Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Asher's POV

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong magvibrate. May dalawang messages. Yung isa galing kay Mom at yung isa galing kay Dad. Syempre yung kay Dad lang muna yung binuksan ko. Mahirap na at baka may makabasa pa ng conversation namin ni Mom.

From: Dad

Be home before 8 PM, okay? Make sure your sister's safe and she'll enjoy. I'll be home late by the way. Take care.

Huminga muna ako nang malalim bago tinago uli yung phone ko sa bulsa ko at saka tumingin uli kina Yvette at Castiel na sabay na naglalakad. We're now heading to the movie theater to look for a good movie to watch.

Papunta na kami sa cinema para maghanap ng magandang movie. Biglaan lang din naman tong plano na to kaya hindi na namin natignan kung ano yung showing.

Pagkatapos ng mahaba at pointless na pagtatalo nung magpinsan ay nauwi rin kami sa pagsunod sa suggestion ni Yvette. Kung tutuusin, pabor nga naman yon sa lahat dahil pare-pareho kaming napabigyan.

"Being a protective brother huh?" Halos atakihin ako dahil sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Guess who?

Well it's no other than Raven. Naging hilig na ba nito yung panggugulat?

Tinignan ko siya ng masama pero hindi na naman siya natinag. Ibang klase talaga. Kung yung iba yon, baka natakot na sila sa akin.

"What? Kanina pa kaya ako nandito! Hindi mo lang ako napapansin."

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"

"Nothing. I just noticed that you kept on watching Yvette and Castiel. Baka matunaw." She joked pero hindi naman nakakatawa.

"Stop joking." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"I'm not even joking. I'm being sarcastic actually. Sungit."

"What?" May binulong kasi siya kaya hindi ko narinig. Baka mamaya minumura na pala ako nito hindi ko pa alam.

"I said I'm not even joking. I'm being sarcastic actually." Sarcastic na paguulit niya sa sinabi niya.

"Narinig ko yon, sira. Ano yung sinabi mo pagkatapos non?"

"Nothing. That's all that I've said." Tapos biglang binilisan niya yung paglalakad kaya naiwan na ako.

Aish this girl.

Raven's POV

"Bakit badtrip ka, Ravs?" Biglang tanong sa akin ni Cass habang tumitingin ako ng magandang movie.

Napasimangot na naman tuloy ako nung naalala ko.

"I'm not. Don't mind me. Ituloy mo lang kung ano man yung ginagawa mo." Kilala naman ako ni Cass at alam niya na mahirap talaga ko kausapin kapag wala ako sa mood.

"Okay guys! Let's just watch this! I heard this movie is good!" She said pointing at the movie poster of Pan. Hmm.. may nabasa akong reviews about that movie and mukhang okay naman kaya pumayag na ako. Syempre yung boys, pumayag na lang din. Wala naman silang choice eh.

Hinati namin yung barkada sa dalawang grupo para yung isa ay pipila para bumili ng ticket habang yung isa naman ay para bumili ng pagkain sa supermarket.

Medyo natagalan pa kami dahil lang sa pagtatalo ng magpinsan pero sa huli naiwan din ako kasama si Levi at Asher para kami yung bibili ng ticket habang si Cass, Yvette, at Castiel naman ang naka-assign para bumili ng mga pagkain.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now