XXV

4.2K 243 30
                                    

" I am here Jaden, I'll take care of you, get well okay? " malambing na wika ni Deanna habang hinahaplos ang pisngi ng natutulog na anak

" Bakit wala pa dito ang Mommy niya? Sana tinawagan mo para maalagaan ang anak niyong dalawa " malamig na sabi ni Jema

" Wala akong contact sa Mommy niya"

" Pinagloloko mo ba ako? Kanina lang kausap mo sya sa phone pinasusundo mo sa kanya si Jaden " sarkistong wika ni Jema

" Si Lulu yun, hindi sya ang mommy ni Jaden " sagot naman ni Deanna

" So ibang babae pa yun? Wow ang dami pla namin sa buhay mo! Iba ka! " at pumalakpak pa

" Si Lulu, siya si Luigi " mahinahong sagot ni Deanna

" Deanna naman, buking kna ehh mag dedeny ka pa " giit ni Jema at tiningnan ng masama ang babae

" Luigi Luna, gets mo na? " walang ganang wika ni Deanna

" Sana kasi pinag explain mo muna ako bago mo ako husgahan like what you did to me in the past " napipikong sabi pa niya

" Tama naman ginawa ko noon " sagot naman ni Jema

" Kahit wala akong kasalanan, tama para sayo? " mapait na tanong ni Deanna

" Katabi mo ang ebidensya "

Tumayo si Deanna at hinarap si Jema

" Pero hindi kita niloko, naging honest ako,pero ginawa mo pa rin na makipaghiwalay sakin " sumbat niya

" Nasaktan ako, alangan naman tanggapin pa kita " pabalang na sagot ni Jema

" Hindi mo ba tlaga naintindihan ang sinabi ko? Hindi kita niloko.. wala akong ibang babae " matigas na sabi ni Deanna

" Dun tayo sa labas mag usap, natutulog ang anak mo " at naunang lumabas ng kwarto

Hinimas ni Deanna ang kanyang ulo dahil nagsisimula na namang itong sumakit. Inayos nya muna ang posisyon ni Jaden sa kama bago sinundan si Jema sa labas

" Sige magpaliwanag ka " pag umpisa ni Jema

" Walang kami ni Charlene " sagot ni Deanna

" Charlene? "

" S-siya ang M-mommy ni J-Jaden " kabadong sagot nya

Napakuyom ng kamay niya si Jema

" So totoo ang hinala ko sa kanya? "

Hindi sumagot si Deanna

" Kaya ba may anak ka sa babaeng yun dahil nagbigay ka ng egg cell mo sa kanya? " galit na tanong ni Jema

" No! mali ang iniisip mo " at mabilis na umiling si Deanna

" So papano nangyari na naging anak mo si Jaden sa babaeng yun? " malamig na tanong ni Jema

" dahil nag undergo tayo ng Reciprocal IVF sa hospital ng family ni Charlene "

" Gusto mong paniwalaan ko ang kwento mo? " nagdududang tanong niya

" Nagtanong ka, sinagot kita " mahinahong sagot ni Deanna

" Kung nag undergo tayo ng IVF sa hospital nila- "

" they have all the resources to make things possible " pagputol niya sasabihin ng kausap

" bakit bumalik ka pa ba ng hospital after ng treatment? "

My Ace Princess: Antidote Wong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon