Chapter 33

6 0 0
                                    

Chapter 33

Asher's POV

Hindi ko alam kung papasok pa ba o hindi na. Kasi sa totoo lang. Wala na talaga akong gana. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil sa dami ng iniisip ko kagabi.

Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto ko dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mom. Hindi ko alam kung kailangan ko bang umarte na parang walang nangyari sa harap niya o kung dapat bang magpakatotoo ako.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko rin alam kung paano ako papasok dahil una sa lahat, wala naman akong gamit na nahanda bago pumunta dito. Tanging sarili ko lang ang dala ko.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Kahit ayaw ko, alam kong mag-aalala si Mom kapag nagkulong lang ako sa loob.

Nakita ko siya na nagpe-prepare ng breakfast kaya naman doon ako pumunta. Napatingin siya sa akin at ngumiti siya kahit halata namang pilit lang yon.

"You don't have to smile when you don't feel like smiling, Mom. You've had enough. It's okay to cry. I'm here for you." Hindi ko alam kung bakit ko pa inopen yung topic kagabi pero ang alam ko lang, gusto kong sabihin sa Nanay ko na hindi niya na kailangan umarteng matatag siya sa harap ko.

Nabigla ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry, Asher. Gusto ko lang naman bigyan ka ng buo at masayang pamilya pero parang palagi tayong pinagkakaitang dalawa." Umiiyak na naman siya. Hinayaan ko lang siya nakayakap sakin hanggang sa unti-unti siyang tumahan.

"You have to go to school, today." Magrereklamo na sana ako pero pinangunahan niya na ako. "No buts. Life must go on."

"But I don't even have my uniform."

"I asked my driver to pick up your things." Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. "Yes, you're going to stay with me. Hindi ko na hahayaan na pumunta ka sa Tatay mong hindi ka naman kayang ipaglaban."

Para akong nabingi sa narinig ko. Iniisip kong joke lang lahat pero hindi eh. Seryoso si Mom.

Ibig sabihin ba nito wala na talagang pag-asang mabuo ang pamilya ko?

Muling nabuhay yung galit na nararamdaman ko dahil sa mga naiisip ko. Simula noong bumalik yung babaeng 'yon, wala ng nangyaring maganda sa buhay ko.

Sa sobrang inis ko ay bumalik ako sa kwarto para maligo at mag-ayos ng sarili. Nakita ko yung gamit ko sa may tabi ng kama ko kaya dali-dali akong nag-ayos.

Hindi ako papayag na buhay ko lang ang masira. Bakit? Ano bang naging kasalanan ko? Bakit ako yung pinaparusahan niya ng ganito? Hindi ba't siya naman ang may kagagawan ng lahat ng to?

Nagpaalam na ako kay Mom na papasok na ako. Hindi ko na sinabi sa kanya yung balak ko dahil gusto ko, ako lang ang may alam nito.

Dahil hindi ko naman dala yung sasakyan ko, nagpahatid na lang ako sa driver ni Mom papunta sa school. Umakyat agad ako papunta sa room namin pagkadating ko pero wala si Yvette don. Wala rin yung mga kaibigan namin kaya bumaba rin ako agad.

Sinubukan kong pumunta sa field para tignan kung nandon sila at tama naman ang hinala ko dahil nandon sila at masayang nagkwekwentuhan.

At talagang nakukuha niya pang maging masaya habang sinisira niya yung buhay ko?!

"Yvette!!" Malakas na tawag ko sa kanya. Agad silang napatingin sa akin at napatayo siya bigla.

Unti-unti akong lumapit sa kanila at nung tuluyan na akong makalapit ay agad ko siyang tinulak.

"Yvette!!" Biglang sigaw ni Cass dahil sa gulat. Miski ako nagulat dahil sa lakas ng pagkakatulak ko na naging dahilan ng pagkakatumba niya pero hindi ko na yon pinansin dahil sa galit ko. Agad naman lumapit sa kanya si Castiel para tulungan siyang tumayo.

"Ano?! Masaya ka na?!" Tanong ko sa kanya. Sinubukan akong pigilan ni Levi pero inalis ko lang yung pagkakahawak niya sa akin. "Masaya ka na na nasira mo na yung buhay ko?!"

"Kuya, hindi ko kailanman ginusto na sirain ang buhay mo." Umiiyak na sabi niya sa akin. Ha! At siya pa talaga ang may ganang umiyak ngayon?!

"Oh hindi ba't yon naman talaga yung gusto mong gawin simula pa lang?! Ang sirain yung buhay ko?! Oh edi yan! Nakuha mo na yung gusto mo! Sirang-sira na yung buhay ko!"

"Asher, tama na!" Malakas na sigaw sa akin Cass.

"Tumahimik ka!" Hindi ko na napigilan maluha dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko ngayon. "Wala kasi kayong alam! Hindi niyo alam yung pakiramdam na makita yung mga magulang mo na naghiwalay! Hindi niyo alam yung pakiramdam na maiwan! Na hindi piliin ng magulang! Hindi niyo alam kung gaano kasakit umasa na sana mabuo uli yung pamilya niyo! Wala kayong alam! Sa akin kayo nagagalit ngayon dahil nakikita niyo kung anong ginagawa ko sa kanya. Pero nakita niyo ba kung anong ginawa niya sakin noon?! Kung paano niya sinira yung buhay ko?!" Natigilan sila dahil sa sinabi ko. Nakita kong naluluha na rin si Cass at Raven pero wala akong pake. Itinuon ko lang yung paningin ko kay Yvette.

"Bakit ba kasi sa tuwing sumasaya ako, dumadating ka para gawing impyerno yung buhay ko!! Una yung kay Bianca! Oo, hiwalay na kami! Masaya ka na ha?!" Lumapit uli ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"K-kuya, masakit." Naiiyak niyang sabi. Sinubukan alisin ni Castiel yung kamay kong nakahawak sa balikat ni Yvette pero mas hinigpitan ko pa yung kapit dito at niyugyog ko pa siya na para bang pinipilit kong ipasok sa isip niya kung ano yung mga sinasabi ko.

"Masakit? Hindi ba't kung meron man mas nasasaktan dito, hindi ba't kami yon ng Mommy ko?! Hindi mo alam kung gaano kasakit makita yung Mommy mo na umiiyak dahil sa pangalawang pagkakataon, hindi siya pinili ng taong pinakamamahal niya." Para akong nanghina bigla sa sinabi ko at napabitaw sa kanya. Napaluhod na lang ako dahil hindi ko na talaga mapigilang maiyak. Pilit akong pinapatayo ni Levi pero hindi ako kumikilos.

Parang nawalan na lang ako ng lakas bigla. Pero pinilit kong tumingin uli kay Yvette.

"Ba-bakit ka pa kasi nabuhay? Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin." Unti-unti nang dumilim yung paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now