Chapter 34

7 0 0
                                    

Chapter 34

Asher's POV

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Sobrang sakit ng ulo ko pero pinilit kong imulat yung mata ko dahil sa ingay na naririnig ko.

Agad kong nakita si Raven at Cass na nasa tabi ko habang umiiyak.

"Shit, Asher gising ka na." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Levi doon.

Napatingin silang lahat sa akin at kita kong nagalala talaga sila para sa akin. Napatingin ako sa paligid ko pero hindi ko siya makita.

"Mabuti naman gising ka na, dude. Dalawang araw ka na ring natutulog." Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Tsaka ko lang narealize na nasa hospital na pala ako.

"Asan si-" Hindi ko pa man ako tapos sa sinasabi ko ay sumingit na si Cass. Kahit sobrang mugto na ang mata niya at kahit alam kong galit pa rin siya sa akin ay sinubukan niya pa ring magsalita.

"Magpahinga ka na muna para makalabas ka na bukas. Pupunta uli mamaya dito si Tita Natasha. May binili lang siya sandali kaya kami muna ang nagbantay sayo." Hindi ko na pinilit pang magtanong dahil alam kong masama pa rin ang loob nila sa akin dahil sa mga nangyari.

Kinabukasan ay pinayagan na rin ako umuwi ng doctor kaya naman dumiretso na kami ni Mom sa hotel na tinutuluyan namin.

Pumasok din agad ako dahil aaminin ko, hinahanap ko si Yvette. I was kind of hoping na lalapit siya sa akin para magsorry pero pagkadating ko sa room namin, wala pa rin siya. Gusto kong tanungin sina Cass pero parang wala sa mood ang mga to. Baka late lang.

Pero mali ako. Dumating na ang teacher namin pero wala pa rin siya. Lumipas na ang lunch at hanggang sa awasan namin ay hindi na siya dumating. Hindi naman nagaabsent yon ah?

"Nahanap niyo na siya?" Napatingin ako kay Cass noong bigla siyang magsalita. May kausap pala siya sa telephone. Agad ding lumapit sa kanya sina Castiel, Raven at Levi na para bang curious na curious sila sa pinaguusapan nila.

"What?" Nagtaka naman ako nang biglang may tumulong luha mula sa mga mata ni Cass. Ngayon ko lang napansin na parang pagod na pagod na sila. Parang ilang araw na silang walang tulog. Hindi lang si Cass at Raven. Lahat sila, actually.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila dahil nacucurious ako. Seryosong-seryoso sila habang naghihintay na matapos makipag-usap si Cass sa phone.

Maya-maya lang ay binaba na niya yung tawag kaya naman tuluyan na talaga akong lumapit. Nagulat na lang ako nung tumayo siya at hinarap ako.

"Ano masaya ka na, Asher?" Kita ko yung galit sa mata niya pero nangingibabaw pa rin don ang lungkot.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"She's now gone." Parang tumigil sandali yung tibok ng puso ko pagkasabi niya non. Hindi pa man niya sinasabi kung sino yung tinutukoy niya, alam ko na agad yon.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"The day na sinabihan mo siya ng masasakit na salita ay hindi na namin siya nakita. Umalis na siya. Sana masaya ka na na nakuha mo na yung gusto mo ngayon." Umiiyak na sabi ni Cass bago niya ako tinalikuran at umalis.

Napatingin ako sa tatlong natitira. Umiiyak na rin si Raven habang si Castiel at Levi ay galit na nakatingin sa akin ngayon.

Hindi. Anong umalis? Pinaglololoko ata ako ng mga to.

Dali-dali akong umalis ng school at nagpahatid sa driver ni Mom sa bahay dahil umaasa akong makikita ko siya don.

Pero nagkamali ako. Dahil ang nakita ko lang doon ay si Dad. Nakaupo siya sa sofa sa salas habang may binabasa.

Agad akong lumapit sa kanya at nung nakita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako.

"I'm so sorry." Paulit-ulit niyang sinabi yon habang umiiyak. Para siyang naging bata bigla dahil sa paghagulgol niya. Yung dating lalaki na hindi madaling mabasahan ng emotion ay umiiyak sa balikat ko ngayon. "I lost you and I lost my daughter, too. I'm a failure. I'm not worthy to be your father."

Parang nanghina naman yung tuhod ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.

Gusto kong umuwi ngayon kay Mom at umiyak nang umiyak pero hindi ko kayang iwan si Dad sa ganitong kondisyon kaya naman inalalayan ko siyang umakyat papunta sa kwarto niya at sinamahan siya hanggang sa makatulog siya dahil sa kaiiiyak.

Bumaba na rin ako at aalis na sana ako nang biglang makita ko yung papel na binabasa ni Dad kanina.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko para kuhanin yon at nakitang letter yon galing kay Yvette. Alam kong masamang mangialam pero hindi ko napigilan yung sarili kong basahin yon.

Hi Daddy,

I don't know what to say. Sorry? Thank you? Well, both actually.

Thank you. Thank you for being the best father in the world for me. Thank you for taking care of me. Thank you for loving me. Thank you for giving me everything that I needed and wanted. Para sa akin, ikaw ang best father sa mundo.

Sorry rin. Sorry for causing you so much pain. I'm really sorry naipit ka sa gulong ako yung naging dahilan. Sometimes, I wished na sana hindi na lang ako dumating. I've been nothing but a cause of heartache not only for you and my mom but for Kuya Asher and Tita Natasha as well.

You always tell me to follow my heart. Pero ikaw mismo hindi mo yon ginagawa. I know very well na mahal na mahal na mahal na mahal mo pa rin si Tita Natasha. Pero ang tigas-tigas kasi ng ulo mo, Daddy. Hmp.

You don't have to worry about me anymore. I'll be fine. But I'll be much better kapag nalaman ko na nagkabalikan na kayo ni Tita. You deserve to be happy, Dad. Wag mo nang sisihin yung sarili mo sa kasalanan na matagal nang tapos. Stop making more mistakes dahil lang pilit mong pinaparusahan yung sarili mo. You should now fulfill your dream of being with the one you love. Wag mo nang pigilan ang sarili mo na maging masaya. Go and get your family back. Make them feel you love them.

For the past years, I know pinili mong maging cold kay Kuya dahil hindi mo alam kung paano pipigilan ang sarili mo kapag napalapit ka na sa kanya. Now you don't have to worry anymore. I'm setting you free, Dad. Don't ever feel like you're chained to be with me anymore, okay?

I'll be fine. I promise.

I love you so much, Daddy.

- Yvette

Hindi ko na napigilan ilabas lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas dahil sa nabasa ko. Fuck, Asher. Kasalanan mo to.

Hindi ko na kayang magstay pa don kaya naman nagdrive na ako pauwi. Mahirap dahil hindi nawawala yung luha sa mga mata ko pero mabuti na lang at nakauwi ako ng safe.

Pagkadating ko sa unit namin ay nagulat na lang si Mom nang makita akong umiiyak. Agad niya akong niyakap at mas lalo lang akong naiyak dahil don.

"I'm sorry." Umiiyak na sabi ko.

"What happened, Asher? Bakit ka umiiyak?"

Dahil hindi rin naman ako makausap ni Mom ay hinatid niya na lang muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now