Chapter 31

5 0 0
                                    


Chapter 31

Asher's POV

I can't believe it. She's now back.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan maayos na ang lahat sa amin? Bakit kailangan niya pa bumalik?

Simula na naman ng pasukan ngayon at parang wala akong gana pumasok pero wala naman akong choice dahil alam kong kailangan ko at papagalitan ako ni Mom pag hindi ako pumasok.

Bumaba na ako pagkatapos ko mag-ayos at nakita na nandoon na silang tatlo. Natigilan ako dahil naninibago ako. Dati kasi kapag ganito, makikita ko sila Mom at Dad na nag-uusap at minsan nagaasaran pa sila. Tapos ngayon biglang sobrang tahimik sila na para bang natatakot silang gumawa ng kahit anong ingay.

"So how's your vacation with your Mom, hija?" Pagbabasag ni Dad sa katahimikan. Tuluyan na akong bumaba at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Mom na tahimik lang na kumakain.

"Okay lang po. Medyo busy rin po si Mommy kaya hindi na siya sumama sa pagbalik dito." Sinubukan ko kumain kahit konti pero parang wala talaga akong gana. Tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos at lumabas ng bahay. Narinig kong tinawag ako ni Dad pero nagkunwari akong wala akong narinig. Nababadtrip ako dahil sa pagbalik ni Yvette. Tsk.

Dumiretso na ako sa school at pumunta sa room nila Bianca pero wala siya doon. Nandon yung bag niya kaya alam kong nandito na siya pero kasama niya siguro yung mga kaibigan niya sa labas.

Lumabas na rin ako at pumunta sa may field para doon magpahinga. Ang daming tumatakbo sa isip ko kaya kahit wala pa naman akong ginagawa ay pakiramdam ko pagod na pagod na ako.

Maya-maya lang ay narinig ko na yung bell kaya tumayo na ako at umakyat papunta sa room. Kita ko na agad sina Yvette kasama sina Raven na masayang nagkwekwentuhan.

Aaminin ko, namimiss ko na silang kasama pero wala eh. Sila ang may kasalanan kaya bakit ako ang lalapit? Magsorry muna sila. Ang hirap kasi na ang taas masyado ng pride nila.

Ang bagal ng takbo ng oras. Kahit sinusubukan ko makinig sa discussions, wala akong maintindihan. Para akong magkakasakit na ewan.

Natapos na rin sa wakas ang first two subjects namin at recess na kaya tumayo na ako para puntahan si Bianca sa room nila.

Nakita ko naman siya kasama ang mga kaibigan niya. Parang napatigil naman sila sa pagkwekwentuhan pagkakita sa akin.

Ngumiti at kumaway ako sa kanya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Nilapitan ko na siya at sabay na kaming bumaba papuntang cafeteria.

Cassandra's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at tahimik na kumakain. As usual, si Castiel at Yvette ay naglalandian. Well, pagbigyan na dahil ilang linggo rin namang hindi nagkita yang dalawa. Hindi ko alam kung ano na yung status nila dahil hindi naman sila nagkwekwento pero masaya akong makitang masaya silang dalawa.

Si Raven? Ayon, pinipilit na wag tignan si Asher at Bianca na kakapasok lang sa Cafeteria.

Si Levi? Wala pa ring kwenta. Just kidding. Busy habang naglalaro ng cell phone niya.

Nagulat na lang ako nang biglang may tumabi sa akin at nasira naman agad yung araw ko nang makita ko kung sino yon.

"Hi Miss Sungit." Bati niya sa akin. Plastic naman akong ngumiti sa kanya pero ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Oy Oliver ikaw pala." Great mabuti naman at hindi na ako yung kukulitin ng lalaking to.

"Hey, Raven. Kamusta bakasyon?" At nagsimula na silang magkwentuhan. Wala naman akong pake sa pinaguusapan nila kaya nanahimik na lang ako.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now