VI

6.3K 272 55
                                    

" Yehey!!!! Nanalo kami may pa pizza si pinsan " masayang wika ni Freya

" Nanalo tayo ng hindi ka man lang naka facial sa setter nila " parinig ni Hera

" At least nka service ace naman ako sa kanya " pagyayabang nya naman

Habang nagsasagutan ang dalawa ay tahimik naman si Antidote na umiinom ng tubig habang hindi natigil si Freya sa pagsasalita

" Pizza! Pizza! Pizza! Pizza " with matching actions pa

Nang biglang may tumabi kay Antidote

" Hey "

" What " malamig nyang tanong

" Pinsan mo ba talaga yang weird na yan? " usisa ni Hera

" Why "

"Opposite kasi kayo ng ugali, kung gaano ka katahimik ganun sya ka ingay " sagot ni Freya

Hindi nagsalita si Antidote, isa isang dumaan ang mga players na kalaban nila kanina sa tabi nila kasama si Tara nang biglang nagsalita si Antidote

" Captain "

Nahinto si Tara sa paglakad, narinig ni Freya ang boses ng pinsan kaya napatingin sya dito

Tumayo si Antidote at pmwesto sa harapan ni Tara pagkatapos ay nilahad nya ang kanyang kanang kamay sa babae

Nagulat si Tara sa ginawa ni Antidote, naguguluhan man ay nakipag kamay sya dito

Pagkatapos makipag shake hands sa babae ay bumalik sa mga kasama nya si Antidote

Natulala si Tara sa ginawa ng nag iisang Ace Princess sinundan niya ng tingin ang babae habang nakikipag usap ito sa mga kasama

Lihim syang napangiti
.
.
.
.
.
Habang naglalakad papuntang parking

" Pinsan nakita ko yun "

Tinaasan sya ng kilay ni Antidote

" Nakipag shake hands ka dun sa babae, OMG first time yun " hysterical nyang wika

" magaling syang mag motivate ng team nya, magaling syang captain she deserve it " sagot ni Antidote

" Wow nag compliment ka naman ngayon " komento ni Freya

" cous "

" Masubaybayan nga ang love story nyong dalawa kung sakaling magkakaroon ayeee " kinikilig nyang wika

" Wag mo akong pag iisipan ng ganyan " babala nya sa pinsan

" Bakit hindi? Eh kasi naman never ka naman nakipagkamay o nag compliment sa kalaban mo no " sagot naman ni Freya

" FYI she's the team captain, hindi sya kalaban " pagtatama ni Antidote

" Okay hindi na kung hindi, basta bilisan mo na maglakad kasi gutom na ako " at nawala sa tabi ni Antidote

" Hera "

Nakikipag usap siya kay Hestia ng bigla syang tawagin ng babaeng nasa likod

" Yes? "

" About your friends " sagot ni Antidote

Pinauna na nya si Hestia at sinabayan sa paglakad ang babae

" Sino? Ishtar? Eania? or si Hestia baby ko? " simpleng tanong ni Hera

" Silang tatlo "

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now