Chapter 30

4 0 0
                                    


Chapter 30

Raven's POV

Sunday na at ito na yung huling araw ng sembreak. Dahil pare-pareho kaming mga walang magawa, napagkasunduan na namin nila Yvette at Cass na magkikita-kita dito sa mall. Papasok na sana ako sa restaurant na kung saan namin napagkasunduan na maglunch nang biglang marinig ko yung pangalan ko somewhere.

Tumingin naman ako sa kung saan nanggaling yung boses na yon at natigilan ako nang makita ko sina Asher at Bianca kasama yung parents ni Asher.

Shit. Yung parents ni Asher. Anong gagawin ko?

Oo, alam ko na yung totoong kwento ni Yvette. At ngayong makakaharap ko sina Tita, hindi ko na alam kung paano ba dapat ako kumilos sa harap nila.

Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit or what dahil nakatingin sa akin si Tita Natasha pero wala akong choice noong sumenyas na siya na lumapit ako sa kanila.

Gusto kong itext muna sina Cass para wag silang pumunta dito pero hindi ko magawa dahil nakatingin sina Tita at Tito sa akin. Sinusubukan kong wag magmukhang kinakabahan pero alam kong nakakahalata na rin si Asher.

"I'm glad to see you." Biglang sabi ni Tita kaya napangiti ako. Minsan ko nakita si Tita dahil bumibisita siya sa school dati. Mabait siya kaya naman magaan yung loob namin sa kanya.

"What are you doing here? Are you alone?"

"No, Tita. I'm actually waiting for someone po." Sabi ko na lang pero bigla kong naalala sina Yvette kaya naramdaman ko uli yung kaba.

"Why don't you join us while waiting for your... friend?" Napatingin ako kay Tita. Oh no. This is not good. Gusto ko tumanggi pero ayoko namang mabastos sila. Oo, hindi kami okay ng anak niya pero labas naman sila don sa away namin.

Hindi pa man ako sumasagot ay tumayo na si Asher para kumuha ng upuan at nilagay yon sa gitna ng upuan nila ni Tita. Wala na akong choice kaya umupo na lang ako pero kinakabahan pa rin ako. Pakiramdam ko anytime ay dadating na sila at masyadong awkward yon.

"So, Raven, how are you? I'm really glad my son has a friend like you." Napatingin ako kay Tita at nakangiti lang siya sa akin. Pero parang may iba sa ngiti niya? Weird pero baka naman wala lang yon.

Hindi ako makatingin kina Asher dahil unang-una, masakit pa rin para sa akin na makita silang magkasama. At pangalawa, alam kong malalaman ni Asher na kinakabahan ako kapag tumingin ako sa kanila at ayokong tanungin pa nila ako kung bakit. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ang sagot ko.

"I'm doing good po, Tita. Kayo po? It's good that you're back po." Sagot ko na lang.

"I'll only stay here for a few weeks then babalik na ako sa New York. Doon na kasi ako nagwowork after ko sa Korea. Sino nga pala yung 'friend' na hinihintay mo, If I may ask?" Tanong niya uli kaya mas kinabahan ako. Shit isip, Raven!

"A friend from school po." Shit sinong kaibigan naman yung sasabihin ko kapag tinanong niya ako?

"Oh is that so? That's great then! Why don't you ask him or her to join us since friends din naman siguro sila ni Asher. And gusto kong makilala yung iba pang kaibigan ni Asher." Oh no. May biglang pumasok sa isip ko na tao kaya naman nakaisip na ako ng sasabihin nang biglang tumunog yung phone ko. Ibig sabihin nasa labas nila at any minute ay papasok na sila! Biglang bumukas yung pinto at titingin na sana don sila Tita.

"No!" Kahit ako ay nagulat dahil sa pagsigaw na ginawa ko pero nagpapanic na talaga ako ngayon.

"I mean he's a friend from other section po and shy type po kasi siya kaya po baka next time na lang. Sorry to be rude po, naghihintay na po kasi siya sa labas. Pupuntahan ko po muna." Alam kong nakakabastos na bigla na lang ako umalis pero kailangan ko na talaga umalis. Napatingin naman ako sa paligid at hindi ko na nakita sina Yvette. Mukhang nakita nila sina Tito kanina kaya agad silang lumabas. Parang sa buong oras na nandon ako sa loob ng restaurant, ngayon lang ako nakahinga nang maluwag.

Pagkalabas ko ay dali-dali kong hinanap yung dalawa at nakita ko naman sila don sa may national book store na hindi naman kalayuan mula dito sa restaurant.

Agad ko silang pinuntahan at niyakap silang dalawa.

"Shit akala ko nasa isang action movie ako dahil sa kabang naramdaman ko dahil don!" Natatawang sabi ko. Grabe talaga yung kaba kaya ngayon natatawa na lang ako dahil sa nangyari.

"Sira ka! Ni hindi ka man lang nagtext sa amin!" Natatawa na ring sabi ni Cass.

"Eh hindi ko naman kasi magamit yung phone ko dahil nagpapanic ako kanina doon. Mabuti na lang at hindi nila kayo nakita nako!"

Dahil sa nangyari kanina ay napagdesisyonan na lang namin na lumipat ng mall dahil mahirap na at baka mahuli pa kami.

Bakit ba kami nagtatago sa kanila? Dahil kay Yvette.

Siraulo tong babaeng to eh. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya pero tinitiis niya lahat ng yon para lang sa kapatid niyang gago naman.

Ilang araw na rin since nung bumalik si Yvette dito sa Pilipinas. Pero imbes na umuwi sa kanila ay dumiretso siya kina Cass. Ang reason niya?

Dahil gusto niyang makasama ni Asher ang Mommy at Daddy niya.

Napatingin ako kay Yvette habang nandito kami sa Starbucks at nagkwekwentuhan. Oo, nakangiti siya pero kita mo ang lungkot sa mga mata niya.

Bakit kaya may mga taong ganon ka-selfless no? Yung kaya nilang I-give up ang isang bagay para lang makita yung isang taong masaya. Ang swerte ni Asher sa kapatid niya, sa totoo lang.

Mahal ko si Asher, oo. Pero pakiramdam ko walang-wala yung nararamdaman ko compared sa nararamdaman ni Yvette. Hindi ko alam kung bakit pero parang pakiramdam niya, utang niya ang buhay niya sa kapatid niya.

Hindi ko mapigilang maluha dahil sa mga naiiisip ko.

"Okay ka lang?" Biglang tanong ni Yvette sa akin kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Oo naman. Ikaw ba? Ano ng plano mo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik habang kami ni Cass ay hinihintay lang yung isasagot niya.

"Well, wala naman akong choice kung hindi ang umuwi dahil alam niyang ngayon ako uuwi." Alam nga ba niya o nakalimutan na niya? Gusto kong sabihin pero alam kong masasaktan lang si Yvette.

Naaawa ako sa Daddy nila pero mas naaawa ako kay Yvette. Bakit niya ba sinisisi yung sarili niya sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa?

Tinawagan ko na yung driver ko para magpasundo dahil kailangan na rin namin kunin yung gamit nila Yvette kina Cass tapos ihahatid pa namin siya sa kanila.

"Uy thank you sa inyo ha. Sorry pati kayo naaabala ko." Nakatungong sabi sa amin ni Yvette. Kakadating lang namin sa kanila at pinapababa ko na yung gamit niya sa driver.

"You don't need to say sorry and thank you dahil magkaibigan tayo. Hindi ka abala sa amin. If you need our help, lagi lang kaming nandito sa tabi mo. Don't even forget that okay?"

Napatingin ako sa mata ni Yvette at nagulat ako noong nakita kong umiiyak na siya.

"I really hope kayo ng Kuya ko ang magkakatuluyan. Mapapanatag lang ang loob ko kapag ikaw na ang kasama niya."

Niyakap niya ako at ganon din ang ginawa niya kay Cass. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero ipinasawalang bahala ko yon.

"Sige na. Baka gabihin pa kayo. Salamat uli. See you tomorrow." Sabi niya sa amin kaya naman sumakay na kami ni Cass sa sasakyan.

"I'm scared." Napatingin ako bigla kay Cass nang bigla niyang sabihin yon.

"Pakiramdam ko nagsisimula ng magpaalam sa atin si Yvette."

So hindi lang pala ako yung nakaramdam non. Shit wala naman sanang masamang mangyari sa kanya. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now