XL

3.9K 139 3
                                    

Ateneo Gym

" What's up? " bati ni Deanna kay Alyssa nang makita nya ito

" Dean " at niyakap ang bagong dating

" Good morning " matapos sya nitong yakapin

" What brings you here?" tanong ni Alyssa

" Hinatid ko lang kasi si Jaden, total nandito na rin lang ako, kaya pinuntahan na kita " sagot naman ni Deanna

" I see, buti pinapasok ka pa ng guard " pagbibiro ni Alyssa

" Of course, kahit naman part na ako ng coaching staff ng Adamson ngayon, Alma Mater ko pa rin Ateneo haha " sagot ni Deanna at tumawa

" Sa office tayo " wika ni Aly at naglakad papasok sa kanyang opisina, sumunod naman si Deanna sa kanya

" So how are you? " pormal nyang tanong nang makaupo ito sa kanyang swivel chair

" Parang hindi tayo nagkita sa bahay ni Bea " pagpapatawa ni Deanna at umupo sa maliit na sofa sa loob ng opisina ni Aly

" Last week pa yun dba? "

" Yup " sabay tango ni Deanna at iginala ang tingin sa loob ng opisina

" Kaya matagal na " balewalang sagot ni Alyssa

Nang binalik ni Deanna ang tingin sa kausap at biglang sumeryoso

" Uhmm.. can I talk to you about Hestia? "

Nawala naman ang ngiti ni Aly nang marinig ang sinabi ng kausap

" alam ko ng sasabihin mo " malamig nyang wika

" Ate "

" Dean, kahit asawa ko walang magawa.. please lang wag mo ng ituloy ang sasabihin mo " pakiusap ni Aly

" Naawa lang kasi ako sa bata, nag celebrate sya ng birthday na kami ang kasama nya, hindi kayo " pagkwento ni Deanna

" Tinuturuan ko lang ng leksyon ang anak ko " seryosong sagot ni Aly

" Nag usap kami ni Ate Den, pinuntahan nya sa bahay si Hestia. sabi nya hindi ka naman daw ganyan kay Allison "

" I expected more from her " mapait nyang sagot

" Sana kasi inalam mo muna ang reason ng anak mo bakit nya mas gusto maglaro for lasalle " paliwanag ni Deanna

" Reputation is everything to me Dean " malamig na wika ni Alyssa

Hindi naman nakasagot si Deanna sa sinabi ng kausap, nang bigla na itong tumayo

" Im sorry.. kung wala ka ng sasabihin lalabas na ako.. nag hihintay na ang mga players ko " wika ni Aly at mahinang tinapik sa balikat si Deanna bago tuluyang lumabas sa sariling opisina

---

" Ano nangyari sa CGC? " tanong ni Jema sa kanyang secretary

" Tumawag na po ako sa main office nila sa Japan Mam, pero wala po silang binigay na explanation sakin. ang sabi lang po ng nakausap ko yun po kasi ang order ng nasa taas " sagot naman ng babaeng secretary na pangalan ay Cara

" Pero bakit nga? matagal na nila tayong kliyente" d maintindihang tanong ni Jema

" Hindi ko po alam "

Napahimas ng kanyang noo si Jema at napasandal sa kanyang swivel chair

" Kung may mga tanong daw po tayo, lawyer na lang daw po nila ang kausapin satin " dagdag pa ni Cara

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now