LX

3.5K 174 38
                                    

" Valdez, Galang "

" wag nyong hintayin ang bola ang lumapit sa inyo.. habulin nyo " utos ni Mafe ng makitang hinayaan lang dalawa ang bola na lumapag sa sahig

Mahina sa receive ang dalawang OH ng team kaya ito ngayon ang tinututukan ni Mafe

Habang nasa gitna ang dalawa ay nakaupo at nanunuod naman sa kanila ang ibang mga ka teammates maliban sa isa

Si Antidote

Siya kasi ang inutusan ni Mafe na mag serve ng bola sa dalawang ka teammates nito

Pinunasan muna ni Antidote ang pawis sa kanyang noo bago hinagis ang bola sa ere at pinalo ito ng sobrang lakas

" imposible naman kasi na mahahabol nila ang bola " komento ni Yna

" parang hindi ko nga nakita na dumaan eh " sabi naman ni Nicolette

" sa tingin mo tatagal pa ang dalawang yan ng isang oras? " tanong ni Eania

" 30 mins " maarteng sagot ni Ishtar

" ang tagal naman.. 5 mins nakahiga na ang dalawang yan sa sahig " sabad naman ni Freya sa usapan

" bakit kasi hindi na lang itong si Nicolette ang pinag training dun ni Coach? " nababadtrip na tanog ni Hera

" marunong kaya akong mag receive "

" sinabi ko bang hindi? "

" alam mo De Guzman OH sila eh.. dapt sa mga ganyang position All around ka.. hindi ba tinuro yan ng mommy mo sayo? " sarkistong tanong ni Freya

" Setter ang position ko at hindi OH.. ang sakin lang naman dapat kasi hindi si Ace ang nag se serve " pagdahilan nya

" sino ba dapat? Ikaw? Ang gaan ng serve mo tapos gusto mo ikaw ang mag serve sa kanila " pagtataray nito sa katabi

" hayaan mo na kay Ace yan, total Forte naman nya yan eh.. ano pa tinawag syang Ace Princess dba? " pag awat naman ni Yna

Nang marinig nila ang pito ni Mafe

" Water Break "

Nakita nilang sabay napahiga sa sahig si Tara at Hestia kaya mabilis naman sumugod si Hera papunta sa kaibigan

" Pinsan oh " sabay abot ni Freya ng tumbler na may lamang tubig kay Antidote nang makita nya itong palapit sa kanya

Kinuha niya ang tumbler at ininom ang laman nito bago umupo sa tabi ni Freya

Nakikipag usap si Mafe sa assistant Coach nya nang biglang may sumulpot na estudyante sa kanyang tabi

" Coach pinapatawag po kayo ni Father "

" ngayon na? " tanong ni Mafe

" opo, emergency daw po " magalang na sagot ng lalakeng estudyante

" sige.. tapusin ko lang to.. thank you "

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now