Chapter 39

8 0 0
                                    

Chapter 39 - Her POV

Yvette's POV

"Wooow!" Hindi ko mapigilan mapasigaw dahil sa pagkahanga sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na ganito pala sa Pilipinas. Naninibago ako sa lahat. Wala naman kasi akong idea kung anong meron dito. Never naman kasing nagkwento sa akin sila Mommy.

Natutuwa ako sa lahat ng nakikita ko pero hindi maalis sakin yung maexcite dahil makikita ko na finally yung kapatid ko.

"Mommy?" Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako nang malaki sa kanya. "Thank you for letting me come here." sabay kiss ko sa cheeks niya.

"Anything for you, baby." Ngumiti lang din siya sa akin kiniss rin ako.

Napatingin ako kay Daddy at siya naman dapat yung tatawagin ko pero napatigil ako nang makita ko siyang nakatingin lang sa labas na parang malalim ang iniisip.

Ano kayang meron?

Siguro iniisip lang ni Dad yung sa work niya. Mamaya na lang ako magpapasalamat sa kanya. Masyado kasi siyang workaholic. 'yon din ata yung reason kung bakit sila madalas mag-away ni Mom eh. Tumitigil lang sila kapag nandyan na ako.

Naririnig ko yung mga nagsasalita sa radio at natutuwa ako dahil naiintindihan ko sila. Kahit naman kasi nasa Canada kami, Filipino pa rin yung language na unang tinuro sa akin nila Mommy. Pero syempre I need to learn English so sometimes hindi ko maalis yung accent ko kapag nagsasalita ako ng Filipino.

Ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami tumigil sa isang malaking bahay. Sabi nila Mommy sa bahay raw nila Daddy kami titira kaya eto na siguro yon. Pero hindi ko maiwasang mamangha dahil sa sobrang laki ng bahay na to. Amin ba talaga to?

Papasok na sana kami sa loob nang biglang may lumabas na isang batang maliit mula sa loob.

Tumatakbo siya papalapit sa amin at biglang lumakas yung tibok ng puso ko nang makita ko kung sino siya.

Kuya Asher.

Masaya siyang tumakbo papunta kay Dad at itinaas niya pa yung kamay niya na para bang nagpapakalong siya pero tinignan lang siya ni Dad at ginulo yung buhok niya.

Kita kong nagulat siya dahil sa ginawa ni Dad habang ako naman ay naguguluhan sa kinilos ni Dad. Para kasing ang cold niya. Napansin ko rin na palipat-lipat yung tingin ni Daddy sa aming dalawa kaya biglang napatingin samin si Kuya Asher at bigla na naman lumakas yung tibok ng puso ko nang mapatitig siya sa akin.

"Dad, who is she?" Nagtatakang tanong ni Kuya kay Dad.

Tumingin naman sa akin si Dad at pinalapit ako sa kanilang dalawa. "This is your

sister, Asher. Sophia Yvette Madrid."

Ngumiti ako nang malaki kay Kuya Asher at inaasahan kong matutuwa siya na makita ko kaya naman nagulat ako nang bigla lang siyang tumingin kay Dad at nag-aya na papasok.

Parang dinurog yung puso ko dahil hindi niya man lang ako kinausap. Ibang-iba 'yon sa inaasahan ko sa first meeting namin pero hindi ko na lang ginawang big deal yon at nanatili pa rin akong nakangiti. Ayoko naman na may maisip sina Mommy na dahilan para pabalikin ako sa Canada.

Ayoko bumalik lalo na ngayon na kasama ko na yung Kuya ko dito.

Napatingin ako kay Mommy para tignan kung napansin niya yung nangyari pero parang lumilipad yung isip niya kaya napahinga ako nang maluwag. Napatingin ako kina Dad at nakapasok na sila sa loob kaya hinila ko na si Mommy papasok.

Hindi ko na naman napigilan ang mamangha dahil sa luwag sa loob ng bahay. Sobrang linis pa ng lugar na to. Malaki rin naman yung bahay namin sa Canada pero hindi naman yon kasing laki nito.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now