Chapter 28

3 0 0
                                    

Chapter 28

Asher's POV

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kahit ayoko pa ay bumangon na lang ako dahil baka mapagalitan pa ako ni Dad.

"How's your sleep?" Bigla na lang ako natauhan nung makita ko si Mom. Oo nga pala, nandito na nga pala siya.

"It's fine. Sorry nakatulog na pala ako hindi ko namalayan. How about you? Did you sleep well?"

"Yes, I did. Nakatulog din ako agad dahil na rin siguro sa jet lag. Anyway, pinapatawag na tayo ng Dad mo. Bumaba na raw tayo at kakain na."

Pagkababa naming dalawa ay nakita agad namin si Dad na nakaupo na at umiinom ng kape.

"Glad you two are already awake. Good morning."

"Good morning, Dad."

Hindi naman sumagot si Mom dahil na rin siguro hindi siya kumportable pero umupo na kami at nagsimulang kumain.

"So what are your plans for today?" Nakangiting tanong niya sa amin. Paano kaya nagagawa yon ni Dad? Ang umarte na parang wala lang sa kanya ang lahat. Oh well baka nga wala lang para sa kanya yung nangyari noon.

"We will be going around the city to tour Mom."

"Would you mind if I will join you?" Halos mabilaukan ako nang bigla na lang sinabi ni Dad yon.

"Don't you have anything to do today?" Tanong bigla ni Mom.

"Well, I canceled all my appointments for today to be with the two of you. If that would be okay, of course."

"Sure, Dad. That would be fun." Nakangiting sagot ko.

Nagugulat talaga ako sa mga inaakto ni Dad ngayon pero hindi ko itatanggi na natutuwa ako. I just hope na magtatagal pa to at magpapatuloy kahit na nakabalik na sina Yvette.

Pagkatapos kumain ay umakyat na kami papapunta sa mga kwarto namin para maghanda sa pag-alis. Di pa rin ako makapaniwala na lalabas kaming tatlo na kami-kami lang. Parang nung bata lang ako. Nakakamiss din pala.

Bumaba na ako pagkatapos mag-ayos at nakita ko si Dad na naghihintay na sa baba. So si Mom na lang pala yung hinihintay namin.

Umupo muna ako sa tabi ni Dad at nanatiling tahimik. Hindi naman kasi kami madalas magkwentuhan ni Dad kaya sanay na ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Just like the old days. Mommy mo pa rin talaga ang nahuhuli dahil sa bagal niya kumilos." Biglang sabi ni Dad at bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya. Hindi naman sa ginagawa ko siyang big deal pero ibig sabihin pala non hindi niya pa rin talaga kinakalimutan si Mom. That made me feel better.

"So where do you plan to take your Mom first? You should decide. I'll just go with the flow." Napangiti naman ako. Go with the flow? That's the first time I heard that from my Dad. He's actually the type of person who doesn't like to risk or waste his time. He always plan ahead of time. Hearing that from him makes me think that he just want to spend the day with us without planning anything.

"Well, I'm planning to take Mom in her favorite park. Would that be okay with you?" Bigla naman siyang natigilan at medyo nawala yung ngiti niya. It's obvious na alam na niya agad kung aling park yung tinutukoy ko.

Well, it was his favorite park too. It's actually where he and Mom first met.

Nakatingin lang ako sa kanya at talagang tinitignan ko yung reaction niya. I have this plan in my mind that I want to do. I want to give them another shot. I'm kind of hoping they will find love again and be reconciled.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now