Chapter 37

7 0 0
                                    

Chapter 37

Asher's POV

Almost 3 years after...

Halos tatlong na taon na yung lumipas simula noong umalis si Yvette para magpagamot sa ibang bansa. Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya. Ayokong maging pessimist kaya iniisip ko na lang na maayos na siya ngayon.

Maayos na maayos na rin ang parents ko. They are also married. Sa wakas natuloy rin yung kasal nilang dalawa. At ang ginamit nilang wedding ring ay yung binalik ni Yvette sa kanila.

Yes, maraming painful memories na maaalala mo pag nakita mo yon kaya nga hindi ako makapaniwalang yun pa rin yung ginamit nila. Pero sabi nga nila, kung hindi naman dahil sa mga nangyari noon, hindi rin sila magiging kasing tibay gaya ng ngayon.

Bukod pa doon, a year after they got married, biniyayaan agad sila ng isang baby boy. Sobrang cute niya syempre dahil mana sa kuya.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot.

Yvette, nasaan ka na ba? Meron ka na ulit bagong kapatid. He needs a loving sister like you, as well. Umuwi ka na, please.

Ang daming nangyari this past few years. Ang daming ups and downs pero tuloy pa rin ang buhay. Yung mga naging problema noon ang siyang nagiging lakas na namin ngayon.

Maybe our past really build us up to get ready for our future.

Ang barkada? Well, still solid as a diamond.

Graduating na kami next year at lahat kami ay nagtake ng Business Administration as our course. Well, we all have our family businesses to take care of kaya naman hindi na yon nakakapagtaka.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you." Napangiti naman ako nang biglang pumasok ang girlfriend ko sa loob. Yes, you read it right. Girlfriend. Finally after years of being manhid at bulag, narealize ko na rin yung totoong nararamdaman ko para kay Raven.

Kaya siguro naiinis sakin si Yvette noon kapag si Bianca yung iniisip ko. Masyado ata talaga akong nabulag sa kanya kaya hindi ko nakita kung sino ba talaga yung taong tinitibok ng puso ko. Yvette must be so proud and happy for me right now kung nandito lang siya.

"From a little boy to a grown man. Happy birthday, dude!" Sunod-sunod na silang pumasok sa kwarto ko at kahit sobrang ingay nila, ramdam ko ang sobrang saya.

It's actually my 21st birthday today. And for a man, special ang ganitong taon sa amin. I really didn't want to have a party pero pinilit ako ng parents ko. Ang gusto ko lang naman ay makasama ko ang mga kaibigan ko kaya naman kahit sinabihan ako ni Mom na maginvite ng mga kaklase ko ay hindi ako sumunod. Tanging mga kaibigan ko lang ang pinapunta ko.

Nandito kami ngayon sa resort namin. Maraming hindi magandang alaala dito pero tinatawanan na lang namin yon ngayon. Lumabas muna kami at lumapit sa may dagat para tumambay doon habang nakaupo sa buhangin.

"Dito yun eh. Dito sa pwestong to nakatayo non si Bianca eh. Tanda ko yon. Sinabihan ba naman niya kami na nangitim na kami. Like duh nakabilad kami sa arawan kaya malamang mangingitim kami. Kala mo naman maganda siya eh mas maganda pa rin naman kami kesa sa kanya kahit maitim kami." Nanggigigil na sabi ni Cass habang nasa tabi niya naman si Oliver.

Oo, sila na. Kahit kami nagulat nang malaman namin yon. Ni hindi nga namin alam na kaya pala nilang magusap nang maayos. Simula kasi noong umalis si Yvette ay sumasama na sa amin si Oliver. Pabor na rin yon sa amin dahil nagagawa niyang pasayahin si Cass. Sobrang nalungkot kasi ito dahil sa nangyari dati.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now