Chapter 17

1 0 0
                                    

Chapter 17

Cassandra's POV

Lumipas na yung weekend at Monday na ngayon pero wala pa rin akong naririnig mula kay Yvette. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Ni text or tawag, wala! Tinanong ko na kay Castiel kung nagusap na sila pero wala pa rin daw. Nag-aalala na talaga ako kay Yvette.

Nasa may harap pa lang ako ng high school building nang mahagip siya ng paningin ko. Hindi pa naman siya ganon kalayo mula sa pwesto ko kaya sinigaw ko yung pangalan niya pero hindi man lang siya lumingon.

Alam kong narinig niya ako. Pero hindi ko maintindihan kung bakit siya umarte na parang wala siyang narinig.

Bakit pati ako iniiwasan niya?

Napatingin ako sa may hagdan papunta sa second floor at nakita doon si Castiel na nakatayo habang nakatingin lang din kay Yvette. Ayan na naman yung pag-aalala sa mga mata niya.

Sinundan niya lang ng paningin si Yvette hanggang sa tuluyan na itong makalayo bago tumingin sa akin kaya lumapit na ako sa kanya.

"Nakausap mo na ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Iniiwasan niya ako eh." Malungkot na sagot niya.

Tahimik na lang kaming umakyat non papunta sa room namin. Dumiretso kami pareho sa upuan namin at walang imik na umupo. Si Levi? Naglalaro lang sa cell phone niya habang si Raven naman mukhang wala pa rin sa mood hanggang ngayon. Si Asher ayon nasa kabilang room na naman siguro. Wala siya dito eh.

Nakatingin lang ako sa may pintuan dito sa may side namin dahil doon naman kami madalas dumadaan. Umaasa ako na dadating na si Yvette para makausap ko siya. Pero lumipas na ang ilang minuto wala pa rin siya.

"What's up?" Sabi ng kararating lang na si Asher.

What's up? What's up your face. Chill lang siya palibhasa wala kasing alam sa nangyayari.

Pero teka?

Hindi kaya nagkekwento sa kanya si Yvette? Tatanungin ko na sa siya kaya lang pumasok bigla sa room yung homeroom teacher namin tapos kasunod niya lang si Yvette.

Nanliit agad yung mata ko sa kanya.

Mukhang plinano niya to ah? Para hindi namin siya makulit, sumabay siya sa dating ng teacher namin. Matalino nga talaga to.

Hindi ko rin naman makausap si Yvette after ng first subject dahil may long test kami sa next subject kaya sobrang busy namin.

Hanggang sa dumating na yung lunch time, wala pa rin. Hindi nga siya sumabay sa amin papunta sa cafeteria eh.

"Guys, sabay ako kina Bianca ha?" Pagpapaalam pa ni Asher sa amin. Aba himala. Nagpaalam pa siya.

"Asshole." Bulong ni Levi na katabi ko lang habang bumaba kami sa hagdan papunta sa first floor.

Exams na sa Wednesday pero heto kami hindi makapagfocus nang maayos dahil alam naming may mali. Nakakapagaral pa naman ako kaya lang bothered ako sa mga nangyayari sa barkada namin.

Tahimik lang kaming pumasok sa cafeteria at dumiretso sa table namin.

"Ako na mag-oorder. Anong gusto niyo?" Thank God mukhang walang topak ang pinsan ko kaya medyo mabait siya ngayon.

"Okay na sakin chicken at rice."

"Burger na lang sa akin."

"I'm not in the mood to eat. Sorry." Napatingin ako kay Castiel at halata mo talaga na malungkot siya. Mukha nga siyang puyat na puyat eh.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now