XXVII

5.2K 229 41
                                    

" wala akong sinabing tumigil ka " striktong wika ni Jema

" Coach please naman " hinihingal na reklamo ni Chyina

" Punishment mo to dahil sa ginawa mo kagabi sa anak ko " sagot ni Jema habang nakabantay sa ginagawang punishment ng kanyang player

" Coach sinagot ko lang naman ang anak mo " pagdahilan niya

" Kahit na, at hinamon mo pa tlaga sya? " nalolokang wika ni Jema

" Narinig mo siya ang unang humamon sakin "

" Ayoko marinig paliwanag mo, bilisan mo dyan dahil lilibutin mo pa ang buong building " pag apura ni Jema sa babae

" Okay.. gagawin ko lahat ng pinagagawa mo pero sakin ka na pagkatapos " pinagpapawisang wika ni Chyina

" tigilan mo ako Carlos, ang bata mo pa kung ano ano sinasabi mo " sermon ni Jema

" Kasalanan ko ba na ikaw ang gusto ko Coach " nakangusong sagot naman nya kahit nahihirapan na sya

" Magulo ang buhay ko, wag ka ng magtangkang pumasok "

" Eh d aayusin ko " sagot niya at ngumiti ng matamis kay Jema

" Sa anak ko pa lang sablay ka na nga eh " naiiling nyang sabi

" So may chance ako Coach kung sakaling hindi kokontra ang anak nyo? "

" Wala pa rin " at sign pa ng X

" Si Coach tlaga, madedevelop ka rin sakin "

" Anong akala mo sakin 17 years old? gaya ng sabi ko magulo na ang buhay ko wag mo ng dagdagan " pagtatapos ni Jema sa usapan

---

" Gusto ko lang naman maging masaya ang kapatid ko pero bakit ganun ang nangyari? " galit na tanong ni Mafe

" bakit sakin ka nagagalit? kapatid mo may problema.. sinabi ko na sa kanya lahat at sinabi ko na mahal ko sya " pagkwento ni Deanna

" Tlagang sinabi mo yun? " gulat na tanong ni Mafe sa katabi

Tumango naman si Deanna

" Anong sinagot sayo? " pag usisa ni Mafe

" Wala... iniwan ako " pag alala ni Deanna sa nangyari kagabi

" Pero totoo ba na tlagang Mahal mo si Jema? " taas kilay na tanong ni Mafe

" Sasabihin ko ba kung hindi? " pairap na sagot naman ni Deanna

" Pano yan? hindi ka na pwedeng umuwi sa bahay niya "

" Bakit naman? " inosenteng tanong nya sa babae

" Galit na naman sayo kapatid ko, ayaw ka na naman makita " naiiling na kwento ni Mafe

" Hindi ko alam kung ano problema nya, inaayos ko na nga pero sya pa yung nagagalit... ako na nga yung iniwan at hiniwalayan niya eh " reklamo ni Deanna

" Pano kasi, sa daming bagay na pwede kang maging tanga ehh yung pagbuntis mo pa kay Charlene ang nagawa mo " sarkistong saad ni Mafe

" Hindi ko naman alam na may gusto sakin yun " depensa ni -Deanna

" Hindi ka lang pla tanga, manhid ka pa.. eh ang klaro na may gusto sayo yun.. sino bang matinong tao na bibilhin ang lupa at bahay namin sa Laguna sa halagang 5million tapos ibibigay sayo ang titulo?? " dagdag pa ni Mafe

My Ace Princess: Antidote Wong Место, где живут истории. Откройте их для себя