Chapter 35

8 0 0
                                    

Chapter 35

Asher's POV

Hirap na hirap akong imulat yung mata ko dahil sa sobrang mugto nito. Hindi ko rin alam kung paano ako babangon dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 4 PM na. Sa sobrang pagod, sobrang haba rin ng tulog ko at hindi na ako nakapasok. Hindi na rin siguro ako inabala ni Mom dahil alam niyang may pinagdadaanan ako.

Narinig kong may nagdoorbell sa labas pero hindi ko yon pinansin. Napabangon lang ako nang biglang narinig kong sumigaw si Mom.

"Anong ginagawa mo rito?!"

Hindi na ako nagabalang magayos pa ng sarili ko at dali-dali akong lumabas. Para naman akong binuhusan ng malamig nang makita ko si Tita Sandra sa may pintuan.

"Hindi ako pumunta dito para manggulo. May gusto lang akong sabihin." Mahinahon na sabi niya. Napatingin siya bigla sa akin at pilit na ngumiti.

Ayaw man ni Mom ay wala siyang nagawa kung hindi papasukin si Tita. Kahit naman hindi pumayag si Mom ay papapasukin ko rin si Tita dahil marami akong gustong itanong sa kanya.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Naiiritang tanong ni Mom sa kanya.

Hindi naman nagsalita si Tita pero inabot niya kay Mom yung hawak niyang envelope. Agad naman binuksan ni Mom yon at bigla siyang natigilan. Sinilip ko kung ano yon at kahit ako ay natigilan.

Annulment papers. At may pirma na siya don kaya pirma na lang ni Dad ang kulang.

"B-bakit?" Nagtatakang tanong ni Mom. Nawala na yung pagtataray sa boses niya ngayon dahil siguro hindi niya inaasahan to.

"This should've happened years ago. It was long overdue. I'm so sorry." Biglang tumulo yung luha ni Tita kaya naman hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kanya. Para kasing years niya na ring tinatago yung nararamdaman niya at ngayon niya lang masasabi.

"It was all my fault. What happened 15 years ago was my fault. Something happened between me and Zach. We were drunk. I'm sorry. Wala akong magandang rason na masasabi sayo. Kasalanan ko lahat." Nagsimula na siyang umiyak ngayon habang si Mom ay nananatiling nakatingin at nakikinig sa kanya pero ramdam kong pinipigilan lang niya yung luha niya.

"I knew back then that he was about to get married to you. But I have no choice. Nagbunga yung kasalanan na ginawa namin ni Zach. My parents keep on making me abort my child because they were aware that my child would be illegitimate. I was left with no choice but to ask Zach for his help. I don't want to lose my child. She was the only one that was left to me after I ran away from our house. I was very desperate." Umiiyak na rin si Mom ngayon at kahit ako hindi ko na napigilan. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang namin nalalaman lahat ng mga to?

"He then called off your wedding. I was so guilty. Hindi ko ginusto na agawin siya sayo. We went abroad to get married dahil napagkasunduan namin na maghihiwalay rin kami after two years. Tapos babalik na siya sa inyo. Pero... pero..." Parang hirap na hirap na siyang magsalita at hindi niya na alam kung paano itutuloy ang kwento niya kaya agad akong kumuha ng tubig at inabot yon sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim pero kasabay non ang pagtulo ng mga luha niya.

"But then Yvette was diagnosed with Congenital Heart Disease." Parang bigla akong nanlamig dahil sa narinig ko. What the hell? "Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Natatakot ako na mawala yung anak ko sa akin kaya naman humingi uli ako ng tulong kay Zach. Ipapagamot na sana namin si Yvette but our only option back then was an open heart surgery. But she was still too young. Masyadong delikado kaya humingi pa kami ng oras kahit man lang hanggang sa maging 8 years old siya. Maraming beses na muntikan ng maging malala yung kondisyon niya pero nagawa naming agapan. Puro gamot lang muna yung pinapainom namin sa kanya hanggang sa akala namin magiging okay na siya. Kaya nawala yung kaba sa dibdib namin." Humihikbi na si Tita ngayon pero pilit niyang pinpatatag yung sarili niya.

"But when she turned 6 years old, nalaman niya bigla na may kapatid siya. Hindi niya sinasabi sa amin pero alam naming sabik siya na magkaroon ng kapatid. Madalas kasi kaming mag-away ni Zach. Akala niya kapag nagkaroon siya ng kapatid, magkakaayos kami ng Daddy niya. Pero sadyang matigas ang ulo niya at talagang tinakot niya pa kami na hindi na siya iinom ng gamot kapag hindi namin siya pinakilala kay Asher. Kaya naman umuwi kami sa Pilipinas. We kept on monitoring her health pero okay pa naman. She went to school at medyo naninibago siya dahil home-schooled lang siya before. Bumalik si Zach at alam kong umaasa siya na magkakabalikan kayo uli. I have nothing against that kasi matagal na naman talagang dapat mangyari yon. Akala namin nadaan na yung sakit ni Yvette sa gamot so hindi na namin tinuloy yung surgery pero after 4 years, biglang na lang siyang inatake uli. Zach felt responsible kaya sumama uli siya sa amin at iniwan kayo uli."

"Pero... Si Yvette, okay na ba siya ngayon?" Biglang tanong ni Mom. Inaabangan kong sumagot si Tita pero pilit lang siyang ngumiti sa amin.

"Masyadong tumigas yung ulo niya. She's really smart. She made us promise na pababalikin namin siya dito sa Pilipinas after a few years tapos tsaka lang siya magpapa-opera. She really want to be with his brother. Alam niyang delikado yung magiging operation niya dahil medyo lumala na rin yung sakit niya. Alam niya yung maaaring mangyari kapag hindi naging successful yung surgery kaya gusto niyang makasama muna yung Kuya niya. We badly wanted to say no but her eyes were pleading hanggang sa wala na kaming nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto niya. Tinake niya lahat ng medicines na inireseta sa kanya para lang maging malakas kapag humarap siya sa inyo. Nagaral din siya nang mabuti dahil gusto niyang makasabay sa Kuya niya. Hanggang sa lumipas yung apat na taon at nasunod nga ang gusto niya. Umuwi siya sa Pilipinas at kumuha ng exam sa MU. A week after niya magexam tsaka lang siya nagpakita sa inyo."

"I thought everything was going smooth. Hindi inaatake si Yvette so inisip ko na lang na masaya siya dito at napapalakas siya yung kuya at mga kaibigan niya hanggang sa... sa..." Parang hirap na hirap na naman siyang ituloy ang sinasabi niya kaya nakaramdam ako ng sobrang kaba.

"Sa sinugod siya sa hospital 3 days ago. It was critical. Akala ko mawawala na siya sa amin." Parang tumigil yung mundo ko nung sinabi yon ni Tita. 3 days ago... that was when...

"Kamusta na siya ngayon?" Nagaalalang tanong ni Mom.

"She's still recovering." Biglang tumayo si Tita kaya napatayo na rin kami ni Mom. "Hindi alam ni Zach pero isa sa mga napagkasunduan namin ni Yvette noon before siya magpagamot ay kailangan palayain na namin ang Daddy niya."

Halos manlaki yung mata ko nung biglang lumuhod sa harap namin si Tita. "I'm so sorry for everything. Hindi na namin kayo guguluhin ng anak ko. Thank you. Thank you for taking care of her. Lalo na ikaw, Asher." Biglang tumingin sa akin si Tita. "Thank you dahil ikaw yung dahilan kung bakit lumalaban pa rin hanggang ngayon si Yvette. Thank you."

Inalalayan na namin ni Mom tumayo si Tita. Hindi na rin siya nagtagal at aalis na sana siya nang bigla siyang napatigil. Binuksan niya ang malaking bag niya at may kinuha siya don.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang inabot sakin ang isang paper bag.

"Pinapabigay niya nga pala yan sayo. Pinapasabi niya rin na you deserve the happiness as well." Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya.

Nakatingin lang ako sa paper bag at hindi ko alam kung may lakas pa ba ako para tignan kung anong nasa loob non. Pero gusto kong makita kaya naman huminga muna ako nang malalim bago tinignan yung nasa loob.

Halos natigilan ako noong makita ko kung ano yon. Nakita kong natigilan din si Mom at naluha na naman siya bigla.

Inside the paper bag was my parents' supposed-to-be wedding ring.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now