Chapter 16

2 0 0
                                    

Chapter 16

Cassandra's POV

"Where's Asher by the way?" Tanong ko sa kanila nang makapasok kami sa cafeteria. Dumiretso agad kami sa usual spot namin at nagpahinga muna dahil mukhang walang may gustong pumila sa may counter para umorder ng pagkain.

"Taray English speaking." Nang-aasar na sabi ni Levi. Bakla ba tong siraulo kong pinsan? "Kita mo na, wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Mukhang enjoy ka kasama yung Karl na yun ah?"

"Pwede ba? Naguusap lang kami nung tao, Levi! Wag kang gumawa ng issue dyan!" Naiiritang sabi ko.

"Naguusap? Really, Cass? Tingin mo, maloloko mo ako? Makakarating to kay Tito."

"Oh please go get a life, Levi! Hindi mo ko kailangan bantayan all the time dahil malaki na ako!"

Sasagot pa sana si Levi pero naunahan na siya ni Raven magsalita. Mabuti na lang dahil naririndi na ako masyado sa kanya.

"Kung mag-aaway kayo, pwede wag ngayon? Wala ako sa mood para pigilan kayo." Napatingin naman ako sa kanya at mukhang wala nga talaga siya sa mood. Anong nangyari?

"Uy Raven, okay ka lang?" Lol bakit pa ba ako nagtanong? Syempre hindi! Isa lang naman yung pwedeng dahilan kung bakit ganito si Raven eh.

"Asan si Asher?" Tanong ko uli dahil wala namang sumagot sa akin kanina.

"Bianca" One word at alam ko na agad kung nasaan siya. "Is he courting her?" Tanong niya kay Yvette na kasama nga pala namin. Muntikan ko na makalimutan na kasama nga pala namin sila ni Castiel pano ba naman kanina pa sila tahimik.

Si Castiel, as usual, pinapanood si Yvette. Yung isa naman parang masyadong malalim yung iniisip tapos hindi pa rin pinapansin hanggang ngayon si Castiel.

"That fast? Pero hindi ko alam."

"Yvette can I talk to you? Privately?" Napatingin naman kaming lahat kay Castiel na biglang nagsalita. Well lahat, except kay Yvette.

Shit nakakaawa si Castiel. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Parang desperado na siyang makausap si Yvette.

"Whatever we're going to talk about, you can say it here." Ang cold. Nawala bigla yung warm personality ni Yvette. Gets ko naman kung bakit siya ganito pero ewan ko. Naaawa talaga ako kay Castiel.

Napapikit naman si Castiel and I swear nakita kong naluluha na talaga siya pagkamulat niya.

"I like you Yvette. I don't know if I could already call this love but I don't care. All I know is I like you and no one can stop me from liking you. I like you so please stop being like this to me. The fact that you're not talking to me is killing me. I'm serious about my feelings for you. I guess it was so sudden but I'm sure that I want to be with you. Please let me court you. I promise I'll prove myself to you. I promise I'll do whatever it takes just to make you happy. I promise I won't let you get hurt anymore. Just please. Please let me court you."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Raven. Ewan ko kung pare-pareho kami ng naiisip. Pero first time ata na ganitong kahaba yung sinabi ni Castiel. At kay Yvette pa.

Nakikita ko naman kasi na seryoso si Castiel sa kanya Hindi naman siguro bababa si Castiel sa ganitong level para lang kay Yvette. Hindi naman talaga yan pala-salita noon eh. Umingay lang yan after niyang makilala si Yvette. At nakikita ko sa mga mata niya yung saya kapag kasama niya si Yvette.

Pero hindi naman kasi yun yung problema eh. Alam ko kung anong pumipigil kay Yvette.

Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakatingin lang sa may lamesa. Ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Castiel. Akala ko nga hindi siya sasagot eh pero ilang segundo lang ang nakalipas, bigla siyang sumagot.

"I can't." Pagkasabing-pagkasabi niya non ay tumayo na siya at naglakad papalayo.

Nagulat pa nga si Castiel at napatayo rin. Hahabulin na sana niya si Yvette pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya.

"Give her some time to think." Sabi ko na lang. Alam ko naman kasi na yun ang kailangan ni Yvette.

Walang nagawa si Castiel kung hindi ang umupo pero kita kong naluluha na talaga siya pero mukhang pinipigilan niya.

"You need to follow her Cassandra." Tumango lang ako tumayo na. Hindi na ako nagpaalam kina Levi dahil alam na naman nila yon.

Dumiretso ako sa may room pero wala siya don. Tumaas pa ako papunta sa rooftop pero wala rin siya don. Bumaba pa nga uli ako sa may field at hinahanap siya sa bleachers at kahit sa ilalim nito pero wala talaga.

Saan naman nagpunta si Yvette?

Tinatawagan ko siya pero hindi naman siya sumasagot! Nagtext na rin ako pero walang reply. Shit ako mapapatay ni Asher nito eh!

Nawalan na ako ng pag-asa na makita siya kaya umakyat na ako. Nagugutom na ako dahil hindi na ako nakapaglunch pero mas lamang pa rin yung pag-aalala ko.

"Nasaan si Yvette?" Tanong agad sa akin ni Asher pagkarating na pagkarating ko sa room. Pagod na pagod na ako dahil kanina pa talaga ako tumatakbo sa totoo lang.

"Uhm..." Hindi ko alam yung sasabihin ko. Tumingin ako kina Levi pero mukhang hindi rin nila alam yung sasabihin.

"Nevermind. Mamaya kapag nakita niyo siya, pasabi magpasundo na lang siya sa driver ni Dad. Ihahatid ko kasi mamaya si Bianca. Sasamahan ko siya bumili para sa project nila."

Ewan ko kung matutuwa ako dahil hindi na pinush ni Asher yung pagtatanong o madidismaya ako dahil mas nauna niya pang isipin yung ibang tao kesa sa sarili niyang kapatid ko.

Nangangati yung dila kong sabihin sa kanya na nawawala si Yvette pero alam kong pag ginawa ko yon, malalaman niya na si Castiel ang dahilan at baka mag-away pa silang dalawa. Ayoko nang mas palakihin pa yung gulo.

Akala ko nagbago ka na, Asher, pero gago ka pa rin pala?

Dearest AngelWhere stories live. Discover now