" Anong ngiti yan? " tanong ni Jema nang mahagip ng kanyang mata si Deanna
Parang baliw kasing nakangiti ito na nakatingin sa harapan ng kanyang laptop
" Jema Wong? "
Tinaasan sya ng kilay ni Jema at tiningnan ang ginagawa ni Deanna
" Ano problema? " tanong niya matapos nyang tingnan ang laptop nito
" So still surname ko pa rin pla gamit mo kahit hiwalay na tayo at fake ang- "
Hindi na natuloy pa ni Deanna ang sasabihin nang sawayin siya ng kausap
" Shhhhh! " pagpapatigil ni Jema
" Why? " inosenteng tanong ni Deanna
" Baka marinig ka ng anak natin " may pag alalang wika nya at tumingin sa front door. baka kasi biglang pumasok si Antidote
" Wala pa naman sya " kampanteng sagot naman ni Deanna
" Eh kung bigla pumasok? " pagtataray ni Jema
" Bakit ba kinakabahan ka? " may pagtatakang tanong ni Deanna
" Kasi hindi pa po alam ng anak natin na fake ang wedding natin " diretsong sagot ni Jema
" Ha? ba-bakit? " tanong ni Deanna at sya naman ang d mapakali
" Kasi ayoko sabihin "
Napahawak si Deanna ng kanyang bibig at tumayo
" Wow.. Margarett naman " nanghihina nyang reklamo
" Bakit? " inosenteng tanong ni Jema
" Dagdag naman yan sa problema natin eh " parang batang reklamo ni Deanna
" Ano magagawa ko kung ayaw ko sabhin sa kanya? " tanggol ni Jema sa sarili
" Oo nga ayaw mo sabihin pero... ugh!!! Akala ko si Jaden lang ang magiging problema ko, pati pla ang fake wedding natin " naiiling nyang wika
" Mas mabuti ng hindi nya alam para d nadadagdagan ang galit nya sakin " sagot pa ni Jema
" So ano gagawin natin? " buntong hiningang tanong ni Deanna sa kanya
" Ano pa eh aaminin natin ang totoo sa anak natin.. Malalaman din naman nya lahat soon "
" Anong totoo? " tanong ng kakarating lang na si Antidote
-
" Lulu " bati ni Deanna sa lalake pagkapasok nya sa loob ng bahay nito
" Dean "
" How are you? " kaswal na tanong ni Deanna
" Good, ikaw? Sure ka ba sa desisyon mo na aminin sa dalawang bata ang totoo " tanong ng lalake at umupo sa sofa
" Of course " sagot naman ni Deanna
" so san ngayon ang punta nyo ni Jaden? " pagusisa pa ng lalake
" Uhmmm... sa house muna kami ni Mafe mag stay, magkikita na lang kami nina Margarett at Antidote sa Airport " sagot ni Deanna at pilit na ngumiti
" Ilang weeks kayo dun sa Cebu? "
" Weekend lang. kasi after namin sa Cebu pupunta kami sa Laguna to visit Margarett parents, ilang months na din kasing hindi nya nakikita ang parents nya " kaswal na sagot ni Deanna