Chapter 15

4 0 0
                                    

Chapter 15

Asher's POV

Days passed by like a blur.

Natapos ang one week nang hindi na naman namin namamalayan. Wala naman kasing time para magenjoy. Halos gabi na kami umuuwi nitong mga nakaraang araw tapos nagaaral pa kami paguwi. Minsan hindi na nga nakakakain dahil nakakatulog na rin agad. Karamihan talaga busy ngayon dahil exam na rin namin next week.

Friday na naman at ngayon pala yung practice namin sa waltz. Nandito kami ngayon sa new gym habang hinihintay yung magtuturo sa amin.

Nakakainis nga eh. Sayang sa oras. Imbes na nagaaral kami for exams, sasayangin namin yung oras namin para sa PE project namin na to. Sabi naman nila parang practice lang daw to para kapag nagball kami next year. Bakit hindi pa next year na lang din to para isahan na lang? Tsk.

Maya-maya lang ay nakita ko na yung partner ko na papasok. Si Bianca. Kasama niya yung mga kaibigan niya.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.

"Hey. I'm sorry nalate ako. Kumain lang kami sandali ng friends ko. Sorry to keep you waiting." Nahihiyang sabi niya. "And thank you nga pala uli dun sa pagsalo mo sa akin last week. Akala ko talaga mababalian na ako don or worst baka mamatay ako. Thanks for saving my life." Then she smiled. A genuine smile. And I can't help it but to smile back.

Heck, Asher. This is not the right time para lumandi.

"It's fine. Just be careful next time. Mabuti na lang nandoon ako."

"Yeah mabuti na lang nandoon ka." Tapos tumawa siya. Yung tawang... I don't know? Pambabae? Kasi si Raven minsan kapag tawang-tawa na siya, nagiging panlalaki na yung tawa niya.

Shit, bakit ko naman sila pinagkukumpara? Ano bang problema mo, Asher?

Habang hinihintay yung instructor ay lumapit muna sa amin yung mga kaibigan niya. Ayoko naman na magmukhang bastos kaya sinamahan ko na muna sila. Ang dami nilang tanong sa akin like kung kapatid ko nga ba raw talaga si Yvette. At kung ano-ano pa.

Saan naman nagpunta mga kaibigan ko?

Inilibot ko yung paningin ko at nakita sila sa na nakaupo sa may bleachers. Busy pa naman si Bianca sa mga kasama niya kaya umalis muna ako. Hindi na ako nagpaalam kasi feeling ko di naman nila napapansin.

Pagkalapit na pagkalapit ko akala ko mapapansin na nila agad yung presence ko pero hindi.

Abala silang lahat sa pagtawa. Okay? Anong meron?

Napatingin ako sa side ni Raven at nakita siyang tumatawa - yung tawang panlalaki uli kaya alam kong tawang-tawa na siya kulang na lang humiga siya sa bleachers kakatawa.

Tawa ka nang tawa diyan pero di ka man lang magreply sa mga text ko.

Tsk, sumakit sana tiyan mo.

Dahil hindi pa rin nila ako napapansin hanggang ngayon at sa tabi na lang ni Raven yung vacant, don na ako umupo. Mukhang nagulat pa nga siya sa bigla kong pagtabi.

"Raven, I texted you yesterday. Hindi ka na naman kasi nagpaalam. Bakit hindi ka nagrereply?" Sasagot na sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Oh Bianca." Lumapit siya sa amin at isa-isa niyang binati ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ay tumingin uli siya sa akin pero ramdam kong nasa amin pa rin yung paningin ng mga kaibigan ko. "I've been looking for you! Nawala ka sa pwesto natin kanina. Then I thought of your friends so I went here. So paano? Hintayin na lang kita doon mamaya?

"No, okay lang. Sasama na ako sayo." Mukhang di naman na ako kailangan ng mga kaibigan ko. Ano pang silbi ko dito? Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now