, iniwan niya ako kay Dad. Dahil don, pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.

"I missed my Baby Boy so much! How are you?" Sobrang saya niya ngayon pero mahahalata mo yung mga luha na namumuo sa gilid ng mga mata niya.

"I'm fine, Mom. I missed you too, so much."

Tinadtad ako ni Mom ng tanong tungkol sa school and such at natahimik lang siya nang mapansin niya si Dad na kanina pa talaga nasa tabi namin. Biglang nanlaki yung mata niya at hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin na para bang tinatanong niya ako kung totoo ba si Dad o hindi.

"He's real, Mom." Natatawang sabi ko. Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon at hindi ko maintindihan sa kanya kung natutuwa ba siya o nagtataka. Mukhang hindi niya rin talaga inaasahan na makakasama namin si Dad na kami lang. Well, kahit naman ako hindi makapaniwala eh.

Pilit na ngumiti si Mom kay Dad at sinuklian naman yon ni Dad ng isang matamis na ngiti. Medyo awkward talaga pero bakit parang naluluha ako ngayon dahil sa tuwa? Parang sumisikip yung dibdib ko pero masaya ako.

Siguro iniisip ni Dad na isang simpleng ngiti lang ni Mom yung pinakita niya pero kilala ko ang Mom ko. Behind that smile is numerous emotions that she kept on hiding for me not to see. Alam ko naman na mahal pa rin ni Mom si Dad hanggang ngayon. She will always love Dad. Kahit gaano pa kasakit para sa kanya yung mga nangyari, nananatili pa rin yung pagmamahal niya para dito. Hindi ko alam kung ganon din ang nararamdaman ni Dad. Syempre hinihiling ko na sana mahal niya pa rin si Mom. Gusto ko lang naman na mabuo muli ang pamilya ko. Pero sino bang niloko ko?

He can't. He's already married with my sister's Mother.

Please, Yvette. Kung pwede lang 'wag ka munang bumalik. Give my parents time to be happy. Please give my Mother a chance to be with Dad. Please.

Dearest AngelWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu