Chapter 12

5 0 0
                                    

Chapter 12

Asher's POV

Grabe. August na pala next week?

Ang bilis ng takbo ng oras. Hindi na namin namalayan na ilang linggo na rin pala yung lumipas since nung pumunta kami sa mall. Well, wala eh. Last year na namin ngayon sa high school.

Kung hindi nagaayos ng requirements, nag-aaral naman kami for entrance exama. Bukod pa don, kailangan na talaga namin magseryoso ngayon. Nakalinya pa lahat ng mga project na kailangan namin ipasa. 2 weeks na lang din yung meron kami before mag quarterly exam.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa cafeteria habang nagbabasa sa Math book ko. May long test kasi kami dito mamaya at hindi ako pwedeng bumagsak.

I like Math but it can't reciprocate my feelings so wala akong choice kung hindi suyuin ito.

Abala lang ako sa pagbabasa nang biglang muntikan na akong madapa paharap dahil sa lakas ng bagay na tumama sa ulo ko.

Pagkakita ko sa kung ano 'yon, halos manlumo ako. Pano ba naman, math book pa pala yung tumama sakin eh mas makapal pa to sa dictionary.

Shit. Buti buhay pa ako.

Lumingon ako palikod para makita ko kung sino yon pero hindi ko naman siya kilala? Base sa itsura niya, mukha lang naman siyang ka-age ko.

"Oh no! I'm really, really sorry! I really didn't mean it, I swear!" Nagpapanic na sabi niya habang nalapit sa akin. "Are you alright? Is he alright? Of course he's not! This is a math book for heaven's sake! Gusto mo dalhin kita sa clinic? Hala! Magsalita ka!" Hinawak-hawakan niya pa yung ulo ko at tinignan yon. Sa sobrang higpit ng kapit niya, pakiramdam ko sinasabunutuan niya ako eh. Seriously, may galit ba to sa akin?

Pero teka. Sino ba kausap niya? Ako o sarili niya? Napakarami niyang tanong tsk. Mas nasakit ulo ko sa kanya eh.

"I'm okay, Miss." Sabi ko na lang at inalis yung kamay niya na nakahawak sa ulo ko pero parang wala naman siyang narinig at patuloy lang siya sa pakikipagusap sa sarili niya.

Bahala siya dyan,

Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya yung braso ko para pigilan ako.

"Wait. May sinasabi ka ba? Bakit ka aalis? Hala! Magsusumbong ka ba sa office? Hala naman, Kuya! Hindi ko naman kasi talaga sinasadya! Kung may masakit sayo, dadalhin naman kita sa clinic dahil responsibilidad kita!" Ano to, nanay ko?

"No need, miss. I said I'm fine. And please do stop over reacting." Masyado siyang madaldal. Parang si Raven lang kapag may topak.

"Are you sure you're fine? I'm really sorry. Sabihin mo lang sa akin kapag may masakit sayo."

"I'm fine, really. There's no need to bring me to the clinic."

"I'm Bianca. Bianca Morales. 4th year, Section 2. You can always come to our room if you feel dizzy or anything. Kahit ipahatid kita sa driver ko sa hospital para mapacheck up ka, okay lang. Kahit ngayon pa."

"No, thanks. Kaya ko na sarili ko." Tinalikuran ko na siya pero tumakbo talaga siya at tumigil sa harap ko. Ang kulit naman ng babaeng to.

"Wait! Ano palang pangalan mo?"

"Asher Madrid. I need to go." Binilisan ko na yung paglalakad ko para hindi niya na ako mahabol pero rinig na rinig ko pa rin yung sigaw niya kahit medyo nakalayo na ako.

"You're the famous Asher Madrid?!" Hindi ko na siya pinansin at nagpasalamat na lang dahil nakarating na rin ako sa cafeteria.

Hindi pa man ako nakakaupo ay tinanong na agad ako ni Levi. "Where did you go, dude?"

Dearest AngelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum