Chapter 21

7 0 0
                                    

Chapter 21

Cassandra's POV

This is it. Ngayon na yung performance namin para sa PE.

Last week pa dapat to pero biglang nagkaroon ng seminar na pupuntahan yung teacher namin kaya hindi natuloy.

Hindi naman sobrang magara tong performance namin na to. Practical exam lang naman to and preparation for our graduation ball pero ni-require kami na magsuot ng dress at heels.

Shit, I'm not ready for this. Pero para sa grades, laban lang!!

Kakalabas ko lang ng dressing room at halos gusto kong pumasok uli. Nakasuot lang kasi ako ng light yellow na floral na dress. One inch above the knee lang siya at tinernuhan ko ng black na heels na 2 inches lang yung taas. Grabe ha. 2 inches pa lang to pero nananakit na yung paa ko. Paano kaya nagagawa nung iba na magsuot ng heels na mas mataas pa dito?

Grabe nahihiya talaga ako. Nakakasira to ng bad girl image namin ni Raven ah!

Hindi kasi talaga ako confident sa itsura ko. Ang stressful kaya ng mga nangyari last week. Syempre haggard ako!

"Don't be shy. You look beautiful." Rinig kong may nagsalita sa gilid ko kaya napatingin ako don.

Shit si Karl.

Mas lalo tuloy akong nahiya. Ghad ang ganda ko raw! Lalaki ulo ko dito ah!

Babalik na sana ako sa loob pero hinawakan na niya ang braso ko at tuluyan na akong hinila palabas.

Ramdam kong may mga tumitingin sa gawi namin kaya itinuon ko na lang yung paningin ko sa baba hanggang sa mapatigil kami. Muntikan pa akong mabangga sa likod ni Karl dahil sa biglaan niyang pagtigil. Napaangat tuloy ako ng paningin dahil sa gulat.

"Sorry." Bigla naman siyang tumawa at parang amuse na amuse pa sa akin.

"Chill ka lang kasi. Wag ka kabahan. You look beautiful kaya hindi mo kailangan itago ang mukha mo."

Ramdam kong nag-init yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Magaling pala tong mambola eh.

"Ehem." Napatingin ako sa gilid namin dahil sa pa-epal na biglang sumisingit sa landian naming dalawa ni Karl. Sino pa bang eepal sa buhay ko? Syempre walang iba kung hindi ang pinsan ko. Kasama niya ngayon si Castiel na mukhang hindi mapakali at patingin-tingin sa paligid niya.

Mukhang may hinahanap ah. Hmp di man lang pinansin yung beauty ko. Pero anyway, at least alam kong na kay Yvette lang yung atensyon niya. Hmm mukha naman kasing hindi si Castiel yung tipo ng lalaki na mahilig mambabae.

Hello? Si Yvette kaya yung unang babae na kinausap niya na silang dalawa lang! Ibig sabihin sobrang special ni Yvette sa buhay niya. Shit nakakakilig talaga silang dalawa. Kahit ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw, parang magiging worth it lahat nung sakit na naramdaman nila kapag naging sila na.

Tingin ko kailangan lang talaga ni Castiel maghintay. Gusto na rin naman siya ni Yvette eh!

"Guys?" Bakit ba bigla-bigla na lang nagsusulputan yung mga tao ngayon?

Pero wait.

Kahit singkit ako alam kong nanlalaki na yung mga mata ko ngayon habang nakatingin kay Raven.

Kabog ang beauty ko.

Aba! Nakasuot siya ngayon ng plain at sleeveless na red dress na supposed to be ay one inch lang above the knees pero dahil matangkad siya, parang naging 2 inches na yon! At bukod don, nakasuot pa siya ng killer heels! Tingin ko nasa 4 inches pa yon!

Wala na talo na talaga ako.

"Wow! Ang ganda mo, Raven." Bigla siyang napatawa at nagpost pa na parang jejemon sa harap namin. Shet ang sagwa! Ang ganda niya ngayon pero ganon yung ginawa niya.

"Mas maganda ka pa rin ano ba!" I know right. Wow ang kapal ng mukha ko.

Bigla akong napatingin sa gilid ng gym at nakitang nandon sina Asher at si Bianca. Kitang-kita ko pa kung paano matulala si Asher saglit habang nakatingin kay Raven.

Sige lang. Lumuwa sana mga mata mo kakatingin dyan. Hindi ka man lang nagpakita sa aming gago ka. Yan tuloy, hanggang tingin ka lang kay Raven.

"Oh asan si Castiel?" Bigla akong napalingon sa paligid ko dahil nawala nga bigla si Castiel sa kinakatayuan niya.

Saan naman biglang nagpunta yon?

"Aba ang bilis ah. Binakuran agad." Napatingin ako kay Levi na naka-smirk lang ngayon at nakatingin sa isang direksyon. Sinundan ko lang kung saan siya nakatingin at kahit hindi naman ako yung nasa pwesto nila, hindi ko maiwasan kiligin.

Paano ba naman kasi. Kaya naman pala nawala bigla si Castiel ay dahil sinundo niya si Yvette na kakalabas lang ng dressing room. Hindi naman kasi kami nagsabay-sabay nila Raven kaya kahit kami, hindi namin alam yung susuotin ng bawat isa sa amin.

"Shit." Sabay naming bulong ni Raven.

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong naging emotional pagkakita ko kay Yvette. Talo ko pa ang mga magulang na hinahatid yung anak nila sa prom nito.

Grabe naman kasi.

Bagay na bagay sa kanya yung suot niya plain white dress. 1 inch below the knees yung sa harap pero mas mahaba yung sa likod nito. Kagaya ko, nakasuot din siya ng black na heels na 2 inches pero yung strap ng kanya ay umaabot hanggang sa may binti nito.

Seriously, mukha siyang anghel dahil sa itsura niya ngayon.

Kung kami ni Raven, naglagay lang ng polbo at konting lip tint para hindi naman kami maputla, siya wala talaga kahit isang nilagay sa mukha niya. Sobrang natural ng ganda niya. Hindi katulad ng ibang mga babae dito na halos magmukha ng clown dahil sa kapal ng make up.

May binulong sa kanya bigla si Castiel na nagpangiti sa kanila pareho.

Shit, grabe yung mga tinginan nila sa isa't isa.

Kitang-kita mo sa mga mata nila yung feelings nila for each other.

Sobrang masaya ako para sa best friend ko. Iba yung mga ngiti niya ngayon eh. Sobrang... totoo. Para ngang ito yung first time na nakita ko yung ngiti niyang ganyan. Walang halong pretentions. Hindi pilit. Yung kahit nga mata niya parang naka-ngiti na rin.

Masaya ako na nahanap nila ang isa't isa. Ngayon ang hiling ko na lang ay sana maging masaya at magkasama sila hanggang sa huli.

Deserve nila pareho 'yon. Lalo na si Yvette. Sa lahat ng sakit na naramdaman niya, sobrang deserve niya maging masaya.

Sana lang talaga ganito na lang sila palagi.

Sana.

Dearest AngelWhere stories live. Discover now