XXXIX

6.2K 245 63
                                    

" Hestia may gusto ka pa ba puntahan? o gawin? " tanong ni Jema nang makalabas na ang dalawang bata sa timezone

" Wala po Tita " sagot nya na d man lang ngumiti

" Nag enjoy nman ba kayo? " tanong pa nya

" Wifewife, pano mag enjoy? eh puro tingin lang ginawa ng dalawang yan sa loob ng timezone " sabad naman ni Deanna

" Quiet ka nga hubhub, hindi nman ikaw kinakausap " saway nya sa katabi

" Nagsusungit na nman ang Reyna, dito na lang ako sa anak ko " at nilapitan si Antidote tsaka inakbayan

" Anak, musta feeling ng may magandang kasama bukod samin ng Mommy mo? " nakangiting tanong ni Deanna

Tiningnan lang sya ni Antidote

" Pati ba naman ikaw? Susungitan mo si Mama? " parang batang tanong ni Deanna

" Hubs halika kna, kumain na tayo para makauwi na " akay ni Jema

" Wifewife maaga pa naman ehh " sagot ni Deanna matapos tingnan ang oras sa suot nyang wristwatch

" Na bo-bored na ang mga bata dito sa Mall, at hindi tayo pwede magtagal dito.. pano kung may nagkakilala satin? " sagot naman ni Jema

" Wifewife may nami miss kasi akong gawin "

" Ano naman yun? "

---

KTV Room

" I don't sing " walang ganang sagot ni Antidote

" Anak naman kumanta ka na, birthday naman ni Hestia " pagpilit ni Deanna sa anak

" Kung birthday nya dapat ba kumanta ako? " walang emosyon nman nyang tanong

" Tsk.. Bakit kasi sa lahat ng pwedeng manahin mo samin ng Mommy mo, ang pagiging masungit pa tlga ang pinaka una? " maktol ni Deanna

Nang biglang hinampas sya sa balikat ni Jema

" Tigilan mo na nga yang anak mo, kung ayaw kumanta, ikaw kumanta kung ayaw nya "

Umirap naman si Deanna bago nilapitan ang tahimik na nakaupo na si Hestia

" Uhm.. Hestia "

" Po? "

" Gusto mo kumanta? " nakangiting tanong ni Deanna

" Hmm.. s-sige po Tita, pero pwede din po ako uminom? " magalang nyang tanong

" Inom? Tubig? Juice? or Soda? " sunod sunod naman na tanong ni Deanna

" Beer po " sagot ni Hestia

Napatingin si Deanna at Jema sa isat isa samantalang si Antidote naman ay napatingin sa nagsalitang babae

" Ahhmm.. Hestia, kasi minor ka pa iha, hindi pwede at magagalit ang parents mo pag nalaman nila " may pag alalang wika ni Jema

" Wala nman po silang pakialam sakin, birthday ko today pero hindi ko sila kasama " nakayukong sagot ni Hestia

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto nang biglang

" Give me your hand "

Nag angat ng tingin si Hestia, nakita nya si Antidote at ang kanang kamay nito na nakalahad sa kanya

Nag alinlangan man ay binigay ni Hestia ang kamay niya sa babae. Nang magkahawak na ang kanilang mga kamay ay hinila sya ni Antidote patayo at palabas ng kwarto

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now