LXXII

2.9K 140 27
                                    

" Ms. Antidote "

" Yes Manang? " tanong ni Antidote nang makita ang matandang maid sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto

" May naghahanap po sa inyo " sagot ng matanda

" Sino? "

" Mrs.Uy daw po "

Nang marinig ang sagot ng matanda at iniwan muna ni Antidote ang kanyang ginagawa at sumunod sa matanda pababa ng hagdan

Nang makita nya si Charlene na nakatayo habang nakatingin sa picture nila ni Jema na naka display sa living room

" What brings you here? " pormal nyang tanong

" Hi! Goodmorning " masiglang bati ni Charlene

Hindi sumagot si Antidote

" My brother went to Japan, so wala akong kasama sa house mag breakfast " at pinakita ang bitbit nyang paper bag na may lamang pagkain

" why not tell your husband to accompany you " di interesadong wika ni Antidote

" Kung kasama ko ang asawa ko ngayon, wala sana ako dito " sagot ni Charlene

" At dapat wala ka naman tlaga dito, coz you're not welcome " sabi pa ni Antidote

" I already spoke to your Coach lastnight, and i apologize to her for my behavior " pagkwento ni Charlene

Walang sagot si Antidote

" So pwede na ba tayo mag breakfast? "

Napabuntong hininga sya sabay tawag sa maid nila

" Manang "

" Ano po yun? " tanong ng matanda

" Paki tawag si Jaden " utos nya dito

Sumunod naman ang matanda

Nang mahuli nyang nakatingin sa kanya si Charlene

" What? " tanong ni Antidote

" Hindi ko nakikita ang parents mo " sagot ni Charlene habang iginala ang tingin sa paligid

" They are in the states right now " at naglakad papunta sa dining room

" Dun sila nag wo-work? " tanong ni Charlene at sumunod kay Antidote

" No, may inasikaso lang " sagot nya at kinuha ang paper bag na bitbit nito

" Wedding? " pag usisa ni Charlene

" Wedding? " kunot noong tanong ni Antidote at tinignan sya

" Preparation for the wedding " patay malisyang sagot ni Charele

" I don't think magpapakasal sila dun " sagot ni Antidote

" Really? Pero dba anak ka? So bakit wala kang alam? " kibit balikat na tanong ni Charlene

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now