XXXIII

4.4K 196 26
                                    

" Jaden " tawag niya sa anak nang makapasok ito sa loob ng unit

" Coach "

" I enrolled you in Ateneo and these are your requirements " at binigay ang mga pinamili nya para sa bata

" In school where you work? " tanong ni Jaden at nilabas sa plastic ang mga school supplies na pinamili ni Deanna

" No " sagot niya sabay upo sa sofa

" Can I play volleyball there? " tanong ni Jaden

" we've talked about that already. No volleyball Jaden " seryosong sagot ni Deanna

" Yeah.. but... but I like playin volleyball " insist ng bata

" Why you want to play volleyball? "

Nang may pinakita sya sa kanyang laptop na picture ng isang babaeng volleyball player na ikinagulat ni Deanna

" Because of her " sagot ni Jaden

" she's the best volleyball player in Ph right now " seryoso nyang wika

Nakatitig lang naman si Deanna sa picture na pinakita ni Jaden

" I want to beat Ace Princess " may pagbabantang wika ni Jaden

" And of course Coach, I want to make you proud " at ngumiti ng matamis kay Deanna

---

Matagal na kitang pinapantasya
Noon pang ika'y aking unang nakita
Ang iyong mukha'y nagpapaganda ng aking umaga
Mamasdan lang ang iyong ngiti anong ligaya ko na

Habang ako'y nagdaraan sayong tabi
Aking mata sayo'y nawiwili
Sa kakatingin sa mukha mong maganda
Na kahit siguro sino'y iyong mapapahalina

Sa iyong mga tingin ako'y binabalot ng kaba
Na kapag naiisip ay natatawa
Mahal kita aking paulit ulit na sasabihin
Na kahit sa paniginip ko ay aking sasambitin

" Pinsan kiligin ka naman " komento ni Freya matapos nila basahin ang isang sulat na naglalaman ng isang tula

" Freya " saway nya sa pinsan at tinupi ang hawak na papel

" Parang ganito oh " at nag action pa na parang kinukuryente

Hindi siya pinansin ni Antidote

" Bakit ka ba ganyan? eh ang sweet kaya ng gumawa ng tulang yan para sayo, tlagang pinag isipan at pinag planuhan " nakangising sagot ni Freya

" Ikaw ba gumawa nito? " tanong ni Antidote

" Mukha ba akong may gusto sayo? Kahit ikaw pa ang pinaka maganda sa buong mundo pinsan hindi kita papatulan " pairap naman nyang sagot sa pinsan

" tapon mo sa trash bin "

" Pinsan naman eh! galing nga sa admirer mo yan itatapon mo? Keep mo na lang at gawin mong souvenir " giit ni Freya

Pero hindi sya pinakinggan ni Antidote. Iniwan nya ang papel sa upuan at tsaka naglakad palayo

" Ang bato tlaga nito, pinaghirapan namin gawin to ni Reo tapos iiwan nya lang dito " reklamo ni Freya at kinuha ang papel at pinasok sa kanyang bulsa

---

" Blow your candle " nakangiting wika ni Jema

" Pero malayo pa ang birthday ko " sagot ni Antidote

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now