Chapter 36

6 0 0
                                    

Chapter 36

Asher's POV

Days passed since nung kinausap kami ni Tita Sandra. Wala na kaming narinig muli about sa kanila. Ang bilis ng mga pangyayari. Isang araw si Dad naman yung pumunta sa unit namin at nakipagayos siya kay Mom.

Ilang beses humingi ng tawad si Dad sa amin pero alam namin ni Mom na wala na yung galit na nararamdaman namin noon. Naliwanagan na kami pareho sa kung anong nangyari.

At ngayon sarili ko naman ang sinisisi ko. Kung hindi dahil sa akin, sana nandito pa rin si Yvette kasama namin ngayon. Sana nandito pa rin yung kapatid ko.

Kailangan bang may mawala muna bago may dumating na panibago?

Hindi ko alam kung alam ni Tita na ako yung dahilan kung bakit inatake si Yvette noon pero pakiramdam ko hindi. Dahil kung oo, alam kong kamumuhian niya rin ako kaya ng nararamdaman ko sa sarili ko.

Naisip ko sobrang self-centered ko pala. All this time akala ko kami lang ng Mom ko yung nasasaktan. Akala ko kami lang yung naapektuhan doon sa mga nangyari. Bakit ngayon kung kailan huli na ang lahat, bakit ngayon lang ako naliwanagan?

Masaya ako na buo na kami ngayon. Eto naman talaga yung matagal ko ng gustong mangyari. Pero deserve ko pa ba to pagkatapos kong saktan yung kapatid ko na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako?

Napatingin ako sa may lamesa ko at nakita ko don yung frame na kasama doon sa paper bag na binigay sa akin ni Tita. Nakalagay don yung picture naming tatlo. It was a candid shot but we were all smiling. Ako, si Mom at si Dad noong nandon kami sa park. Hindi ko alam kung paano niya nakuha yon at hindi ko rin alam kung paano siya papasalamatan. Hindi lang don para sa frame kung hindi para sa lahat. Gusto ko rin magsorry pero alam kong huli na ang lahat. Hindi ko alam kung kailan o kung makikita ko pa siya uli. Gusto kong umiyak pero parang wala na akong mailuluha pa.

Pumasok ako ngayon kahit na hindi na muna ako pinapapasok nina Dad. Hindi pwedeng hindi ko to ngayon gawin.

Pagkarating ko sa room ay nakita ko na agad sina Raven sa may pwesto nila. Naguusap-usap sila pero parang wala na yung dating saya noong nandito pa si Yvette. Alam kong napamahal na rin sa kanila si Yvette kaya alam kong nasasaktan din sila ngayon.

Lumapit ako sa kanila kaya naman natahimik sila.

"I'm sorry." Ramdam ko yung pagtulo ng luha ko kaya tumungo na lang ako.

"Mababalik ba ng sorry mo si Yvette, ha?" Galit na tanong sa akin ni Cass.

Inaasahan ko naman na hindi ko madaling maibabalik yung pagkakaibigan namin sa dati. Baka nga hindi na eh. Pero hindi ko maiwasang masaktan dahil alam kong tama siya. Hindi naman talaga mababalik ng sorry ko si Yvette eh.

"Alam mo Asher, gustong-gusto kitang saktan ngayon. Gaya ng sakit na binigay mo kay Yvette. Pero alam kong hindi siya matutuwa kapag ginawa ko 'yon. Ang swerte-swerte mo dahil meron kang kapatid na katulad ni Yvette, sa totoo lang. Kahit ilang beses mo siyang sinaktan, never niyang naisip na gumanti sayo. Never niyang ginustong masaktan ka, alam mo yan. Masyado ka lang nagpabulag sa galit mo sa kanya kaya ganyan ka." Nakatungo lang ako habang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya. Masyado akong nagbingi-bingihan noon kaya naman alam kong kailangan kong makinig ngayon sa lahat ng sasabihin nila. Kahit masaktan pa ako.

"Noong araw na nahuli mong nakikipagaway si Yvette, naisip mo bang bigyan ng kahit benefit of the doubt man lang siya? Alam mong hindi niya gawawing makipagaway kahit kanino man. Sinubukan mo man lang ba tanungin siya kung ano yung side niya? Hindi diba? Pwes para sabihin ko sayo, noong araw na yon, narinig namin sina Bianca na pinaguusapan ka. Sinasabi niyang anak ka sa labas at sinisiraan niya yung Mommy mo. Hindi basta-basta nagagalit si Yvette pero dahil ikaw ang involve wala siyang pake. Remember yung nangyari years ago? Nangyari uli at alam ni Yvette na masasaktan ka uli kapag kumalat yon. Gusto niyang ipagtanggol ka pero nakakatawa dahil ikaw pa yung may ganang magalit sa kanya."

Sa totoo lang, gusto kong sabunutan yung sarili ko dahil sa narinig ko. Damn it, you deserve all the hate, Asher. Napakatanga mo.

"Pero..." Bigla akong napatingin kay Cass dahil sa sinabi niya. "Kahit sobrang gago mo, alam kong hindi matutuwa si Yvette kapag sinisi ka namin. Alam ko rin na ang gusto niya lang ay ang magkaayos tayong lahat."

Lumapit sa akin sina Levi at kahit siya ay umiiyak na rin. Lahat pala kami umiiyak na. Mabuti na lang at kami lang yung tao dito sa room.

"Kahit gago ka, namiss kita." Umiiyak na sabi ni Cass at lumapit siya sakin para yakapin ako. Isa-isa na ring lumapit sakin yung iba. At noong lumapit na sa akin si Castiel ay hindi ko maiwasang maguilty dahil alam kong masakit rin para sa kanya na umalis si Yvette at alam kong kahit kaunti ay may parte sa kanya na sinisisi pa rin ako. Di ko naman maaalis yon sa kanila.

"Welcome back, bro." Sinapak pa ako ni Levi sa may braso ko pero niyakap niya rin ako.

Napatingin naman ako kay Raven na pulang-pula na yung mata. Ewan ko kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang makitang unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Nung tuluyan na siyang makalapit sa akin ay niyakap ko siya nang mahigpit na para bang ayaw ko na siyang pakawalan at niyakap niya rin naman ako pabalik.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin yung nangyari sa family mo?" Bigla naman akong napatungo dahil sa tanong ni Levi.

"Ang totoo... nahihiya ako. Kinakahiya ko na anak ako sa labas. Nabulag din ako ng galit ko kay Yvette at kahit nagsinungaling siya dati para pagtakpan ako, nagalit pa rin ako sa kanya dahil akala ko sinasadya niyang pahiyain ako... I'm so sorry, guys. Sa lahat."

"Asher, hindi mo naman kailangan itago yung ganong bagay sa amin. Anak ka man sa labas o hindi, kaibigan ka namin. Yun ang mahalaga."

Eto pala yung pakiramdam na may totoo kang mga kaibigan. Yung kahit may nagawa kang kasalanan, hindi ka pa rin nila papabayaan.

Siguro nga nasira kami simula noong dumating si Yvette. Pero wala naman siyang kasalanan doon dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Kung meron man siya ginawa, mas pinagtibay niya yung pagkakaibigan namin.

Sino bang magaakala na mapapatawad pa ako ng mga taong to pagkatapos ng mga kagaguhan na pinaggagawa ko.

Ngayon, nakapagsorry na ako sa kanila. Sana unti-unting maging maayos na talaga lahat sa amin. At sana magkaroon pa ako ng chance na humingi ng sorry sa taong pinakanasaktan ko. Sana magkaroon pa ako ng chance na makahingi ng tawad kay Yvette. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now