Chapter 19

3 0 0
                                    

Chapter 19

Raven's POV

"If you really like him, fight for him." Easier said than done.

"Bakit pa ako lalaban kung alam kong sa simula pa lang wala naman akong pagasa?" I asked her.

"Paano mo nasabing wala kang pagasa? Nasubukan mo na bang lumaban? You see, people get scared for something they haven't even done yet." Tama nga naman siya. Madalas kasi nauunahan tayo ng takot.

"I don't want to lose him." I don't want that to happen. He's like my best friend and I'll do everything that I can just to make sure that our friendship won't end.

"Hindi siya mawawala sayo kung hindi mo hahayaan. That is why you need to fight for him. Sa tingin mo ba kung magiging si Ate Bianca at si Kuya, hindi mawawala si Kuya sayo? Sa atin? Ngayon pa nga lang hindi na siya sumasama sa atin diba? Mas gusto mo bang mawala siya nang wala kang ginagawa? Hindi ba mas maganda kung mawawala man siya, alam mo sa sarili mong may nagawa ka naman para mapasayo siya?"

All her words keep slapping me. It was waking me up to face reality.

Tama naman siya eh. Lahat ng sinasabi niya tama.

How can I be so dumb? Bakit naunahan kaagad ako ng takot?

"She's right Raven. At alam mo ba? Parang hindi ikaw yung Raven na matagal ko ng kilala. Kasi yung kilala kong Raven, siya yung tipong ipaglalaban kung anong gusto niya. Walang makakapigil sa kanya. Ang magtangkang humarang sa daan ay pinapatumba niya." Dagdag ni Cassandra at hindi naman namin napigilang matawa dahil sa sinabi niya. Kahit siya natawa. Grabe naman kasi yung pinapatumba.

"Looks like you girls are having fun. Sorry to interrupt but it's already dismissal and Asher's already looking for Yvette." Sabi ni Castiel pagkapasok niya sa loob ng clinic.

Pinaasikaso na agad namin sa nurse yung paglabas ni Yvette at nagpaalam sa doctor pero bilin nito na kailangan muna kumain ni Yvette bago siya lumabas kaya wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod.

Pinababa namin kay Levi yung mga gamit namin at hinintay siya sa may hagdan. Medyo inis pa nga siya dahil iniwan daw namin siya. As if naman na napansin niya na wala kami eh mukhang wala nga rin siya sa mood kanina pa. Ang tahimik niya eh nakakapanibago.

Habang naglalakad ay nakita namin si Asher na naglalakad palabas ng building na para bang may hinahanap.

"Asher!" May narinig kaming tumawag sa kanya kaya napatingin kami sa kung sino yon. Napatigil naman ako sa paglalakad at ganon din yung mga kasama ko. Pinapanood lang namin sila habang lumalapit si Bianca kay Asher.

Nag-uusap lang silang dalawa at maya-maya'y nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit ko ba pinaparusahan ng ganito yung sarili ko. Pwede naman akong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Para bang nastuck yung mga mata ko sa kanilang dalawa.

Hindi naman ito yung first time na nakita kong masaya si Asher pero habang nakikita silang ganito kasaya, pakiramdam ko nakalimutan ko na yung mga sinabi sa akin nila Yvette kanina at nawalan na naman ako ng pag-asa.

"Excuse me." I excused myself bago pa tumulo yung luha ko. Mahirap kasing pigilan lalo na kapag nakikita ko silang dalawa na ganoon kasaya.

"Raven!" Pagtawag sa akin ni Cass pero natatakot akong makita nila akong nasasaktan at natatakot akong makita ako ni Asher na naiyak kaya hindi na ako lumingon. Baka malaman niya at parang hindi ko pa yata kayang marinig yung rejection niya.

Walang sumunod sa akin. Kahit sila Levi hindi sumunod. Alam kong nakita nila akong umalis dahil sa lakas ng boses ni Cass pero walang sumunod. Mabuti na nga iyon eh. Siguro pinigilan sila nila Yvette dahil alam nilang gusto kong mapagisa. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may field doon sa may part na wala masyadong tao dahil tago ito.

Sa totoo lang, pagod na pagod na ako umiyak. Pagod na pagod na ako masaktan. Bakit kasi magmamahal na nga lang yung puso ko, doon pa sa taong alam kong hindi ako kayang mahalin pabalik. Sobrang masakit pero ano bang magagawa ko? Kung pwede lang pigilan yung nararamdaman ko, matagal ko nang ginawa.

"It's alright to cry
Even my dad does sometimes
So don't wipe your eyes
Tears remind you you're alive
It's alright to die
'Cause death's the only thing you haven't tried
Just for tonight, hold on"

Nagulat na lang ako nong biglang may kumanta at nakita kong si Oliver yon. Imbis na tumigil ako sa pagiyak ay mas lalo pa akong naiyak. Bigla siyang lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo. Tinanggap ko naman yon at ginamit sa pagpupunas ng mga luha ko.

Umupo siya sa tabi ko at pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya. "Alam kong hindi ka pa ganon ka komportable sa akin pero pwede mo namang iyakan yung balikat ko. Kahit wag ka magsalita. Iiyak mo lang lahat ng gusto mong iiyak dahil hindi na ako papayag na makita kang umiiyak uli."

Mas naiyak naman ako dahil sa sinabi niya. I don't know what he means by what he said but his words made me feel like he's always there for me. It made me feel like I wasn't alone.

"Raven" Nagulat ako at napatingin sa lalaking biglang tumawag sa pangalan ko. Para akong nanigas sa kinauupuan ko at napatigil ako sa pagiyak nang makita si Asher na nasa harapan ko. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila patayo. Napatayo rin naman si Oliver.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Pagalit na tanong ni Asher kay Oliver.

Tinaas naman ni Oliver yung dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya. "You should be asking yourself. I'll go now, Raven. Always remember what I told you, alright?" Sabi niya bago siya tuluyang umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad siya palayo.

"Hey. Anong ginawa niya sa'yo? Bakit ka umiiyak?" Nagaalala niyang tanong. Gusto kong maiyak uli pero kailangan kong pigilan. Pagod na rin ako.

"Wala naman. Sinamahan niya lang ako. Sige mauuna na ako." Pinipilit kong wag mabasag ang boses ko at tsaka inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan siya doon.

Turning your back at someone you love is never easy, believe me. Especially If what you really want to do is to ran to him, hug him and say how much you love him.

Pakiramdam ko sasabog yung puso ko ano mang oras. Not because of too much happiness, but because of too much sadness and pain. If only I could turn back the time to prevent myself from falling for him, I'll do it. Kasi alam kong kahit ngayon lang ako sa umamin ko, alam kong hulog na hulog na ako.

Kaya masakit.

I didn't know that love can make you feel this worse. Not until now. He was my first love and also my first heartache. So how would I know? I wish the pain will end soon because I can't take this anymore. I don't know what to do or even how to face him. I feel like when I look at him, I'll just end up crying and I don't want him to see me at that state.

Should I just go with the flow or stop myself from falling for him even though I know I've already fallen?

Or should I just fight for him?

Dearest AngelWhere stories live. Discover now