Chapter 32

6 0 0
                                    

Chapter 32

Cassandra's POV

Grabe yung iyak ko habang naghihintay kami dito sa labas. Tuluyan nang nawalan ng malay si Yvette at mabuti na lang malapit na kami sa clinic non kaya mabilis siyang nabuhat ni Castiel papasok.

Gulong-gulo sila Raven at Castiel lalo na si Levi sa nangyayari pero hindi nila ako makausap dahil hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak.

Napatingin kami sa may pinto nang bigla yon bumukas at lumabas yung doctor na nagcheck sa kanya.

"You guys don't have to worry anymore. Okay na siya. She just need to rest." Mas lalo akong umiyak dahil para akong binunutan ng tinik dahil sa narinig ko.

Pumasok na uli yung doctor at iniwan kami sa labas. Hindi pa kami pwedeng pumasok dahil ililipat pa lang daw nila si Yvette sa bed niya.

"What happened?" Napatingin ako kay Castiel nang bigla siyang nagsalita. Nakita ko naman na nakatingin silang lahat sa akin kaya naman no choice ako kung hindi ikwento ang nangyari sa kanila. Sinabi na rin namin yung sitwasyon kay Levi at hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"Fuck. Ang tanga ni Asher." Biglang sabi niya. Walang sumagot sa amin pero alam naman namin na totoo yon.

Kapag may nangyari lang talagang masama sa kaibigan ko, hinding-hindi kita mapapatawad, Asher.

Asher's POV

Inis akong nakatingin kina Yvette nang bigla na lang lumapit si Cass kay Castiel at may sinabi dito. Agad silang tumalikod sa amin at kahit tinatawag ko sila ay hindi man lang sila lumingon.

Hindi ko alam pero parang kinabahan ako.

Napatingin ako sa katabi ko at nakita kong umiiyak pa rin si Bianca. Pinaalis ko muna yung mga kaibigan niya at umalis na rin yung mga tao na nanonood dahil tapos na naman yung "show" na tinitignan nila kanina. Tsk. Wala man lang umawat sa kanila.

"Anong nangyari? Bakit bigla kang sinaktan nila Yvette?"

"Hindi ko alam." Humihikbi na siya kaya naman hindi ko na muna siya tinanong uli at hinayaang tumahan.

Kahit ako nagulat nung nakita ko si Yvette na sinasabunutan si Bianca. Hindi naman kasi nananakit si Yvette kaya hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yon.

Siguro nga may dahilan siya pero kahit ano pa yon, hindi niya dapat sinaktan si Bianca.

"A-asher." Biglang tawag sa akin ni Bianca habang nakaupo kami sa may bench dito malapit sa CR.

"I-I'm breaking up with you." Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko talaga inaasahan yon.

"W-what?"

"I'm sorry. It's just that... natatakot na ako. Hindi ko na kayang makasama ka. Tuwing makikita ko ang mga kaibigan mo, natatakot ako na baka sugurin uli nila ako katulad nito dahil nga ayaw nila sa akin para sayo."

"No. Kakausapin ko sila." Hinawakan ko ang kamay niya pero agad din niyang inalis yon.

"I'm sorry pero hindi ko na kaya. Ayoko na." Biglang sabi niya at iniwan niya na ako doon.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. May mas isasama pa ba itong araw na to?

Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit dahil kay Yvette. Kasalanan niya to. Bakit ba kasi niya sinugod si Bianca? Sapat na ba yung rason na ayaw nila sa kanya para sa akin? Ang babaw nila!

Galit akong bumalik ng room at nakita wala ng tao doon. Half day nga pala since first day ngayon ng second sem. Agad kong kinuha yung bag ko at dali-dali rin akong sumakay ng sasakyan.

Huminga muna ako ng malalim bago inistart yung kotse dahil ayoko naman na maaksidente ako.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakauwi na rin ako dahil wala namang traffic ngayon.

Agad akong bumaba ng sasakyan at umakyat papunta sa kwarto ni Yvette pero wala pa siya don. Bababa na sana ako para tanungin sina Yaya kung nasaan si Yvette nang makarinig ako ng sigawan mula sa guest room.

Lumapit ako don pero hindi ko binuksan yung pinto. Nanatili lang akong nasa labas at nakikinig sa pinaguusapan nila.

"I'm sorry." Natigilan ako dahil boses yon ni Dad. Nakarinig ako ng paghikbi at agad nabasag yung puso ko dahil alam kong si Mom yon.

History repeats itself. Totoo pala yon no? Dahil ang nangyayari ngayon ay halos katulad lang ng nangyari noon. Noong pinili ni Dad na iwan kami para sa ibang babae... para kina Yvette.

"Sorry?! Sorry?! Yan na lang ba ang palaging kong maririnig sayo, Zach?! Puro ka sorry!" Umiiyak na sabi ni Mom.

"Yung mga nangyari noong mga nakaraang linggo, wala lang ba yon sayo? Kami ng anak mo, wala lang ba talaga kami para sayo? Ganon ba talaga kadali para sayo iwan kami ng anak mo, ha?! Dumating lang yung isang anak mo, bumalik ka na agad sa dati! Kinalimutan mo na naman uli kami!" Hindi ko namalayan umiiyak na rin pala ako.

"Mahal ko kayo ng anak natin. But I'm sorry. I really am."

"Hindi maaayos ng sorry mo ang pamilya natin na ilang beses mo ng winasak. Ilang taon akong naghintay dahil sinabi mo sandali lang. Hinintay kita. Tiniis ko lahat ng sakit na nararamdaman ko noong iwan ko kayong dalawa para sa babae mo at sa anak niya. Nagtiis ako dahil mahal na mahal kita! Pero pagod na ako. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na makitang iba yung turing mo sa anak ko habang nandyan yung isang mong anak. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin na hayaang isipin ng iba na anak sa labas yung anak ko kahit siya naman talaga ang may karapatan sayo. Pinatawad kita noon. Ilang beses na. Paulit-ulit kahit sobrang sakit na. Pero hindi ko na kayang makitang nasasaktan yung anak ko. Pagod na akong umasa na mabibigyan natin ng maayos at kumpletong pamilya ang anak ko! I'm sorry pero ayoko na!" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong gulat na gulat na nakatingin sa akin si Mom at Dad. Kita kong mas umiyak si Mom nang makita niya ako at kita ko rin na yung pagluha ni Dad.

"Let's go." Hindi ko na alam ang susunod na nangyari basta ang alam ko lang ay hinila na ako ni Mom papunta sa sasakyan niya at inutusan niya na ang driver na dalhin kami sa isang hotel. Pilit na humahabol sa amin si Dad pero hindi na kami tumigil.

Nanatiling umiiyak si Mom kaya niyakap ko siya at mahigpit niya rin akong niyakap. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Mom kaya hindi ko na siya binitawan hanggang sa makarating kami sa hotel.

Akala ko naiintindihan ko na si Mom. Hindi pa pala. Sobrang dami niya pa palang sakit na itinatago sa akin hanggang sa naipon na at sumabog na siya ngayon.

Nakapagcheck in na kami't lahat ay hindi pa rin tumitigil si Mom sa pagiyak. Hinayaan ko na muna siyang magpahinga sa kwarto niya at pumunta muna ako sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay doon ko nilabas lahat ng luha na kanina ko pa pilit na tinatago.

Nagkagulo na lahat. Akala ko magulo na yung pamilya namin noon. May mas igugulo pa pala yon.

Bigla kong naalala yung babaeng may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Ano pa, Yvette? Ano pang plano mong sirain sa buhay kong matagal mo ng sinira?

Dearest AngelWhere stories live. Discover now