Chapter 29

4 0 0
                                    

Chapter 29

Asher's POV

Weeks have passed since nung umalis si Yvette at nung bumalik si Mom sa Pilipinas. It was so much fun it almost felt surreal. Hindi ko kailanman naisip na pwede pala kaming makumpleto ulit tatlo.

Everything was awkward at first pero hindi nagtagal ay naging ayos na lahat. Nakakapagusap na nang maayos si Mom at si Dad. Malakas yung pakiramdam ko na nagbalik yung nararamdaman nila para sa isa't isa... well, kung nawala man ito.

Honestly, it was pretty obvious that they still like each other but there are still certain barriers which prevent them from being together. Syempre ano pa ba yung makakapigil kay Dad? Walang iba kung hindi si Yvette.

I immediately tried to erase those thoughts before it ruin my day. I'll just focus on my parents. I took my phone from my pocket and opened my gallery.

I can't help but to smile as I look at our pictures. We were like a normal, happy family. Sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw to the point na natatakot ako na matigil ito. Na biglang bumalik sa dati ang lahat.

How I wish this happiness won't be temporary.

"So what's your plan for today, Asher?" Sa ilang weeks na lumipas, bilang lang sa kamay kung ilang beses pumasok si Dad sa trabaho niya. He canceled lots of meetings para lang makasama kami.

"Well, I asked Bianca to meet us for lunch later. Will that be okay with the two of you?" Natigilan naman si Mom kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan sila ni Dad at parang nagkakaintindihan na sila kahit hindi nagsasalita.

"That would be great. I really want to meet the girl who captured my son's heart." Sabi ni Mom pero ramdam ko na hindi siya ganon ka-excited na makita si Bianca. I don't know why pero pakiramdam ko hindi na agad gusto ni Mom si Bianca para sa akin kahit hindi pa naman niya ito kilala personally. I just hope that meeting her in person would change her mind.

Nagready na kaming lahat at umalis din agad dahil 10 am na rin at 11 am ang sabi kong oras kay Bianca. We already reserved a table in a restaurant so hindi na namin kailangan pumila pa pero ayoko naman paghintayin nang matagal si Bianca.

Halos isang oras din yung naging biyahe namin dahil medyo matraffic na. Pasukan na rin kasi bukas. Patapos na pala agad ang sembreak namin. Tama nga sila. Mabilis lumipas ang oras kapag masaya ka.

Anyway, pagkadating namin sa restaurant ay nakita agad namin si Bianca. Tumayo siya pagkakita sa amin at hinintay na makalapit kami.

"Mom, Dad, this is Bianca, my girlfriend." Agad naman kinamayan ni Bianca si Mom and Dad at bigla siyang kumapit sakin pagkatapos. Ramdam ko yung kaba na nararamdaman niya kaya hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan ko siya at nginitian para pakalmahin siya.

Napatingin naman ako kay Mom at kitang-kita ko yung pagsulyap niya sa kamay namin ni Bianca na magkahawak bago siya tumingin kay Dad na nakatingin lang din sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Bianca habang nasa harap naman namin sina Mom and Dad. Tahimik lang kami nung una pero biglang nagsalita si Mom.

"So Bianca, it's nice meeting you. You look pretty in that dress, by the way." Napangiti naman si Bianca dahil si Mom na yung unang nagapproach sa kanilang dalawa.

"Thanks po. Kayo rin po. Your dress suits you. You look so young I can't believe you already have a son."

"Oh." Napatawa naman si Mom. "Thank you. Heard that quite a lot of times already yet hearing that from you makes me feel that it's true."

"It is, Mom." Natatawang sabi ko.

Nagsimula na kaming mag-order ng pagkain nang biglang mapatingin si Mom sa may entrance.

Dearest AngelOnde histórias criam vida. Descubra agora