Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

Asher's POV

Pagkatapos kumain ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin para hindi kami malate. Habang naglalakad, si Cass at Raven ay nag-uusap habang si Levi at Castiel naman ay nangunguna sa pagalakad. Ako ay naiwang mag-isa dito sa likod nila. Sinubukan kong sumabay kina Levi pero binilisan nila yung lakad.

Damn, ayoko makipagaway sa kanila kaya pinigilan ko silang lahat. They all turned around and gave me disappointed looks. Ipinikit ko muna yung mga mata ko bago magsimulang magsalita.

"Look, guys, I'm sorry if I acted rude but you don't need to get angry at me because of that girl. Bago lang siya sa school na ito at lalong bago lang siya sa grupo natin pero ngayon mas pinipili niyo na yung side niya kesa sa akin?" I asked. Isn't it unfair for me? Na siya yung kinakampihan nila kahit na ako yung mas matagal na nilang kaibigan?

"Ano bang problema mo, Asher? You know what? Huwag mo na palang sagutin. I don't know what happened between you and Yvette or if there's something wrong between the two of you, but dude! Hindi niya naman siguro deserve na itrato mo siya ng ganon! Nakakabastos yung ginawa mo. At if ever na ginawa mo 'yon sa pinsan ko, magagalit ako for sure. Okay, fine. Hindi namin talaga kilala si Yvette pero wala kaming nakikitang dahilan para tratuhin mo siya ng ganoon! Siguro tinanggap namin siya nung una dahil sa awa pero sa sandaling nakasama namin siya, nagustuhan na namin siya. She seemed really nice at nakakadisappoint na ikaw yung matagal ng nakakakilala sa kanya pero ikaw pa yung ganyan siya kung itrato."

"Ikaw na nga mismo yung nagsabi na mas matagal ko na siyang kilala pero kayo? You guys only know her for what? For 2 days tapos umaarte kayo na parang kilala niyo na siya? Na mas kilala niyo na siya kesa sa akin? That's ridiculous! You haven't see her true color yet!"

"You know what? It's not about how long you know a person. It's about how true she is when she's around you. And Yvette? I can see the sincerity in her eyes when she's with us. Siguro hindi mo lang nakita pero the moment we asked her if she would like to be part of our group, nakita namin yung sobrang kasiyahan sa mga mata niya. Maybe you just can't see it, but we do." Then he walked out.

Tinignan ko si Castiel pero umiling lang siya at sumunod na kay Levi. Tumingin naman ako kay Cass pero sinamaan niya lang ako ng tingin at inirapan bago sumunod kay Castiel. Huli kong tinignan si Raven at umaasa akong maiintindihan niya ako pero all I can see is disappointment in her yes. Akala ko wala na siyang sasabihin pero bago pa siya sumunod kay Cass ay lumingon muna uli siya sa akin.

"You don't need to apologize to us, Asher. You just need to apologize to Yvette." Sabi niya bago siya tuluyang umalis.

Damn it! What the hell is wrong with everyone?!

"Kuya Asher? Asan po sila Cassandra? Bakit hindi mo sila kasama?" I turned around and then saw Yvette. I can't feel anything but anger. Galit sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Bakit hindi ko sila kasama?! Are you seriously asking me that?! Galit lang naman sila sa akin! Are you also going to ask me why? It's because of you! Palagi ka kasing pabida. Gusto mo lahat sila naaawa sayo! Gusto mo nasa iyo lahat ng attention!"

"I-I'm sorry, Kuya. Hindi ko naman sinasadya." And now she's starting to cry? Pasalamat siya walang ibang tao dito kundi kami lang.

"Hindi sinasadya?! You've got to be kidding me! You're so pathetic! Aminin mo na kasi! You're planning this to happen! You want my life to be ruined! Kaya ka bumalik diba?! Para sirain pati ang buhay ko ngayon! You know what? I hate you and get lost!"

Alam ko na medyo sumobra ako sa mga nasabi ko pero mas sobra siya! Sobra na niyang sinira at sinisira niya pa lalo ang buhay ko.

Umalis na ako doon at pumunta sa may field para magpahinga. Damn it! Damn it! Kailangan kong magisip ng paraan para magkaayos na kami nila Levi.

I won't let Yvette take away everything that is mine.

Cassandra's POV

"I don't know what's wrong with Asher anymore. He became a jerk!" Frustrated na sabi ni Levi.

"A jerk that I really want to punch!" Dagdag ni Castiel. Oh gosh. Pano ko sila pakakalmahin?

Kanina sa cafeteria, ako yung halos sapakin na si Asher pero ngayon sila naman yung nanggigigil sa inis.

"Hey hey! Calm down, okay? He's still our friend!" Raven said pero... Friend nga ba?

"Oh ayan na pala si Yvette eh!" We all turned to the direction that Raven is pointing and we saw her there... faking a smile.

Oh no, Yvette. Your eyes can't lie to me. I looked at her with worried eyes but she just smiled again.

"Are you okay, Yvette?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na sasabihin lang niyang okay siya kahit obvious na hindi naman.

"Huh? Is there anything wrong? Of course, I'm fine." No. Hindi ka na makakapagsinungaling sa akin, Yvette. Lalo na't namumula at medyo basa pa 'yang mga mata mo.

"You sure?"

"Yes! I'm very sure. Anyway, have you seen Kuya Asher?" Pag-iiba niya sa topic. Nanliit yung mga mata ko sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin. Okay fine. Palalampasin ko muna 'to.

"No. Hey, Yvette can I talk to you for a sec?" Gulat akong napatingin kay Castiel nang bigla niyang gustong kausapin si Yvette. Tinginan ko siya at magtatanong na sana kung bakit pero nauna ng sumagot si Yvette.

"Sure. Where?"

"Somewhere far from here. So they won't be able to hear us." Ha? Bakit hindi namin pwedeng marinig? Teka, anong nangyayari? Naguguluhan na ako bigla.

"Hey! Ang unfair!" Sabi bigla ni Levi. Unfair daw. Makikichismis lang naman siya. Akala ko ba naiinis to? Bakit bigla tong bumalik sa pagiging abnormal? Tsk iba talaga kapag tsismoso.

"I agree. May secret ba kayo na itatago niyo sa amin? Ang daya!"

"Yes. Okay na ba? Can you let us go now?" Castiel said with his irritated voice.

Ooh. Scary. At dahil nagsalita na sa tagalog si Castiel, alam na namin na seryoso na siya. Wala na kaming nagawa kung hindi ang payagan silang umalis.

"What the hell is happening? Did Castiel just asked Yvette to talk to him? Just. The. Two. Of. Them.?" Gulat na tanong ni Levi.

"What? Kakaalis lang diba?" Sagot naman ni Raven though I'm sure gulat rin siya.

Well, I can't blame them though. Kahit ako nagulat dahil ngayon lang nakipag-usap si Castiel sa isang babae ng sila lang bukod sa amin ni Raven na ilang months rin bago siya nakausap nang maayos.

Hmm... may iba kay Castiel eh. Iba rin yung way ng pagtingin niya kay Yvette.

Aha! Hindi kaya may crush na si Castiel kay Yvette? Hindi naman siguro ganon kabilis magkagusto sa isang babae si Castiel no? I mean, matagal na kaming magkaibigan at wala kahit isang babae siyang natipuhan dito sa school so hindi naman siguro. Pero kung oo...

This is bad. Really, really bad.

 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now